Kwento ito ng Acquaintance Ball ni Rosemary. Pero bago 'yun, may tatlong parties muna ang pinagdaanan niya bago siya makapunta sa mismong point. 'Yun ang sinabi ni Jo sa Ate niya habang binabasa 'yung messenger niya. Ang rebut naman ni Rosemary na hindi niya raw niya kasi magegets 'yung mismong kwento kung hindi niya sasabihin 'yung mga details na 'to.
So let's start again. Ito ang start ng storya ni Rosemary about sa nangyari sa kaniyang Acquaintance Ball. And nagstart ang story sa isang party din.
Three years ago, nu'ng kasing age lang ni Rosemary si Jo, inimbitahan siya ng nanay ng bestfriend niya para sa isang surprise birthday party. Para ito kay Hope, isa sa mga solid niyang kaibigan nu'ng Grade 7 siya. Lahat ng nakakakilala kay Hope, katropa niya. And she's lucky that all her friends wanted to make her happy. Kaya marami ang nagpunta para sorpresahin siya, isa na ru'n si Rose.
Si Rosemary 'yung isa sa mga nagawang friends ni Hope nu'ng bagong salta sila sa Sandugo High School. Rose felt very special na tinuturing siya close friend ni Hope—pinagkakatiwalaan sa secrets, sinasamahan mag-emote, open sa pagiging makalat. Kaya't kahit alam ni Rose na hindi niya kakilala 'yung ibang friends ni Hope na dadalo sa birthday niya, determinado siyang maging present for her best friend's birthday.
May tatlong problems lang:
1. Super layo ng bahay ni Hope sa bahay ni Rose. Mga forty-five minutes minimum na travel time kapag biyahe galing school papunta sa kanila, at twenty minutes naman ang minimum galing bahay ni Rose, hindi ka pa naka-jeep nu'n.
2. Nalaman niya kay King, isa sa kaibigan nila ni Hope nu'ng Grade 7, na hindi masyadong kilala ni Rosemary 'yung mga dadalo sa occasion at alam niyang male-left out lang siya. Kasi—
3. Hindi sociable si Rosemary. Sure, she can be loud at most times, she can tease anyone she wants to, she can blurt out nonsensical and incoherent words, she can laugh her heart out—but she can only do these things on familiar people. Like really familiar people. As in 'yung nakasama niya na sa clubs, naging kaklase, naging kaibigan, naka-chat. But Rosemary was actually an awkward girl then.But she really wanted to be included in the fun.
Sabi ni Tita Eliza kay Rosemary sa chat, Pasama ka na lang kanila King kasi alam niya paano pumunta dito. Magkikita-kita ata sila kasama 'yung ibang friends ni Hope. Nandu'n din ata sila sa pinakamalapit na McDo sa school niyo.
Binasa niya ulit.
Pasama ka na lang kanila King...
King...
Langya, buhay pa pala yang King na 'yan.

BINABASA MO ANG
Jeepney
Teen FictionDealing with her first heartbreak, Sad Jo recollects experiences of her two sisters about life, relationships, and yes, heartbreaks.