4.2

3 1 0
                                    

Pagkababa namin, nasa gitna ng usapan si Ate Kira at isang lalake sa tapat ng entrance door na nakabukas.

"Last gig na namin 'to this year."

"Wala kasing magbabantay ng bahay namin kahit 'yung mga kapatid ko."

"'Di ba sabi mo may kapatid kang mahilig sa music at kapatid na heartbroken? Oh edi mas maganda, sama na lang natin sila."

Lumapit si Ate Rose. "Sino'ng mahilig sa music?"

Lumapit ako. "Sino'ng heartbroken?"

Binaling ni Ate Kira ang tingin niya sa amin. Hawak-hawak niya ay isang paper bag na puno ng bote ng gatorade at ng ibang tsitsirya. "Girls, help me with these."

Lumapit ako para kunin yung bag. "May kinalaman ba kami sa pinag-uusapan niyo? Sorry sa pag-eavesdrop."

She shook her head. "It's okay. This is Mike," she said, as she points to him with her thumb. Kuya Mike waved. "May year-end concert party kasi sa university namin tonight, mga alas otso nagsimula. 'Di na ako pumunta e kasi nga maiiwan kayo, lalo na ikaw Jo."

"Ate, malaki na ako," kumento ko habang nakataas ang isa kong eyebrow.

"Ikaw na nga mag-explain, Mike. Pero pasok muna tayo."

When you turn left, opposite ng kitchen, naroon ang sala. Umupo kami sa mga couch na nakapalibot sa TV upang makapag-form ng C. Doon ako sa single sofa na malapit sa TV. As we settled down, I finally had a good look to Ate's friend. Kuya Mike looked about as same as Ate Kira's age, about 20 years old, and he had a poise as if kasama siya sa isang school cadet. Sa likod niya, nakasabit ang isang guitar bag, at nakasabit naman sa harap niya ang what I assume ay lagyanan ng laptop. Binaba niya ang mga bitbit niya at umupo sa gitna ng pinakamahang sofa.

"Hi, so obviously kayo 'yung kapatid ng Ate Kira niyo. Isa ako sa mga tutugtog para sa concert together eith my band. After naman ng indie bands, may mga famous na artists ang tutugtog. Gusto niyo ba makita ang Parokya ni Edgar and Rivermaya?"

Kahit nasa kabilang side si Ate Rosemary, nakuha namin ang tingin ng isa't isa.

"Kukuha lang ako ng tubig, kayo muna mag-usap diyan," said Ate Kira habang papunta siya sa kusina, exiting the scene.

Si Ate Rosemary ang nagsalita sa amin, "For sure may bayad 'yan."

Kuya Mike smiled warmly."'Yun nga, may bayad ang entrance pero I'm willing to pay for you both para makasama Ate Kira niyo. After kasi nito, alam niyo namang sa States na siya magtatrabaho ng nursing 'di ba?" Sinulyapan niya 'yung kitchen kung nasaan si Ate Kira, then he beckoned us to come nearer. Biglang hinaan niya ang voice niya. "May surprise kasi kaming magbabarkada sa kaniya. Pero quiet lang kayo sa part na 'yun." He put his finger to on his smiling lips as he leaned back to his previous position. Then he went back on his normal tone. "Tapos nagkita kami kanina sa store and I realized na nakapambahay kang siya so I guessed na hindi siya pupunta. Sabi ko mae-enjoy niya ang concert kasi marami siyang kaklase na tutugtog pero ayaw niya pumayag dahil sa inyo. Sayang naman."

Nang makabalik si Ate, may dalang two glasses of water at binigay niya ang isa kay Kuya Mike. Umupo siya sa tabi niya at kinausap kaming mga kapatid niya.

"Ate Kira," sabi ni Ate Rose on the edge of her seat. "Alam mo naman kung gaano ko gustong makita 'yung mga pop rock bands! And like? Rivermaya and PNE? Who wouldn't?"

"Same 'yon here, Ate," dagdag ko, raising my hand.

"Baka mapatay pa ako ni Papa kapag napahamak kayo e."

"Oh, tara," started Kuya Mike. "Kausapin natin si Tito, sabihin mo pwede niya akong durog-durugin kapag nasugatan mga kapatid mo. Sasabihin ko na lang din sa mga coordinators na assistants namin sila sa banda para doon lang sila sa may backstage and front rows."

JeepneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon