Sam's POV
Simula nung araw na yun, di na naging malungkot ulit si Ash. Masaya na sya at nakwento nya na ayos na ulit sila nung nililigawan nya well hindi na pala kasi kahapon sila na. Hahaha ako nasasktan? Sus asa naman diba? Dejoke hahaha.
Naglalakad ako ngayon papunta sa library bago umuwi para manghiram ng libro. Actually, maaga pa naman kase maaga kameng pinauwi. Biglang nagring phone ko.
*ringggg ringggg*
0917****** callingggg....
Huh sino kaya to?
"Hello? Sino to?"
"Sam! Si Sean to."
S-sean? B-bakit? Natigilan ako sa paglalakad.
"Sam! Andyan ka pa ba?"
"Ah oo, o-oh nakauwi ka na pala. Kelan p-pa?"
"Kahapon lang, di ka ba masaya na nakauwi ako! Namiss kita!"
"A-ah namiss din kita!"
"Osge! Kita tayo bukas ha? Itetext nalang kita. May pupuntahan pa kase ako, ingat ka ha? I love you" sabay baba ng phone.
What... Bat ngayon pa? Bakit?
---
"Sam! Mahal na mahal kita! Tandaan mo yan ha?" Sabi nya habang hawak ang pisngi ko.
"Sean, kailangan bang umalis ka talaga. Pano yan magkakalayo tayo?" Saad ko.
"Aantayin mo pa naman ako diba? Tatapusin ko pagaaral ko sa California para sakin din to sa pangarap ko"
Simula ng araw na umalis siya, di na nya ko kinausap. Araw araw akong magonline para sakanya pero wala. Wala ni isang message ni Sean ang dumating. Umabot ng 2 taon sya dun. Lagi akong pumupunta sa bahay nila para malaman kung nakauwi na sya pero walang Sean ang nagpakita. Hanggang sa araw na kinausap ako ni Ash na tigilan ko na daw dahil masasaktan lang ako sa ginagawa ko. Matagal kong pinagisipan yun, hanggang sa unti unti nang nawala sa isip ko si Sean. Wala kamimg closure kung tapos na kami. At ngayon nga na bumalik sya di ko na alam ang irereact.
Inabot ako ng 5:00 ng hapon sa library kakaisip. Bumalik lhat ng sakit, lahat. Napagisipan kong umuwi na, tinext ko si manong na sunduin ako.
Habang naglalakad nakasalubong ko ang mga kaibigan ko.
"Sam. Kanina pa uwian ah, bat ngayon ka lang!" Sabi ni Jaina
"NAKIPAGDATE KA NO! IKAW HA!" singit naman ni Hannah.
"Tigilan nyo ko, galing akong library okay!" Sabi ko sabay irap sakanila at ngumiti.
"Sus! Ay by the way hi way, kamusta naman ang kaibigan nameng MAY LIHIM NA PAGTINGIN SAKANYANG MINAMAHAL NA BESTFRIEND!---"
"HOY WAG KA NGANG MAINGAY MAMAYA MAY MAKARINIG SAYO MACHISMIS PA KO!" sabi ko habang tinatakpan ang bibig ni Jaina. Ang daldal.
"Bat di ba totoo? Saka pakialam nila?" Saad ni Hannah.
"Malamng madaming faneys dito yun at madaming alalay yung girlfriend nya no! Kaya sssshhhh lanv kayo!" Napaka ingay talaga nito. Yung totoo bat ko nga ba naging kaibigan to. Hahaha
"Hmmm kunwari ka pa, sipain kita eh" sabi ni Hannah.
"Girls nga pala, s-si Sean, bumalik na"
"WHAT?/ANO?" Sigaw nilang dalawa. Napatakip napang ako ng tenga. Buti walang tao dito sa waiting area sa parking lot.
"Oo tumawag kanina, yun nga kaya ko nahuli ng uwi. Nagisip ako ng gagawin ko" sabi ko sa dalawa na ngayon eh nakakunot ang noo.
"Alam mo sam, ang tanga mo! Diba Jaina?"
"Oo ang tanga mo. Bat mo pa pinagiisipan eh ikaw na nga tong iniwan at sya na nawala ng parang *pok* bula!" Parang sira tong dalawa. Kulang nalang sabihin ko na baliw sila.
"HAYAAN MO SYA! PAG KINAUSAP KA, SABIHIN MO LAHAT!" Sabi ni Hannah.
*peep peeep*
"Guys, andyan na si Manong. Kayo? Di ba kayo sasabay?"
"Hindi na, aalis pa kame eh hahaha. Boy huntinggggg!" Sabi ni Jaina nang nakataas ang dalawang kamay. Napahawak nalang ako sa noo ko. Hay nako.
"Basta yung Sean na yun! Kausapin mo tapusin mo na, unless kung may feelings ka pa?" Sabi ni Hannah ng tumaas baba ang kilay.
"Ewan. Sge na! Bye!" Sabay sakay ko sa kotse.
Pano na to? Sasabihin ko ba kay Ash? Hay nako. Bat pa kasi dumating pa! Akala ko dun na sya forever eh. Buti nalang magbabakasyon na next week. Summer na
*bzzt bzzt*
From: 0917*******
Sam. Nakauwi ka na ba? Baby miss na kita sobra. Sean to.
Baby? Biglang bumilis tibok ng puso ko. No.. Sam hindi. Tatapusin mo na lahat.
To: Sean
Ah. Pauwi palang ako.
Sinave ko phone number nya. Nagreply na din agad sya.
From: Sean
Ah ingat ka ha? Kita tayo bukas? Pwede ka ba baby? Gustong gusto na kita makita. Sunduin kita?
Siguro binibigyan ako ng pagkakataon para tapusin na to. Ayoko ng paasahin pa na mababalik pa sa dati lahat.
To: Sean
Oo sge, pero wag mo na kong sunduin. Pupunta nalang ako sa park dun nalang tayo magkita.
Tumigil na yung sasakyan ng napark na ni manong yung kotse. Nilagay ko muna sa bag yung phone ko. Mamaya ko nalang titignan ulit.
BINABASA MO ANG
Rebound
Teen FictionAng tanga ko! Ang tanga ko para maniwala na may pagasa tayo! Ang tanga ko kasi umasa ako na akala ko mahal mo ako... pero bakit... bakit ginamit mo ko? Andyan naman ako para sayo diba? Ako yung kasama mo sa lahat...