I glanced sa phone then returned my eyes to Ate. "Ah, dito pala 'yun. Dito kayo mas naging close pa ni Kuya King, 'noh?"
Humiga siya, yakap-yakap ang unan. Binaon niya sa pillow ang mukha niya at 'di na siya nagsalita.
I continued, "Ang bait-bait niya pala sa'yo, simula pa lang. Kahit 'di mo sabihin, Ate, alam kong nagka-crush ka sa kaniya."
There was a muffled sound sa pillow.
"Ano 'yun?"
Nilakasan niya pero incoherent pa rin.
"Ate, kung tanggalin mo kaya 'yang unan sa bibig mo nang magkaintindihan tayo, ano?"
Nu'ng tinanggal niya na, nakita kong namumula ang pisngi niya. Ang eyes niya naman na nakatingin sa taas, as if pinipigilan umiyak. Nanginginig ang kaniyang boses nang sabihin niyang, "Gusto, hindi crush."
"Ano pinagkaiba nu'n?"
"Sobrang babaw ng crush, Jo. Nu'ng una, fond lang, Infatuation, parang ganu'n. Itong pagkagusto ko, Jo, naintindihan ko lang nararamdaman ko one year after. Sinigurado ko muna; dine-deny ko nu'ng una kasi nga mababaw lang." Nakatingin lang ako sa pangiyak na mukha, ni Ate Rose, medyo funny na nakakaawa, pero I love her. "Next time, 'wag mo na gamitin 'yung word na 'crush' sa mga naramdaman ko kasi I care for him to the point na after kong ma-acknowledge na gusto ko nga si King, walang araw na hindi ko siya pinagdasal, Jo.
"After nu'n," she continued, "nung summer, 'di ba nagcollapse si mama?"
Tumango ako. "Ikaw pinaka-nanlumo noon e, ayaw mo iwanan si Mama sa hospital. Tapos kapag umiiyak ka, sumasabay pa akong umiiyak sa'yo pero hindi ko alam bakit ang sad sad mo nu'n. Like buhay naman si Mama. Pero 'yun pala..."
"Oh ngayon, matanda ka na. Jo. Gets mo na buhay sa mundo. Pipiliin mo kung anong sakit ang pagtutuunan mo ng pansin. Anyway, nu'ng mga panahong 'yun, ayaw ko muna makipag usap sa kung sino kasi nilalabanan ko utak ko. Simula mangyari iyon, hindi na kami nag-usap ni King."
"Oh schist! Gets ko na. Kaya ka pala kinakabahan nu'ng birthday ni Ate Hope, kasi may feeling ka pa rin sa kaniya, noh? Ta's parang nagkakahiyaan kayo? Charot! Unless?"
She smiled weakly. "Sure. Hag-uusap kami slight kapag may mini-reunion section. Saka parehas kami ng isang organization and active 'yun nu'ng mga September, pero bumalik din kami sa madalang pag-uusap. Bago ang birthday ni Hope, ang last naming usap namin ay nu'ng birthday niya noong December 2010, tinanong niya ako kung nasaan ako nun, manlilibre ata. Nalaman ko na videoke at gala sa mall pala 'yung araw niyang 'yun, pati 'yung pinagkasunduan naming sabay kami maglalaro ng escape room. Lahat 'yun na-miss ko. Di ko na lang sinabi na nasa hospital ako, hawak-hawak ko si Mama. Ayaw ko sirain 'yung mood ng birthday niya kasi 'yun din 'yung isa sa pinakamalungkot na araw ko. So sabi ko, 'nasa kwarto'. Ang akala niya nakauwi na ako pero nasa kwarto ako ni Mama."
Walang nagsalita sa amin nang ilang sandali. Pumipilipit 'yung puso ko para kay Ate Rose at sa mga hindi niya ma-express na sentiments. Parang ang tagal niya na 'to tinatago pero ito 'yung chance niyang maramdaman ito. Parang ding sa sobrang daming opportunities na na-miss niya noon, sa mga nangyari hindi siya nag-grieve upon dahil sa panahong 'yun iba ang focus ng grievance niya, feeling ko hindi niya na alam kung ano pa iniiyakan niya.
"Friday 'yung birthday niya. So the next day, pinakuha ko kay Myrrh and Franco 'yung birthday gift ko for King kasi 'di ko kayang makausap si King noon, or makita man lang. Hindi ko alam daramdamin ko."
"'Yan ba yung dumating dito si Kuya Myrrh?"
"Oo, naalala mo pa pala yun. Kasama kita nu'ng bago ako pumunta sa hospital right?"
"Yes."
"Gusto nila ako sumama kasi alam kong close ko siya pero hindi nila ako napilit." At this point, siya naman ang humawi sa kurtina ang tumingin sa bintana. "Nahiya na rin ako lumapit, gano'n din ssiguro siya, kaya nahinto na talaga ang interaction namin. At sa tagal nang 'di kami nagpapakialaman ng buhay, at dahil magkaiba rin kami ng building, hindi ko na alam nangyayari sa kaniya. May ka-MU na pala, nanakawan ulit pero buong bag naman, napilay kamay niya sa pagbabasketball.
"Ang lungkot ko kasi di ko makausap yung dati kong best friend gaya ng dati. Kaya sinasabi ko na lang kay God tuwing gabi, right after ko ipagpanalangin si Mama, na sana napatawad ako ni King. Or sana naiintindihan niya. Sana masaya na siya sa buhay niya. And lastly, sana makarating yung mga prayers ko sa kaniya, bulong ko sa hangin."
Nag-snow angel ako sa kumot namin. "Ikaw nagturo niyon sa akin, Ate."
"Hmm?" she replied, liftimg her gaze to me.
I clasped my hands together on my chest. "Na kapag nagpray ako ng message, dadalhin ng guardian angel ko yung message ko sa guardian angel ng papadalhan mo."
"Si mama nagturo sakin nun. Kasi sabi niya na kapag magkalayo kami sa gabi, 'yun daw gawin ko sa kaniya. Fun fact, Jo, na ipinaalala niya 'yun nu'ng mga days pagkatapos ng birthday ni King."
Naglakad siya papuntang pintuan kaya napatayo ako sa pagkakahiga ko.
"Teka, asan ka pupunta?" sabi ko. "Tutuloy mo pa 'yung sa birthday ni Ate Hope!"
"Andiyan na si Ate Kira," sinabi niya habang binubuksan ang pinto. "Kaso may kausap siya sa baba."

BINABASA MO ANG
Jeepney
Teen FictionDealing with her first heartbreak, Sad Jo recollects experiences of her two sisters about life, relationships, and yes, heartbreaks.