part three.three

13 3 3
                                    

Kinabukasan, si Rosemary ang una na naman nakarating sa kaniyang silid. Papasok sana siya kaso naka-lock ang pinto so binaba niya ang bag niya muna malapit dito at sumandal sa may balcony. Natapos naman niya gawin lahat ng assignments sa araw na 'yun so hihintayin niya na lang magbukas iyon.

"Gusto ko bumaba," Rosemary thought, naka-lookout sa field. Biglang pumasok sa isip ni Rose ang sinabing lugar ni King kahapon nu'ng pabalik sila sa room. She considered this, so she stepped back, and went to the railings beyond her right.

Dito, pinagmasdan niya ang lima... anim... pitong level ng stairs. Nasa fire exit siya at maaliwalas ang area na iyon dahil wala pang ganu'ng araw. Napansin ni Rose na kung meron man, tinatakpan ng lilim ng mga puno ng Bamboo ang hagdan. Umupo siya sa ikatlong baitang, then she pulled her bended knees towards her chest. Rose rested her chin on her arms.

Pagkain sa mata ang berdeng kulay ng mga puno sa labas ng bakod. Dito, kitang-kita ang nangyayari sa buong field. Pumikit siya upang marinig ang tunog ng mga kuliglig sa pagbukang liwayway. Naririnig niya ang mahinang ritmo ng kaniyang puso na tumutugma sa sipol ng hangin.

Tama nga si King, everything here is peaceful.

Nang biglang may kumotong sa kaniya at nakita na naman niya ang playful face ni King. Speak of the devil. "Ginagawa mo dito?" he asked, smirking.

She loosened her posture. "Sabi mo maganda dito."

"Oo diba? Maganda nga 'yung nandito." Ta's inikot niya ang kaniyang paningin. Pagkabalik ng mga mata niya kay Rose, sinabi niya, "Mary, akyat ka nga isang lebel."

Umakyat si Rose kahit 'di niya alam kung ano meron. Nilapag ni King sa previous na inuupan ni Rose ang load sa kaniyang likod at napagtanto ni Rose na dalawang backpack iyon—'yung Dirty Orange na backpack ni King at isa pang tribal backpack which is 'yung kay Rose.

"Bag ko 'yan."

"Alam ko?"

"Ba't mo dala?" tanong ni Rose.

Umupo si King sa pinakamababang level ng stair at nilabas niya phone niya. "Pakopya naman notes sa Chem."

"'Pag ayaw ko?"

"Aww." He pouted. "So sad nu'n sa'yo." Tinaasan siya ni Rose ng kilay. "Kasi aangkinin ko na spot mo." Looking up, King gave her a hard, challenging look.

May kung anong pumilipit sa loob ng chest ni Rose. Huminga siya nang malalim at tiningnan si King sa mata. "Sa isang kundisyon?"

"'Di ka sure?"

"Sa isang kundisyon."

"Yiee." Pagkasabi ni King nu'n, tumugtog sa itim na phone na hawak niya ang isang jolly na kanta. "Alam mo PNE?"

She nodded, but then she had second thoughts so she shook her head. "Familiar lang. Uhm, Pangarap Lang Kita?" she suggested. 'Yun lang kasi alam niya na bigay ng bestfriend niyang si Stella back in elementary school. She gazed curiously sa white letters na kumalabas sa blue screen. Holding out her hand, she asked, "Pwedeng mabasa?"

"Go lang. Trip ko rin 'yun. Sige, 'yun 'yung next song natin."

Di ka naman kasi ganoon kaganda, di ba?
Simpleng kabatak, simpleng kabarkada lamang ang tingin ko sa 'yo.
Di ko talaga alam kung bakit ako nagkakaganito!
Ako'y napaisip at biglang napatingin, di ko malaman kung anong dapat gawin!
Dahan- dahan nag- iba ang pagtingin ko sa 'yo,
Gumanda ka bigla at ang mga kilos mo'y nakakapanibago!

"Trip na trip ko talaga ang Parokya. Makinig ka du'n! Mamaya magse-send ako sa'yo youtube links! Abangan mo ha." Spoiler: hindi niya nagawa 'yun kasi nanakaw phone niya. "Oh ano pala 'yung kundisyon? Dali habang alas sais pa lang."

Hinahalukay ni Rose ang backpack niya para sa notebook niya sa science habang tinatanong niya, "Bakit Mary tawag mo sa'kin?"

"'Yun na 'yung kundisyon? Kala ko naman parang gagawan kita ng CD ganu'ng type."

"Weh, ma-effort ka?"

"Hindi, hehe," King said, grinning innocently.

"So bakit nga?"

"Diba Rosemary pangalan mo?"

"Oh?"

"Oh 'yun naman pala, gusto mo tawagin kitang Panget?"

"E kung tawagin mo na lang akong Hampasin Mo Ako."

"Hampasin Mo Ako." Hinampas siya ni Rose ng notebook sa tagiliran. "Ay, sakit naman no'n."

"Nye nye. Mas malakas 'yan next time kapag nag-level up ako. Oh, kunin mo na 'to."

"Thanks." When he started writing, he continued. "May kamukha ka kasing Mary nu'ng gradeschool ako kaya ayun. Nasanay ako sa Mary. 'Yung Rose kasi parang ang ganda mo e. Alam mo Mary," he said, not looking up on his scribbling, "Panget na lang kaya tawag ko sa'yo?"

"Wow, nanakit ka na ah."

"Sabi ng nanghampas. Charot, deserve ko naman 'yun."

Rose stared at her friend's writing for a while. "Alam mo ba kasi King nagdasal ako nu'ng nalaman kong nakapasa ako sa entrance exams. Sabi ko, 'Lord kapag tinawag akong Mary ng mga friends ko, sign 'yun na magtatagal ako sa Sandugo.' E King, baka kasi lumipat ako next year e. Kaya ayaw ko talagang maattach sa section natin."

Still not looking up, King replied, "Don't fret, Mary. Pasasayahin ko buong year na 'to para sa'yo. I will make you comfortable ganu'n. Ewan ko ha, pero kaya hindi ka mukhang masaya kasi pinipigilan mo sarili mo maging masaya." That's when King stared right at her eyes as what he said was a matter-of-fact, which, indeed, is. For a few moments, they had another silent conversation like they always have. King shrugged. "Pero ikaw bahala pa rin. Alam mo ba na may chakra ako?"

Naputol ang usapan nila dahil may dumating na lalake (na-recognize siya ni Rose na isa sa mga guards) para buksan 'yung lock sa pinutuan malapit sa kanila. Unang nakita nito si Rose kaya siya 'yung tiningnan. "Huy, ano ginagawa niyo diyan?"

Tatayo sana si Rose kaso pinigilan siya ng kamay ni King. "Hi, Kuya Spade! Gumagawa lang po ng homework. Bukas na po ba ilaw?"

Binaling ni Kuya Spade ang tingin niya kay King. "Oo, pasok na kayo."

"Sige po."

At lumayas ang guard.

"Kilala mo 'yun?"

"Ano sabi ko sa'yo? Makipag-tropa ka sa mga faculties para ma-feel mo belong ka talaga. Promise p're, hardworking mga gaya nila kaya madalas sila ma-stress, kaya kailangan nila rin ng kausap. Ganu'n lang 'yun."

"Ang dami mong alam."

"Compliment?"

"Compliment."

JeepneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon