5.1

4 1 0
                                    

Sobrang haba ng araw na iyon kay Rosemary. Kailangan natin magsimula noong umaga, ang oras na puno ng antisipasyon ang kaniyang utak. Matapos ang matagal na panahon na wala siyang paki sa mga nangyayari sa kaniya, ngayon na lang ulit niya naramdaman ang ganto. Hindi siya mapakali, ngunit sinusubukan niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang maalis itong bumabagabag sa kaniya. Hinga lang, isip niya. Naalala niya ang linya sa isang tula na nabasa niya.

Magaganda ang mga ilaw sa labas, lalo na't ito ang pinakamalapit na makukuha mong bitwin.

Ramdam lamang sa mga paa ni Rose pagnginig ng makina. Hindi na ito bago kung nakasakay ka na ng isang dyip. Sa sulok ng dyip, doon siya naka-pwesto, 'yun ay para makatulog siya nang walang sinasandalang random na pasahero.

Ngayon, gusto umidlip ni Rosemary. Parang bang nakaranas siya ng pagod kahit kakasikat pa lamang ng araw. Para bang napagod siya sa mga mangyayari pa lang. Parang napagod kakaisip sa mangyayaring iyon. Kahit sinubukang pumikit ni Rose, hindi niya pa ring magawang umidlip.

Pakiramdam niya'y sasabog ang kaniyang katawan. Para bang nagsanib ang init at lamig at gumagapang ngayon ito sa kalamnan ni Rose. Lumalapit ito sa kaniyang dibdib at, tulad ng isang screwdriver, pinipilipit ito.

Siguro mahapdi sa paa ang sapatos na una niyang hinablot sa shoe rack. Hindi niya namalayan 'yung masikip na sapataos ang kaniyang nakuha. Ngunit kahit kinakagat na ng sapatos ang heels niya, alam ng babae na masyadong bandang taas ng katawan itong kirot para maging banda sa paa.

Basta, kung pumikit siya at sumandal ng maayos, kaya niyang iblanko ang kaniyang isip. Ngayon, hindi siya gaanong naabala sa makina ng sasakyan. Sa katunayan, sinubukan niyang isaulo ang ritmo nito. Zumbug-zumbug-zumbug. Itong ritmo rin lang naman kasi ang kaniyang naramdaman sa dyip na sinakyan niya nito lamang umaga.

Lingid sa kaniyang kaalaman, ito ang ritmo ng kaniyang nerbiyosang dibdib.

Gaya ng sinabi ko kanina, maraming kaganapang nangyari sa araw na iyon.

JeepneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon