1.2

11 3 0
                                    

Pagkabukas ko ng aking mata, familiar ako sa chocolate scent ng punda ng kama ko. Napapitlag ako kasi ang unang pumasok sa isip ko ay 'yung katsa na I was careful not to drop the contents. Pagkalingon ko paitaas, tinitingnan pala ako ng dalawa kong kapatid na nakaupo sa kama ni Ate Rosemary na nasa right ng kama ko. Sa pwesto nila, mukhang nagtsitsismisan sila bago nila ako makitang magising. Nakakunot 'yung mata nila at kitang-kita lang lahat ng mga questions they were reserving for me.

"May hinahanap ka?" malutong na supalpal ni Ate Rosemary. Damp pa 'yung buhok niya so hindi pa ganu'n katagal 'yung tulog ko. I guess pagkatapos niyang maligo, nakita niya ako natutulog sa sahig, then tinawag niya 'yung panganay namin. Tapos habang tulog ako, nagpupustahan na sila kung anong nangyari sakin as every other time na malungkot ako umuuwi sa bahay.

Nag-hand gesture of dismissal si Ate Kira. Lumuhod siya papunta sa akin. "Jo, gusto mo ba kumain? May tinola, favorite mo." Umiling ako. "Ligo ka na rin." Umiling ako. "Gusto mo matulog?" Hindi ako umimik. "Sabi ni Papa bawal magpalipas ng gutom."

"Ate, heartbroken 'yan. Sure na ako."

Kung pwede lang siya sunugin sa mata, abo na si Ate Rose.

"Ilang beses mo nang sinabing sure ka." Then tiningnan ako ulit ni Ate Kira, kitang-kita ang pagkaawa niya sa brown eyes niya. "Pero ano nga ba ang nangyari, Jo? Gusto ka namin tulungan."

"Hindi niyo naman maiintindihan."

Nagkatinginan sila. "We'll try then."

"No," sambit ko agad. Hindi nila alam kung gaano kaiba 'to sa ibang problema ko. "May nakita ba kayong katsa?"

"Ano 'yung katsa?" tanong ni Ate Kira.

"Parang canvas."

"Hmm, wala e." She turned to Ate Rose. "Rosemary?"

Mas kumunot ulo niya, "'Yun ba 'yung may landscape sa loob tapos may 2 brushes? isang thick, isang thin?" Tinitigan ko lang siya. "Wala e."

"Ate Kira, she's lying." Alam mong hindi landscape 'yung naka-paint doon.

"She wants it back Rose."

"Ate wala sa'kin." Ate Rose raised both of her hands. "Promise."

Umiling na lang si Ate Kira. "She'll give it back soon. Ganito, maligo ka muna ha, tapos dadalhan kita dito ng food. Dito rin ako matutulog kasam kayo."

Walang nagsalita sa aming tatlo at ako nakayuko lang. Naramdaman ko na may nilapag si Ate Rosemary sa gilid ko. When I felt the wet fabric, I started crying. And my sisters rushed to hug me, both saying, "Let it out."

JeepneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon