Wala na ako masyado pang sasabihin sa parteng ito. Sumakay ang mga party-goers sa dalawang tricycle. Nasa likod ng tricycle si King, habang si Rose ay tahimik nasa loob nito at hawak-hawak ang cake. Naririnig niya ang mga pag-uusap ng nasa likod ni Manong.
"Angelo, tuloy kaya prom this year sa grade 9?" narinig niyang boses ni King.
"Ewan, baka gawing funds para sa field trip. Balita ko EK daw e," sabi ni Gabriel.
Nang makarating sila sa bahay, binati agad ni Rose si Hope. Niyakap at binigay ang regalong cake na nilapag ni Hope sa hapag sa may living room. Dinala ni Hope si Rose sa backyard nila kung saan may tatlong metal na upuan na nag-ooversee sa garden.
"Ang dami niyo," Hope said, nahalata ni Rose ang anxiousness sa boses niya.
Napahimas ng batok si Rose. "Same, Hope. Same."
Umupo sila sa dalawang upuan. Nagkuwento si Rose. "Nabalitaan ko lang kanina kay Mama pagkagising ko so bagong ligo alg ako e." Pinakita niya ang basa niyang buhok. "Thank you pala sa cake, nag-abala ka pa."
"Wala akong nahandang regalo e."
Tumawa siya. "Ikaw talaga, Rose. 'Di namin ina-ask pero ang bongga ng mga regalo mo. Lalo na 'yung binigay mo sa akin na mga cards last year na naka-laminate pa picture natin. Nakatago pa rin 'yun."
"Ikaw pa, Hope. Malakas ka sa'kin e."
"Buti oks na kayo ni King. Nag-uusap kayo pagdating dito e."
Rose hung her head and pursed her lips. "'Di naman kami nag-away, though."
Tumingala si Hope sa mga puno na nagsha-shade sa pwesto nila. "Naalala ko bigla 'yung dati kapag pupunta ka dito, te-text niya ako, 'Hope, nakarating na ba si Mary?', tapos kapag uuwi ka na, tatanungin niya rin, 'Hope, nahatid mo na ba sa sakayan si Mary?'" Tumawa siya. "Ang cute niyo."
At this point, nanlaki ang mata ni Rosemary at tumingin kay Hope. "Weh, tinatanong niya 'yun?"
Tumango siya, nakatingin pa rin sa langit. "Tapos kapag sasakay ka ng jeep galing school, siya pa maghahatid sa'yo, kasi raw baka magalit nanay mo," Hope continued. "Kaya nalulungkot ako kapag nakikita ko at nararamdaman kitang nami-miss mo siya."
Tiningnan ni Rose ang tinitingnan ni Hope. "Loko."
"Akala ko aalis ka na, Rose," Hope brought up, there's a crack on her voice and that's when Rose saw she's crying. "Akala ko rin aalis ka na nang school nang 'di kayo nagkakaayos. Akala ko aalis ka nang malungkot. Naalala ko lang kasi 'yung call natin nu'ng isang araw, umiiyak ka nu'n e. 'Di ko kaya makita 'yung best friend ko na ganu'n."
"Huy!" Nag-lean si Rose towards sa upuan ni Hope para ma-pat siya sa side niya. "Hindi pa ako aalis, okay? Saka sa dalawang taon dito, isusulit ko na. Huwag ka mag-alala sa'kin, okay? Kaya ko sarili ko." She leaned back nu'ng nakita niyang kumalma na si Hope. "Inaalagaan ka naman ba ni Gab?"
Tumango si Hope. "Kaso 'di siya ganu'n kagaling mag-comfort, parang ganun? Kaya ayun sa'yo na lang ako muna nagrant about sa pamilya ko. Nakakalungkot takaga minsan sila Papa, kahit alam kong mabuti intentions niya sa'min, sobrang strict lang talaga kaya lagi sila nag-aaway ni Kuya e. As of now, okay naman na ulit kami pero ayo'ko na pumasok sa mga arguments na ganu'n kasi lagi kaming napupuntang sigawan." She took a moment to breathe.
"Guess ko, sasabihan ka na bata ka lang wala ka pang alam."
She winced, pero tumango rin. "Nakakainis at nakaka-drain kaya tumatahimik na lang ako."
"I-block mo na lang mga sasabihin nila. Take care of your mental health, ha?"
"I'm doing my best. Kaya thank you ulit for listening ha?" Tumayo na sila at nag-start maglakad pabalik sa bahay. "Baka hinahanap na tayo."

BINABASA MO ANG
Jeepney
Teen FictionDealing with her first heartbreak, Sad Jo recollects experiences of her two sisters about life, relationships, and yes, heartbreaks.