CHAPTER 4

202 50 7
                                    

I do.

Megan's P.o.v

Nagising ako kinabukasan walang katao-tao sa bahay. Dahil wala si Morgan. Saan ba pumunta ang lalaking yun. Panigurado pag uwi nya sisirmunan ako non. Sa nangyari ka gabe.

Sumasakit ang ulo ko pero pinilit kung bumangon at maligo. Wala naman akong gagawin ngayon kaya naiisipan kung gumala.

Pagkatapos kung maligo ay nagbihis lang ako ng puting bistida hanggang tuhod, hinayaan ko lang din nakalugay ang mahaba kung buhok.

Palabas palang ako ng bahay ng makita ko sa labas ng gate ang hindi pamilyar na kotse. Dumaretso lang ako palabas at nakita ko ang mamahaling kotse. At may lalaking naka sandal sa pinto ng passenger seat daretsong nakatingin sa'kin.

Napahawak ako sa dibdib ko ng hindi inaasahan ang pag tibok nito ng mabilis. Sino ba ang lalaking to at ganito ang epekto sa'kin. Nakakainis naman.

Gwapo sya, matangkad, maputi, ang ganda ng makapal na kilay nya at ang labi nyang manipis at parang rosas ang kulay. Teka! Bakit ko nga ba sinusuri ang itsura nya hindi ko nga sya kilala. Nag'iwas ako ng tingin at aalis na sana ng biglang.

"Get in." Napahinto ako ng marinig ang boses na yun. Bakit napaka sexy naman ata mag salita ng lalaking to.

Kinabahan ako baka holdaper ang lalaking to. Gusto kung tumakbo papasok ng bahay pero baka mahuli nya agad ako. Anong gagawin ko.

Humakbang ako nag konwaring walang naririnig.

"Babae, sakay!" Pag ulit nya.

Ano ba bakit ba sya namimilit hindi ko naman sya kilala. Wag pilitin ang ayaw men.

Oh my god!

Napatili ako ng bigla nalang may bumuhat sa'kin at sapilitan akong pinasok sa kotse.

"Palabasin mo ako dito." Sigaw ko ng pumasok sya at sinara ang kotse.

Hindi sya sumagot naparang walang narinig. Nagsimula na din syang mag maneho. Saan nya ako dadalhin.

"Itigil mo tung kotse, tatawag ako ng pulis." Sigaw ko at sinubukan buksan ang pinto pero nakalock.

Baka may masamang balak sa'kin ang lalaking to.

"ITIGIL MO SABI!!!" Malakas na sigaw ko at nilingon nya ako ng masama ang tingin pero hindi sya nagsalita.

Hindi ba makarinig to? Sayang gwapo pa naman sana bingi ngalang.

"Hoy! Bingi kaba, ihinto mo." Mapapaos na talaga ako kasisigaw sa lalaking to pero wala padin syang reaksyon.

"Ano ba--"

"Well you stop yelling at me." Nagulat ako ng sumigaw sya parang tatakasan ako ng kaluluwa dahil sa sigaw na yun.

He's a dangerous man.

Hininto nya ang kotse at tumitig sa'kin. Biglang dumilim ang ekspresyon niya na ikinatakot ko.

Akama nya akong hahawakan ng umiwas ako. Aba manyak din to 'ah.

"D-Don't touch me." Banta ko dinig ko din ang takot sa boses ko.

Bakit ba hindi ako tumawag ng pulis.

Sumubok ulit syang hawakan ako pero nilayo ko ang aking sarili.

"Fine, After the wedding. I will touch you whenever and whenever I want." Bakas sa kanyang boses ang pang-aangkin

Ano. After the wedding? Ibig ba sabihin nito. Napatingin ako sa kanya pero nasa daan na ang tingin nya at muling nagmaneho.

Catching The WildWhere stories live. Discover now