Beginning.
"Rumampa kaba kanina sa banyo Megan?" Natatawang ani Farrel habang nasa loob kami ng sasakyan ihahatid nila ako sa bahay.
Hindi ako nakasagot inaalala ko padin ang nangyari kanina. Kung paano ko biglang sinampal yung lalaki na sinagip ako. Argh! Anong klase ng pagpapasalamat yun.
Tensyonado man ang pagitan naming dalawa hindi naman nakaligtas sa'kin ang gandang lalaki nya. Matangkad sya, maputi, makapal ang kilay at ang ganda ng porma ng katawan nya. Teka bakit ko nga ba yun iniisip.
Napatingin ako sa dalawa dahil ang tahimik nila nagulat ako dahil nakatingin din sila sa'kin. Hindi ko nga pala sinabi sa kanila ang nangyari.
"Do you have a problem?" Alalang tanong ni Xaiver. Umiling ako.
"Bakit kaba huminto?" Takhang tanong ko.
"Sis, nasa harap kana ng bahay nyo." Singit ni Farrel na ang paningin ay nasa labas.
Agad din akong tumingin sa labas at nasa labas ng gate si Kuya kibit balikat at seryusong nakatingin sa gawi namin. Lumabas ako at agad syang lumapit sa'kin.
"Where's your things?" Agad na tanong nya. Lumapit sa'min si Xaiver dala ang gamit ko.
"Here." Ani Xaiver mabilis naman yung kinuha ni Kuya.
Napatingi ako sa gawi ni Farrel kaya pala nakatingin sa labas dahil nasa gate si kuya. Tch!
"Salamat sa paghatid Xai." Nakangiti kung sabi agad naman nyang ginulo ang buhok ko.
"Wala yun, malakas ka sa'kin." Bibong sagot nya at napangiti ako.
"Lets go inside Megan." Ani kuya at tinalikuran kami.
"Napaka seryuso talaga ng kuya mo." Xaiver.
"Wala namang bago. Sge na umuwi na din kayo, salamat ulit." Sabi ko at sinuntok pa sya sa braso.
Nagtalo pa kami dahil gusto nyang pumasok na ako sa loob, ako naman gusto kung tanawin ang pag'alis nila. Sa huli ako padin ang nasunod ng mawala na sa paningin ko ang kotse ni Xaiver pumasok nadin ako sa loob ng bahay.
"Kuya!!!" Sigaw ko ng makapasok sa loob ng bahay.
Natawa ako ng masama ang tingin nyang tinunghayan ako. Nasa taas sya ng hagdan pero hindi naka ligtas sa'kin ang nagtatanong na mukha nya.
"Where's daddy?" Tanong ko kahit alam kung wala naman sya sa bahay at nasa trabaho.
Hindi ako sinagot ni kuya bumalik sya sa kwarto nya at lumabas ulit dala ang laptop nya. Pagkababa nya inakbay nya agad ang braso sa'kin.
"Kumain kana ba?" Tanong nya hindi sinagot ang tanong ko.
Napailing ako sa malungkot na isipin, nami-miss ko ng kompleto kami sa bahay. Agad akong pinanggiliran ng luha at bago pa man pumatak yun, pasimple ko ng pinahid.
"Don't need to cry silent if you're with me Megan." Natigilan ako. Kuya.
Hinarap nya ako sa kanya at kita ko ang lungkot sa mata nya ng magtama ang paningin namin. Napabuntong hininga sya, hindi alam ang gagawin.
"Nami-miss ko lang na kompleto tayo sa bahay Kuya..." Pinigilan kung umiyak pero nabibigo ako. "...Isang taon na ang nakalipas pero nasasaktan padin ako, si daddy nawalan na din ng oras sa'tin." Humihikbi ko ng usal.
"Water please..." Sigaw ni Kuya. "...You need to be strong Megan, mom will be sad kapag nakikita ka nyang umiiyak." Pinahid nya ang luha ko bago ako niyakap.
"I'm still in pain kuya, kahit pa ata magdaan ang ilang taon." Mahirap mawalan ng ina sa hindi tamang oras. I need my mom.
Kumalas si kuya sa pagkakayakap sa'kin at inabotan ako ng tubig.
YOU ARE READING
Catching The Wild
RomanceAfter being pressured into an arranged marriage to merge their families' companies, Megan and Caspain are stuck living together as husband and wife. "I give you my solemn vow to be your faithful partner in sickness and in health, to stand by your s...
