3.1

7 3 2
                                    

Si King David Atulay ang unang naging kaibigang lalake ni Rosemary sa Sandugo HS. First day of classes nu'n at ang first subject nila ay MAPEH. Tahimik na tahimik ang classroom dahil walang magkakilala, ang tanging noise lang ay nanggagaling sa mga punong ginagalaw ng hangin.

Si Rosemary nu'n ay nakatingin sa bintana dalawang upuan ang layo sa kaniya sa kaliwa. Wala siyang pake sa mga kaklase niya dahil napilitan lamang siya mag-aral dito kasi raw maganda 'yung products ng Sandugo ng students. Siguro one day matatanggap niya lahat ng ito, pero ngayon, sobra niya pang nami-miss ang mga kaklase niya sa elementary. Sila lang kasi nakakaintindi sa kaniya dahil sa bahay, kahit na mahal niya ang kaniyang mga kapatid at magulang, naaasar lang siya sa kanila palagi.

Tinitingnan ni Rose kung paano nagse-sway ang mga bamboo sa hangin. Doon lang siya nakafocus, bukod sa unconscious mind niya na nanghihinayang sa mga gusto talagang makapasok sa school na 'to. 'Di rin tulad sa elementary school niya, kaya niyang magwala kapag walang nagsasalita. Ngayon, she's gritting her teeth dahil 'di niya kaya ang nakakabinging katahimikan. Iniisip niya nu'n kung kailan mawawala ito nang mabulabog ang classroom sa pagbukas ng pinto.

"Good morning everyone, I'm Mr. Liriko Anluan."

Tumayo at nag-goodmorning ang klase tapos bumalik din sa katahimikan.

"Uh, So wala naman tayong gagawin today." Umupo siya sa teacher's table na nasa gitnang harap ng classroom at maingay niyang nilapag ang isang kung anong pink na papel na nakapalibot sa kanang kamay niya. Nagtaka si Rose kung ano 'yun. "Bukas na tayo magpakilala sa isa't isa. Ngayon—" Rose soon realized it's a measuring tape— "magsusukat tayo ng height."

Tahimik pa rin ang buong kwarto. Habang inu-unroll ni Sir Anluan ang measuring tape, sinutsutan niya ang pinakamalapit na bata sa harap niya.

"Pst!" Pinalapit ni Sir Anluan ang lalake na nakaupo malapit sa pintuan sa kaniya. "Ano name mo?"

Nang makalapit, sinabi ng lalake, "King David Atulay po."

"Mr. Atulay, okay lang bang hawakan mo muna yung tape against sa wall? Wala kasi akong masking tape e. Saka," binigyan ng guro ng isang buong tingin sa pigura ni King, "matangkad ka naman."

"Okay lang po, Sir."

"Sige tayo ka diyan malapit tapos iextend mo 'to mula... diyan! Ayan. Okay tatawagin ko kayo in alphabetical order. B1 ka pala Atulay, unahin na kita."

Nilista ni Sir Anluan ang mga heights ng lalake kong klase, habang nakatayo pa rin si David. Sinulyapan ng tingin ni Rosemary ang lalake dahil sa awa pero ang nakita niya ay nakangisi ito sa huling lalakeng nagpapasukat. Sa stance niya at sa nakasandal niyang kamay sa pader, masasabi mong nangangawit na siya at 'di niya naman pinili ang pinagawa sa kaniya. Pero nung inobserbahan ni Rose ang mukha niya, na nakangiti at kumikislap habang nakikipagbiruan sa teacher, parang wala lang iyon sa kaniya.

Nu'ng una, naiinggit siya kasi kaya niyang makipagganun sa unang araw ng klase. May pagka-antisocial si Rose nu'n, so hindi niya masyado alam ang feeling. Later that month though, natutunan ni Rose kay King na dapat nakikipagbiruan ka sa teacher para mas ma-enjoy mo ang subject.

"Rosemary del Mundo."

Tumingin sa direksyon niya 'yung lalake kaya binaba agad ni Rose ang tingin sa kaniya. Nag-squeak pa ang chair nu'ng tumayo siya. Kung ikaw ang teacher na nagsusukat ng height ng mga bata, o kung ikaw man 'yung pinahawak ng tape measure, ikaw lang ang makakarinig sa mabilis na tibok ng puso ni Rosemary. Ikaw lang rin makakapansin ng slight na pamumula ng kaniyang tenga. Dala ito ng kaba dahil makikita siya ng buong klase, kaya't nakayuko na lamang si Rose at umiwas sa mga pares ng matang nakatitig sa kaniya.

Nang makarating siya sa harap, tumingin siya padiretso sa likod ng room. Dalawa ang kaniyang nakita, una ay ang violet na orasan sa gitnang taas ng pader sa likod na nagsasabing tatlumpung minuto na ang nakalipas mula alas siyete. Ang pangalawa ay ang salaman directly across her. Nakita niya ang maliit na pigura ng isang babae sa lavender na uniform katabi ang isang matangkad na lalake na nakatingin sa kaniya.

Habang pinagmamasdan niya ang mga bagay na 'to, medyo nabigla siya sa medyo malalim na boses na sobrang lapit sa kaniya. "Ba't kaya ang raming maliliit na babae dito, noh?"

Then with a slight flick of her eyes, Rosemary caught King's playful, grinning face with her confused one.

Gustong sabihin ni Rose, "Maliit ako? Nasa likod kaya ako ng linya ko dati!"

"5'0," sabi naman ng mas malalim na boses sa kabilang side.

Medyo nag-linger 'yung titigan ng dalawa as if may quick mini silent challenge sila sa isa't isa. In the end, Rosemary snorted because she find both of them funny. "Loko."

They both smiled at each other. She returned to her desk na nasa normal na kulay na ang kaniyang mukha.

JeepneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon