CHAPTER 3

209 53 11
                                    

Searching.

Farrel Kate Gomez P.o.v

Naniningkit ang mga mata kung nakatingin kay Megan. Anong trip ng babaeng to at naisipan maglasing. Ako pa talaga ang sinama nya sa ganitong lugar. Nagtama ang paningin namin pero maibilis syang nag'iwas. Baliw.

Pinigilan ko na sya sa akmang pagtunga ng alak. Nakakarami na sya.

"Enough, baka mag kalat ka dito mamaya." Saway ko dahil hindi sya sanay malasing.

"No, give it back to me." Lasing na ani Megan at sinubok kunin ang baso sa'kin.

Ininom ko at napapikit ako sa sama ng lasa.

"Lets go home you're drunk." Napangiwi ako dahil ang sama talaga ng lasa. Anong klasing alak yun.

"No, I'm not." Tangi nya.

Wow! Naka tatlong malalaking bote na sya ng alak hindi pa sya lasing.

Kaya lang naman ako pumayag na sumama sa'kanya dahil ang sabi sa mall ang punta. Nagprisinta din sya ang magmamaneho kaya pala biglang liko kami sa Bar. Ilang bises ko syang tinanong kung anong trip ang ginagawa nya kasi nga hindi sya mahilig uminom, pero wala akong sagot na nakukuha.

Tiningan ko sya ulit pero walang emosyon ang mukha nya. Well kanina pa naman sya ganyan nagtataka ako anong problema ng babaeng to. Knowing Megan masayahin naman syang tao at higit sa lahat hindi sya aalis ng bahay lalo na sa gabi.

"Nakakapani 'bago ka." Nausal ko at napatingin sa'kin si Megan. "I mean hindi ka umiinom ng ganito Megan."

Mapakla syang ngumiti.

"Masanay kana kung ganun."

What? Ano bang sinasabi ng babaeng to.

"You know what tatawagan ko na ang kuya mo." Mataray na sabi ko at kinuha ang cellphone sa bag.

"Dont."

Nagulat ako ng biglang pangiliran ng luha si Megan kaya naman nataranta ako.

"Oh my... Why are you crying?" Nag' aalala kung tanong at lumapit sa kanya.

Ayaw ko talaga sa ganitong ugali ni Megan. Kapag may problema sya mas pinipili nyang isarili yun. Nagtatampo ako minsan kaibigan nya naman ako pero hindi nya ako masabihan ng problema nya. Tutulongan ko naman sya sa kung anong problemang meron sya.

This time gusto ko na talagang tawagan si Morgan, pero letsing isip to nahihiya ako kahit para naman kay Megan.

Sinubukan kung tawagan si Xaiver pero hindi sya sumasagot.

"Makasalanan ba akong tao, Farrel?" Bumalik ang atensyon ko kay Megan.

Hindi ko alam ang gagawin ko kasi naman hindi ko alam ang nangyayari.

"Of course not. Bakit moba sinasabi yan? Tara na umuwi na tayo." Nawalan na ako ng gana sa sinabi nya. Ganito ba talaga kapag lasing? Si kuya naman kapag nalasing hindi ganyan ang laswa nya malasing. Bukang bibig palagi na ang gwapong nilalang nya.

"I'm getting married." Mapakla at hindi interisadong ani Megan.

Mag papakasal wala namang jowa. Wag ako Megan lasing kalang.

Tumawa ako ng malakas. "Ganyan ba pag nalasing nag'iimagine."

"Hindi ako nagbibiro." Seryuso talaga sya kaya napamaang ako.

Anong prank to.

"Megan, umuwi na tayo kung ano-ano na kasing iniisip mo." Hinila ko sya patayo.

Catching The WildWhere stories live. Discover now