5.3

2 0 0
                                    

Nag-ambagan sila sa jeep papuntang SM Novaliches. Sa bilang ni Rose, pito silang pupunta sa bahay ni Hope, kasama siya. Nagbakasakali siya na makakaupo siya sa mga dulo ng jeep, pero lahat nang iyon ay hindi na makabakante. Doon na lamang siya sa  may gitnang parte kung saan maluwag pa upang magkasiya ang kaniyang katawan bago siya siksikin ng mga sasakay pa lang na pasahero.

Sa unang sampung minuto sa byahe, tahimik lang siya sa byahe habang nag-uusap ang ibang kaibigan ni Hope (na obviously magkaka-close). Wala namang issue sa kaniya na walang kausap. Maaliwalas ang langit, masarap ang hangin, at nakatingin lang siya sa labas. Nakikinig siya sa isang kanta sa Youtube.

Nang marami nang nagbabaan na pasahero, naramdaman ni Rose na tumabi siya ang alam na natin kung sino. Patigilid siyang tumingin kay King.

"Kamusta ka, Mary?" sabi ni King nang mapansin siya. "Mag-isa ka na naman, kawawa mo naman."

Pinoint ni Rose earphones niya sa kanan bago niya ito hugutin at in-offer kay King. Binigay niya ang phone niya kay King at sinabi, "Ikaw pumili ng kanta."

Habang tina-type ni King ang title ng kanta, kinamusta niya si Mary. "Birthday na naman ni Hope. Reunion talaga birthday nu'n, noh?"

Rose chuckled. "Lahat kasi mahal siya. Naalala mo 'yung nagpapatulong pa ako 'yung nalulungkot siya."

"Oo." Tumawa siya. "Kamusta naman siya, nasa first floor kasi ako e, nakakatamad bisitahin yung fourth floor?"

"Check mo 'to, sa phone. Namomroblema ulit siya e lately e." Sumimangot si Rose. "Sasamahan ko nga siya mamaya e."

"Sasama tayo mamaya." Biglang tumugtog ang isang pamilyar na tono at ni-lean ni King 'yung likod sa upuan. Pumikit si King at ni-rock 'yung head back-and-forth. "Ganda 'yan, Eroplanong Papel."

Lumaki ang mata ni Rosemary sa nakita niya sa screen nang binalik sa kaniya ang phone. "December Ave! Favorite ko 'yang kanta na 'yan, grabe! Pangarap ko nga sila makita e!"

Ngumiti si King. "Ganda niyan e."

"Mamaya paparinig ko sa'yo 'yung Sleep Tonight!"

Pinitik ni King noo ni Rose. "Nakaka-miss ka rin, 'noh?"

Sa ride na 'yun, nag-catch up sila sa isa't isa pero hindi fully. Like 'yung tungkol lang sa music evolution nila, 'yung mga teachers nila sa bagong section nila at kung sino 'yung nambabasak kahit 'di nagtuturo, 'yung mga contest sa school. Binalikan din nila 'yung mga araw na magkaklase pa sila at kung sino 'yung mga kalokohan na pinaggagagawa ng best section na 'yun.

Nang malapit na sila sa SM Novaliches, pinatugtog ulit nila ang Eroplanong Papel, and Rose made a mental note na gagawa siya ng isang daang papel na eroplano bago matapos ang Junior High School.

JeepneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon