3.2

8 2 2
                                    

A lot happened since then. Pwede ko sabihin ang lahat ng details sa time span na 'yun pero important details lang muna ang kailangan natin. Those stories are for next time.

Ito na lang muna ang kaya kong ibigay: After ilang months, halos lahat ng mga kaklase ni Rosemary ay kaibigan na niya. Nu'ng una, distant pa rin siya sa mga pwedeng attachments na mangyari kasi may choice naman siyang umalis dito after one year. Ang ginawa ni Rosemary, naghanap siya ng pwedeng tambayan. Gagawin niya itong sariling space, safe haven kumbaga, 'yung walang pwedeng mangambala.

Malaki-laki naman ang school ni Rose. So isang araw ng August, habang free time nila ng 3:00pm, naglibot-libot siya sa campus. Bumaba siya mula sa second floor ng building nila at naglakad padiretso sa field. Sa pinakamalapit sa kanan ng field, may open bleachers. She scrunched her face nu'ng umupo siya sa unang level dahil sa init nito. Rosemary shook her head. "Nope, too hot."

Sa square na field na 'yun, when you went further galing sa bleachers, papunta ka sa science department

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa square na field na 'yun, when you went further galing sa bleachers, papunta ka sa science department. Kapag kumaliwa ka dun, naroon na ang mga laboratories. Gusto tingnan ni Rose 'yung mga naka-display sa shelf ng Biology Laboratory, sa pagkakaalam niya kasi, may skeleton kasi doon ng unborn fetus at iba pang maliliit na hayop. Kaso naisip niya na kung wala man nagkaklase dun, for sure nakasarado ang lab. So imbis na diretduhin yun, pumunta siya sa opposite na direction.

Habang naglalakad si Rose papunta du'n, napapansin niya marami na ang naglalaro sa field. Rumarami na rin ang mga bags sa Island kung saan hintayan ng mga sinusundo. Pero wala pa naman pumapasok na vehicle galing sa gate so hindi pa dismissal.

Pupunta sana siya sa library kaso hindi niya pa alam kung saan. Ang ginawa niya muna ay umupo siya sa dulong side ng island, 'yung pinakamalayo sa field, at pinagmasdan ang mga taong lumalabas galing sa forest. Naisip niya, "Ano kaya ang dulo nito?" So she went into a little adventure of going there. Dumaan siya sa gilid ng bakod ng forest at may nakita siyang daanan patungo sa likod nito.

Nasa malapit na siya sa guard house nang may gumalaw sa peripheral ni Rosemary. Sinusundan ata siya, pero hindi niya alam kung sino kaya binilisan niya maglakad. Kumanan siya patungong forest at pumunta si Rose sa likod ng isang mini-greenhouse at umupo sa isang bench du'n. Doon niya na nalaman kung ano nga ba ang nasa likod ng forest: grotto ni Mama Mary.

Natulala siya dahil sobrang peaceful ng lugar na 'yun. Si Rose, na sobrang maingay, sobrang makulit, sobrang ayaw sa tahimik, ay nakahanap ng soliditary. Malayo nga lang sa building nila. Hindi siya katoliko pero ni-remind siya ng grotto to pray. So she looked upat the sky and closed her eyes. "Thank you for bringing me here, I feel like I'm in your Garden of Eden. Please guard me every time and give me a peaceful mind. Protect me from evil. Amen."

May kumalabit kay Rose na kaniyang, ikinatalon ako sa inuuoan niya. Naroon, sa likod niya kanina lamang, ang nakakunot na mukha ni King.

Kasabay ng pagsabi ni King ng "Ano'ng ginagawa mo dito, Mary?" sa iritadong sambit ni Rose ng "Ano'ng ginagawa mo dito, King?"

"Wala lang. Naghahanap ng pwesto."

"Tara balik na tayo, baka hinahanap ka na ng sundo mo."

As if on cue, may nag-beep na kotse which means nakakapasok na ang mga vehicles sa campus. Which means tapos na ang class hours.

Nu'ng tumingin si Mary kay King, iba 'yung pagkakunot niya ng noo. And there, in that moment, both were thinking of the words that would remain unspoken and unrevealed to both of them.

"Ba't mo ako sinusundan?" Rosemary wants to ask.

"Iiyak ka ba?" King wants to confirm.

Pero ang sinabi nila,

"King, gusto ko maghanap ng pwede kong puntahan kapag gusto ko mapag-isa."

"May alam ako. Tara balik na tayo?"

JeepneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon