"So ayun," sabi ni Ate Rosemary sakin habang busy siya sa pagso-scroll ulit sa phone niya. "Nagtuloy-tuloy kaya binigay ko na password ko kay King. Si myrrh naman ang nag-asikaso ng face-to-face confrontation pero ginawa niya 'yun after ng Christmas break."
Inalis ko sarili ko sa Indian seat at tumayo upang mag-stretch. "Hinaharass ka na, ganu'n?"
"Oo, Jo, kaya ikaw," tumingin siya sa akin, "magpatulong ka rin kapag may gumaganu'n sa'yo. Kapag may nagawa talaga sila sa'yo, nako, Jo, baka ano'ng magawa ko sa kanila. Balita ko nga hanggang ngayon, ganu'n pa rin siya, naghahanap ng pwedeng mabiktima. Hindi na siya natuto sa mga nagreklamo nu'ng Grade 7."
Pumunta ako Jo corner ng room, left ng bed ko, para himayin patagilid ang kurtina. Ano'ng oras na kasi at wala pa si Ate Kira. Nakita ko sa phone kanina na mag-e-eight na. Bakit kasi ang layo ng bilihan sa subdivision namin e.
Sabi ko, "Ate, wait naguluhan ako. 'Yung birthday kanina ni Ate Hope, sa future pa 'yun?"
"Yup, flashback 'to kumbaga. Don't worry, essential lahat ng ikukwento ko sa mga mangyayari sa future. Upo ka na dito, may papakita ako." Tinapik niya ang space sa tabi niya kaya doon ako pumunta. Pinakita ni Ate Rosemary ang chat sa kaniya ni UV. Naroon ang picture ni Ate Rose nu'ng Grade 6 niya na nasa swimsuit. Naka-overlay sa picture ang phrase na: I LOVE YOU ROSE. "Okay lang naman magkagusto sa isang tao pero kapag they are feeling uncomfortable na, stop na."

BINABASA MO ANG
Jeepney
Teen FictionDealing with her first heartbreak, Sad Jo recollects experiences of her two sisters about life, relationships, and yes, heartbreaks.