Nagbihis kami ng pang-concert. Ni-lock ni Ate Kira ang lahat ng owedeng ma-lock sa bahay.
Kanina wala akong gana, pero ngayon iniisip ko na kilala ko naman 'yung ibang banda na sinabi ni Kuya. May nabasa ako isang beses sa facebook na madalas, ginagawang remedy ng umiiyak na puso ang pagpunta sa mga concert. At iyon ang gagawin ko. Doon ko na lang ibubuhos damdamin ko, habang kumakanta sila.
Malayo ang ilalakad namin papuntang jeepney stop kaya habang nasa daan kami, nagpakwento ako kay Ate Rosemary.
"Ate Rose, tuloy mo na 'yung kwento niyo ni Kuya King."
"Oo, mamaya," she hushed kaso narinig kami ni Ate Kira.
"Oh, si King, 'yung jowa mo?" biro ni Ate Kira.
'Di mapigilan ni Ate Rosemary hampasin si Ate Kira. "Hindi ko siya jowa, bakit ba ayaw niyo maniwala."
"Kasi wala ka namang confirmation kung may gusto ka sa kaniya o hindi. Panay kwento ka lang about him." She shrugged, unconsciously rubbing the part of her arm that Ate Rose hit.
Ako na ang nag-confirm para kay Ate Rose. "She told me she had a crush on him dati."
"'Di ko nga siya naging crush."
"Sorry, nagkagusto pala like real hard."
Kuya Mike joined in the conversation. "Nabalik naman."
"Ewan."
He shook his head apologetically. "Ang sad naman nu'n, Rose. Dapat hindi niyo pinapatagal."
"Kuya, bata ako nu'n and study first kasi ako, saka wala naman mapapala kapag naging kami. Bukod pa ru'n, I had a lot on my plate then so," Nagkibit-balikat si Ate Rose, "no time. Pero masakit siya kapag matagal nakabaon damdamin mo."
"Kapatid nga kita," sabi ni Ate Kira, inaakbayan si Ate Rose.

BINABASA MO ANG
Jeepney
Teen FictionDealing with her first heartbreak, Sad Jo recollects experiences of her two sisters about life, relationships, and yes, heartbreaks.