CHAPTER 14

125 13 10
                                    

Mad.

Nakaupo lang ako sa hagdan, nakapatong ang dalawang siko sa aking binti habang ang mga palad ko ay nakasuporta sa mukha kong nakanguso.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon. Nagtatampo ako kay Caspain, pero lamang sa loob ko ang reaksyon niya kanina ng sinambit ko ang pangalan ni Samantha.

"Bakit hindi kapa natutulog ihja?" Tanong ni manang Melda ng makita niya ako dito sa hagdaan.

"Hindi po ako makatulog." Sagot ko pero hindi padin umaayos ng upo.

Ngumiti siya sa akin at lumapit, naupo din siya sa tabi ko.

"Napaka 'swerte ni Caspain sayo, anak." Hindi makapaniwalang napalingon ako kay manang Melda.

Swerte sa akin si Caspain? Baka naman pina-prank lang ako ni Manang. Palagi ngang galit sa akin yun 'e.

Hindi ko nagawang sumagot. Sa halip ay nakangiti ko siyang tiningnan, naghihintay ng kasunod sa mga sasabihin niya. Hindi ko akalain na darating ang araw na makakausap ko ng masinsinan si manang Melda.

"Manang pwede po ba akong magtanong?" Matagal ng nagtra-trabaho si Manang Melda, sa pamilya nila Caspain. Pwede ko naman seguro siyang tanungin sa mga nalalaman niya tungkol sa pamilya nila.

"Wala akong karapatan para tangihan ang asawa ni Caspain." Nakangiti niyang tugon sa akin.

Sa dami ng tanong na pumasok sa isip ko hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. Alam kung kahit alin man sa mga tanong ko ang bangitin ko ay masasagot niya iyon. Pero bakit meron sa parte kong natatakot makaalam ng mga bagay tungkol kay Caspain?

"Nasaan po ang pamilya ni Caspain?"

Unang tanong ko. Simula ng ikasal kami ay wala akong nakita o nakilalang myembro ng pamilya niya. Bukod sa malaking bahay at isang katulong ay iyon lamang ang nakikita kung meron si Caspain.

"Wala ng pamilya si Caspain, namatay ang mga magulang niya ng dose 'anyos pa lamang siya." Hindi ko nagawang umimik sa sinagot niya.

Wala ng magulang si Caspain, sa ganun kamurang edad? Paano niya nagawang kayanin ang ganun? Kung ako nga halos hindi ko malaman ang gagawin ko ng nawala sa amin si Mommy, ano pa kaya siya na ang dalawang importante sa buhay niya ay sabay nawala.

Nasapo ko ang noo ko. Hindi ko akalain na yun ang unang malalaman ko tungkol kay Caspain. Masaya akong may tao akong makakausap para maitanong at masagotan ang gusto kung malaman. Hindi kopa man natatanong lahat ng gusto kung malaman, parang nanghihinayang na ako at may malaman ulit na hindi maganda.

Sa sumunod kong tanong ay inalam ko kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng magulang ni Caspain. Na aksidente daw ito ng mawalan ng preno ang kanilang sinasakyan, at mabanga ng truck ang kotse nila. Ayon sa mga nag-imbestiga sinandya daw na mangyari yun. Wala naman daw kaaway ang mga magulang ni Caspain, dahil mababait naman daw ito. Ang tanging nakikitang rason lang daw ay ingit sa kanilang kayamanan.

May ganun talagang mga tao na handang pumatay, mawala lang sa landas nila ang kina-iingitan nilang tao. Bakit ganun? Bakit kailangan nila pumatay kung kaya naman nilang higitan kung tunay ngang may tiwala sila sa sarili nila.

Napabuntong-hininga ako. Ano kayang ginawa ni Caspain sa panahon na yun?

"I can't believe this." Umayos ako ng upo at hindi magawang salubungin ang tingin ni Manang. Nakakahawa ang lungkot sa mga mata niya kaya hindi ko nais na tumingin dun. Baka maiyak lang ako.

Hindi ko ma-imagine kung paano nalagpasan ni Caspain ang ganun. Isa ba yun sa mga dahilan, kung bakit napakatigas niyang tao? O may iba pa siyang dahilan.

Catching The WildWhere stories live. Discover now