CHAPTER 12

153 25 5
                                    

Mature Content WARNING. This Chapter may contains mature themes and strong language that are not suitable for very young audience. Read at your own risk.

Pleasure.

Marahan akong nag mulat ng mata at hindi ko alam kung bakit bigla nanakit ang boung katawan ko.

"Tawagin mo si Mr.Lordcan, Gising na sya." Dinig kong utos ni Drake.

Sa lakas ba naman ng boses niya hindi kopa siya makikila.

Iginala ko ang paningin ko sa boung silid. Bakit parang nasa ibang kwarto ako? At hindi ko gusto ang amoy.

Sinubukan kung bumangon pero bumalik din sa pagkakahiga ng mas naramdaman ko ang sakit sa katawan ko.

Taka din akong napalingon sa kamay kung naka-swero at may benda din ang kaliwang kamay ko.

I pouted ng maalalang nasagasaan ako.

Sino kaya ang nagdala sa akin dito?

Pumasok ang isang babaeng nurse at nagmadali itong lumapit sa akin ng makitang uupo ako.

"Dahan-dahan lang po, Ma'am" Aniya at inalalayan ako.

Nandito naman sa loob si Drake kaso sa halip na tulongan ako nakatitig lang siya sa nurse.

Manyak din ba siya?

"Check up every five hours, Ma'am." She was writing something on her metal clipboard na may mga papel habang nagsasalita.

Simula noon ayaw ko talaga sa hospital, hindi ko gusto ang amoy ng mga gamot. This is boring.

Kasalanan ko naman bakit ako nandito. Sige gurl pasagasa pa napaka tanga ko talaga.

"Puwede na ba akong umuwi?" Tanong ko sa babaeng nurse habang nakatingin sa naka swero kong kamay.

"Hindi pa po, Ma'am. Kailangan niyo po munang magpalakas." Nakangiting paliwanag niya.

Lumabas ang babaeng nurse at sinundan agad ito ng tingin ni Drake. Tuloy ay nasalubong niya ang walang ekspresyon na mukha ni Caspain ng makapasok ito.

Pagagalitan niya ba ako? Wag naman sana.

Agad siyang lumapit sa akin at humila  ng isang upuan t'saka siya umupo sa gilid ko.

"Are you hungry?" Kauna-unahang tanong niya at hinawakan ang walang dextrose kong kamay.

He was wearing a simple plain white shirt at black slacks naman sa  pang-ibabang sout niya pero gwapong-gwapo siya sa sout niya.

"Gusto ko ng kanin at fried chicken." Nakanguso kong sabi pero ang paningin ay nasa kamay kung may swero.

"Wag niyong sabihin pupunta ulit ako sa pulang bubuyog na yon." Protesta agad ni Drake.

Sinong pulang bubuyog? Nagluluto ba siya ng fried chicken? Ang talented naman ng bubuyog na yon.

"Buy what she want, Hare." Utos ni Caspain sa britonong boses.

Napapadyak pa ang mga paa ko sa tuwa ng marinig yun. Kaso parang labag sa loob ni Drake ang iniutos ni Caspain, kase mabibigat ang hakbang nitong lumabas dito sa private room.

"Caspain si Xaiver?" Tanong ko. Bahala na muna ang ginawa sa akin ni Xaiver, masakit pa ang katawan ko para magtampo.

Pero sa halip na sagutin ni Caspain ang tanong ay hinalikan nito ang kamay kong hawak niya. Napamura din ako sa isip ng mabilis naging abnormal ang tibok ng puso ko.

Pagkalabas ko dito pupunta ako sa heart center parang may mali sa puso ko.

"Bakit Megan bibisitahin mo ba siya? HAHAHA." Makahulogang sabi nito kaya mabilis akong napalingon sa gawi ni Zarek, ng tawa-tawa niya iyong sinabi.

Catching The WildWhere stories live. Discover now