Pagkabalik ko sa kwarto, nagulat ako sa ayos ng kwarto dahil may mini-house gamit 'yung mga bedsheets and comforters. Rafters 'yung dalawang kama sa room na may stack ng upuan sa gitna. Ito 'yung ginagawa namin nu'ng mga elementary pa ako. Pero kahit Grade 8 na ako, trip ko pa rin ang mga ganito. Naabutan ko nagse-cellphone so Ate Rose sa gitna.
"Ba't kailangan niyo pa gumawa nito?" Tumabi ako sa kaniya upang i-check 'yung pinapanood niya sa youtube.
"Kasi heartbroken ka," pabiro niyang sinabi, hindi tumitingin sa'kin. Nu'ng hindi ako umimik, doon na siya sumulyap sa akin, nakalaki ang mata niya. "OMG! Legit nga!"
"Hindi a," sabi ko, pero parang wala siyang narinig at wala siyang pake. Naka-focus lang siya sa youtube. Bumuntong-hininga na lang ako. "Si Ate?"
"Bumili ng comfort food sa 7/11."
"E kumain na tayo a!"
"Bibili rin 'yun ng gatorade o kaya milo."
"Ah so magpupuyat tayo?"
She shrugged. "Nagpa-load din ata para tawagan si Papa."
Inalis ko 'yung mata ko sa kaniya at dumapa. "'Di niyo naman na kailangan gawin 'to e. Ilang beses naman na ako naganito. Huling ganito ko 'yung kami lang 'yung grupong walang place sa Regions ng Research Contest nung... October?"
There was a pause bago niya sabihin, "Jo, base lang sa nakita ko kanina sa'yo, ang last mong ganto ay kay Mama."
I turned to her and I saw her looking at me with a sad face. Bumalik ulit ako sa pagkadapa ko. "Wala namang namatay ngayon."
"Ayun! Nahanap ko na!" Rinig ko kay Ate Rose. "May paparinig ako sa'yo, Jo, kahit diyan ka lang."
May piano instrumental sa una na parang nakakatakot. Tumingin ulit ako sa kaniya. "Horror song? Talaga, Ate? Susubukan mo talaga akong takutin?"
Nilapas niya 'yung palms niya sa harap ko na parang "Just wait." Tapos nakapikit siya nang sinabayan niya 'yung grainy male voice sa soeaker ng phone niya. "I want to live forever, inside your nights and days~"
Sad song? Ramdam ko e, sa pagcrunch niya ng noo and 'yung mismong damdamin. Ang ganda both ng boses niya and ng vocalist. Nagtataka nga ako bakit hindi ginagamit ni Ate 'yung talent niya sa pagkanta. Dati pa ako naaamaze dahil natural na lang 'yung notes niya, lalo na 'pag nagha-harmonize.
I like her best when she's singing. Umiiba kasi persona niya kapag kumakanta siya. Kapag kausap mo siya, parang siyang nangangagat na aso.
"I wanted to turn you on, my favorite song~"
But when she's singing, parang nababasa niya ang puso mo.
"Wanted to be near you, but somebody owns you now~" Binuksan ni Ate Rosemary mata niya and kahit 'di ko masyadong makita, kumislap 'yung mata ni Ate na parang nangingiyak na siya. Nu'ng napansin niya akong nakatitig, bigla niya akong tinarayan. "Tinitingnan mo?"
Biglang gumalaw dila ko. "Ano nangyari sa'yo?"
She shuffled in her position para hindi na siya nakasandal sa wall kundi nakahiga, her body facing upwards, her feet in the same direction as my head. Nilapag niya sa gitna namin 'yung phone at hinayaan niya lang na magplay 'yung kanta. "Madami, Jo."
"Kwento ka nga habang wala pa si Ate Kira."
"'Pag ayaw ko?"
"C'mon, you want it. Para rin 'to sa'yo dali."
"'Di mo alam pinagsasabi mo." There was a pause before she continued. "Let's say may gusto nga ako sabihin, ba't ko naman sasabihin sa'yo?"
"Kasi I'll listen. Wala rin naman ako ganang sabihin sa inyo 'yung mga sinabi ko so I'll choose a less-talking option."
Tumayo siya para tingnan ako and her eyes narrowed. "Okay, but this is for you."
I shrugged in my position. "Sure whatever."
She returned to laying her back on the floor.
BINABASA MO ANG
Jeepney
Teen FictionDealing with her first heartbreak, Sad Jo recollects experiences of her two sisters about life, relationships, and yes, heartbreaks.