3.5

8 2 0
                                    

Ironically, ang unang beses na binuksan ni King ang Facebook ni Rose ay 'yung araw na si Rose ang nangangailangan ng tulong.

Nu'ng late November ng 2009, masasabi kong halos lahat na ng mga naging kaklase ni Rose ay nalalapitan na siya at nilalapitan niya. Solid ang section nila lalo na nu'ng tatlong beses na nanalo silang first place sa mga batch competitions, beauty contest, Buwan ng Wika room contest— sa pinaka-maliit na bagay nagtulong-tulong sila. And unti-unti, nalo-loosen up at nagiging comfortable na noon si Rose.

May upcoming Choir Competition nu'n kung saan nagpa-practice sila ng mga Christmas Songs. Isang oras na silang nagpa-practice sa mala-mansyong bahay ng kanilang class male representative, si Elias Villanueva, nang magtawag ng lunch break si Mrs. Villanueva upang kumain ng barbeque.

Sa open yard sila kumain, katabi nu'n ang swimming pool at garden. After kumuha ni Rose ng kaniyang ration, nag-drag siya sa isang nakakalat na monoblock chairs at umupo malapit sa may garden pool. One meter away, kumakain din doon ang isang boy na kung tawagin ay UV, at nang makita niya si Rose na tahimik na kumakain, nilapitan niya ito.

Si UV, o Ulysses Viceris, ay palabirong tao ngunit hindi lahat ng tao ay natutuwa sa mga sumbat niya. Lalo na ang karamihan ng babae sa section ni Rose dahil halos kabalastugan ang kinukumento ni UV sa mga katawan ng babae nakikita sa mga you-know-what sites. One time habang nanonood sila ng documentary sa Sex Education, sinigaw pa niya naman, "Grabe boy, ang sarap naman ng Egg cells."

Ni-warning-an na si Rose ni King na dumistansya siya kasi baka kung anong magawa sa kaniya. Partners kasi sila sa boy-girl worksheet ni UV sa Math this quarter. Walang gustong makipagpartner kay UV dahil nga sa reputasyon niya, kaya si Rosemary, with her kindness and compassion, ang nag-agree na siya ang kapartner niya. ("Weh may kindness and compassion, ikaw Ate Rose? Maniwala." "Eh kung wala akong kindness and compassion baka nasapak na kita ngayon kahit bata ka.")

Nu'ng nararamdaman ni Rose na lalapit si UV sa kaniya, hindi siya nabahala. Para naman kay Rose, sa ilang few weeks na kasama niya si UV, wala naman nangyayaring ikinabahala ni Rose, tanging sagutan lang ng mga questionnaires at kwentuhan about sa elementary days ang topic nila.

"Hi Rose!" greet ni UV. Dinala niya sa harap ni Rose and upuan niya at nag-settle doon. Umupo siya na nasa lap ang isang paper plate na puno ng kanin at apat na stick ng barbeque.

Tumawa si Rose sa nakita niya. "Sana all matakaw. 'Di ko kaya ubusin 'yan e."

"Kuhyuh angch... paat-paat mo e." Nilunok ni UV ang nginunguya niya. "Tapos mo na assignment sa Math?"

"'Di e. 'Yung word problems pa lang ng unang lesson. 'Yung part two kasi fractions na e, hindi ko maintindihan 'yung lessons."

"Gawin ko 'yun, ta's kopyahin mo na lang. Ako naman, 'yung first lesson 'di ko alam. Paturo naman." He nod once, as though he's begging.

"'Ge mamaya sa chat pag-uwi o kaya bukas. Saturday naman today," sabi ni Rose, nakangiti.

Since then, madalas na silang nagkakausap sa chat dahil sa mga pagtuturo ni Rosemary. Kaso kinalaunan, napapansin ni Rose na minsan nagiging uncomfortable siya sa mga pinagsesend niya. Nu'ng mga panahong bago mangyari ang Choir Competition, naiilang na si Rose sa araw-araw na pagme-message sa kaniya ni UV. Nag-usap sila ulit ni King sa fire exit isang umaga.

"Ito King," inabot ni Rose ang phone niya. "Basahin mo."

"Marami na talagang nabiktima 'yan, Mary. Kaya nga pinatawag sila ni Franco ng adviser natin e. Si Franco tumigil na nu'ng October, pero si UV matindi. Oh HAHHAHAHA ang cringe naman nito, 'Sabihin mo muna, I love you. As a friend lang naman.'" Hindi napigilan ni King tumawa ng malakas. "'Langya 'to boy, anong galawan 'to ang bano! Wait mali, hindi bano, abno." Tumawa ulit siya at nakisabay na lang si Rose.

Dumating sa eksena ang isa nilang kaklase, si Myrrh. Isa siya sa mga dumadating nang maaga tulad ni Rose at King kaya minsan sumasama siya sa mga pang-umagang usapan sa fire exit. "Hoy! May pinapanood kayo, noh? Bad, bad."

Nakuha ni Rose at King ang tingin nila sa isa't isa at lalo pang tumawa. Pagkabasa ni Myrhh, ngayo'y nakaupo na sa floor, umirap na lamang siya na naka-grin. "Ba't ayaw mo i-block, Rose?"

"Aray," tawa ni Rose, "wait ang sakit ng tiyan ko kakatawa." After nilang kumalma, sinabi ni Rose, "Naaawa na lang kasi ako sa kaniya. At ayoko maging rude kasi diba nga sensitive ako kapag sinasabihan akong seener. So 'yun, hinihintay ko na lang na mapansin niya 'yung pagiging distant ko ganu'n. Maglalaho rin naman 'yan."

Myrrh patted Rose's head. "Sige kapag kailangan mo ng backup and everything, leave the rest to us, okay?"

Sumumbat naman si King, "'Tsaka, Baka magalit nanay mo, sabi pa niya bantayan ka raw namin."

"Thank you, guys," ngiting hudyat ni Rosemary.

JeepneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon