Nung umuwi akong luhaan sa first heartbreak ko, nag-host ng pajama party ang mga Ate ko sa'kin. Friday iyon ng huling araw ng school year which is December 14 at galing ako sa Christmas party namin sa school. Lahat ng nakakabit sa akin ay basa dahil 'di ko inasahang uulan nu'n—drawstring, dress, lalo na 'yung hawak kong nakarolyong katsa. Pero halos hindi ko man lang naramdaman 'yung bigat ng tubig sa akin nang matamlay akong pumasok sa bahay.
Pagkabukas ko ng pintuan, naaamoy ko 'yung Tinola na nanggagaling sa dulo ng hallway. On normal days, didiretso ako sa kusina para tingnan kung pinapakuluan pa lang ito o hindi. Kaya na 'yun ni Ate Kira.
Bukas rin 'yung pintuan sa right side, ngunit patay ang ilaw so wala pa si Papa. On normal days, isasara ko 'yung pinto kasi ako lang sa bahay ang hindi masyadong busy kapag Friday. Wala naman manghihimasok e.
Lahat ng natitirang lakas sa akin ay ginamit ko na lang upang makaakyat papunta sa kwarto. Sa ikalawang palapag, magpa-pass ako sa restroom upang makapunta sa kwarto namin ni Ate Rosemary. Paakyat pa lang naririnig ko na siyang nagcoconcert sa shower at ang kanta niya pa—
"SUBALIT NGAYON, WALA NAAAA~ IKAW AY LUMAYO NA~"
Sa sobrang badtrip kong marinig 'yun, at sa sobrang wala akong gana, kinatok ko 'yung pintuan ng CR nang tatlong beses.
Binuksan ni Ate Rosemary 'yung pinto. "Ano ba 'yun?!" Nahanap ng mga mata niya ako. "Uy, Jo! Ba't ganyan itsura mo, mukha kang dinaanan ng lahat ng bagyo ngayong taon—"
With a straight face, I said, "Gusto ko lang sabihin, Ate, na take your time. 'Di ako maliligo."
"Huh?"
Tapos dumiretso ako sa kwarto namin at sinagot ko ng pagsara ng pintuan 'yung "Huy dugyot! Ano'ng 'di ka maliligo?" ni Ate Rosemary.
Ang welcoming ng kama ko nu'ng pinagmasdan ko ito sa may doorway. Pero hindi ko alam kung sobrang layo ng kama sa akin, o sobrang nangangatog tuhod ko, kasi binagsak ko na lang ang sarili ko sa sahig. With shaky breath and heavy eyelids, I remembered how the embrace of the floor was the most comforting at that time.
BINABASA MO ANG
Jeepney
Teen FictionDealing with her first heartbreak, Sad Jo recollects experiences of her two sisters about life, relationships, and yes, heartbreaks.