5.2

4 1 0
                                    


Tanghali na nang makababa siya sa dyip at dinireto niyang takbuhin ang Goldilocks upang bumili ng cake. Humingi siya ng dalawang kandila na itsurang 1 at 5 at nagpasalamat. Hinihingal siyang pumasok sa isang pinagkasunduang fast food restaurant kung saan magkikita ang mga imbitado sa kaarawan ng kaniyang kaibigan.

Hindi pa niya tuluyang nahabol ang kaniyang hininga nang biglang may dumukot naman agad nito. Lumapit siya sa kanila sa mga nagku-kwentuhang lalake—at kalahating babae (if you know what I mean). Sa sandaling ito, nadatnan agad ni Rose siya sa pinaka-gilid, nakatutok sa phone.

Binagalan ni Rose nag kilos niya at nagbaka-sakaling ring tumingin sa huling text na kaniyang na-receive kay King five minutes ago:

baba lang ako ng jeep

Ngayon parehas si Rosemary at King—ang dalawang kaibigan na matagal nang 'di nag-usap—ay nakatingin sa mga cell phones nila. Kung ano man ang tinitingnan nila sa cellphone na 'yon, ito ang dahilang hindi tumingala si King nang lumapit si Rose, at ang rason ni Rose kung bakit hindi niya kinausap si King.

Walang kilala si Rose sa mga nandoon na nag-uusap lang ng mga kung sino sasama ganito ganyan. Nang makalapit siya, kinamusta siya at ngumiti lang siya.

"Upo ka," sabi nila, pagpo-point sa isang upuan na available at ito ay ang kaharap si King. Nang makaupo dito si Rose, nakasalubong niya ang paningin ng kaniyang kaibigan na hindi niya alam kung paano kausapin. Binigyan ito ng isang matigas na tango, at binalik naman ito ni Rose.

"Liit mo pa rin, Mary," sabi ni King habang paupo si Rose.

"Hello to you, too, King," pangiting sabi niya kay King.

Sa pagkakataong iyon, gusto niya umiyak. Hindi niya alam kung ito ay dahil nag-reunite sila ng best friend niya o dahil ngayon niya lang unang naramdaman ang kumakagat na sapatos sa kaniyang paa.

Maliit talaga 'tong sapatos ni Jo.

JeepneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon