Umupo ako at sumandal sa gilid ng kama ko. Pinakita ko sa kay Ate Rose 'yung parte ng binabasa ko about sa mga sasama sa McDo. "Wait tama ba 'tong nabasa ko? Si Kuya King, 'yung jowa mo ngayon?"
Still lying on the floor, tinakpan niya ang kaniyang mga mata ng kaniyang mga braso. "Girl, wala akong jowa."
"Huh, e 'di ba pumupunta 'yun dito madalas?"
"Girl, dalawang beses lang siya nakapunta dito, birthday ko at 'yung kay Mama. What are you saying?"
I was pretty sure na hindi lang dalawang beses 'yun. Alam ko na nga mukha ni Kuya King kahit sa malayo e. 'Di na lang ako umimik kasi warfreak itong kausap ko. "So 'di mo siya jowa ngayon?"
She shook her head.
"E dati?"
"No! Never naging kami."
"Right."
"Totoo nga." Tumayo siya tapos kumukha ng kumot sa drawer na nasa harap ng beds namin. Tumabi siya sakin sa right ko tapos tinakpan niya 'yung mga paa namin. "'Yan, nilalamig na ako sa aircon e."
Nu'ng hinihintay mag-settle, medo pinag-isipan ko na 'yung mga susunod kong sasabihin. "Nag-uusap pa ba kayo?"
Umiling si Ate Rose. "You're asking the wrong questions, Jo." She reached her left arm out and I understood it right away. Binigay ko 'yung phone niya at nag-search siya doon. Hinintay ko siyang matapos, at nu'ng binalik niya na sa akin, I found myself staring at Ate Rose's chat head icon—'yung just me sa messenger.
"Ikukwento ko kung paano kami nagkakilala at naging close."
BINABASA MO ANG
Jeepney
Genç KurguDealing with her first heartbreak, Sad Jo recollects experiences of her two sisters about life, relationships, and yes, heartbreaks.