Ch. 21

1.1K 7 0
                                    


Kinabukasan nagkita kami ni Ash. I already told him about Sean, and malungkot sya ng nalaman yon.

"Maging masaya nalang tayo for Sean, atleast ngayon di na sya mahihirapan." Sabi nya sakin at hinawakan ang kamay ko.

Ngumiti ako sa pagcomfort nya sakin. Nagkwentuhan lang kami nun at hinatid na nya ko sa Bahay. Tumawag din sila Mom and Dad na uuwi na sila dito dahil maayos na si Dad.

Nagdaan ang ilang araw simula nung nalaman ko yung kay Sean. At ngayon nagaalala ako kay Ash dahil di nya sinasagot ang tawag pati text ko. Siguro ay naglaro yon at iniwan ang phonr nya.
Nang magring ang phone ko akala ko si Ash na, yun pala si Dad na sabi ay pumunta ko sa office nya upang matulungan sya.

Nagbihis ako, at ginawa ang morning rituals ko. Ganyan talaga pag babae! Nagmadali akong bumaba at nagpaalam sa katulong namin.
Paglabas ko ng gatr ay nagulat ako, nakasandal sya sa kanyang sasakyan.

"Oh matthew, what are doing here?" Tanong ko at agad na tumingin sakin.

"Pinapasundo ka ni tito sakin, ang sabi nya ay wala daw kasi yung sasakyan sainyo. Kaya nagvolunteer nalang ako at pumayag naman sya." Nakangiti nyang sabi.

"Ah, nako nagabala ka pa. Okay lang naman ako. Pero salamat!" Ngiti ko.
Pinagbuksan nya ko ng pintuan at pumasok sa loob.
Tinext ko si Ash na papunta kong Company para alam nya.

"Oh kamusta ka naman?" Tanong nya.
"Okay naman ako, medyo busy lang dahil naghahanap ako ng trabaho." Sagot ko at tumingin na sa daan.
"Eh bat di ka magtrabaho sa company nyo? Para matulungan mo dad mo" sabi nya habang nakatingin sa daan.
"You know, im not into bussiness. Iba ang course ko pero tinuruan ako ni Dad kaso gusto kong ipagpatuloy muna to tsaka ko magaaral about sa bussiness."
"Sabagay, that's a good idea. So kayo pa ba ni Ash?" Tanong nya na kinagulat ko. Di naman namin napaguusapan to.
"Oo naman, medyo busy lang din sya kaya di na kami nakakalabas minsan." Ngiti ko naman.

Nang makarating kami sa company ay agad na dumiretso sa office ni dad. At andun din ang Dad ni Matthew.

"Oh andito na pala kayo, nako bagay na bagay ang anak natin Samuel." Tawang sabi ni Dad ni Matthew.
Napangiti nalang ako, medyo awkward kasi.
"Dad, ano ka ba may boyfriend itong si Sam." Sabi naman ni matthew.
"Ano ngayon? Asawa nga naghihiwalay, magkasintahan pa kaya diba Samuel?" Sabi nya at tingin kay Dad.
Tumawa nalang si Dad, alam ko nama na gusto ni Dad para sakin ay yung lalaking may alam sa bussiness. Kaya nga gustong gusto ni Dad noon si Sean, at ngayong nalaman niya na kami ni Ash ay di ko alam ang iniisip nya.

Nagpatulong lang sakin si Dad dahil nakaleave ang secretary nito. Si mom naman ay nasa amiga nya. Nagpatuloy ito at inabot ng gabi.
"Anak, mabuti pa't dalhin mo sa restaurant itong si Sam. Baka gutom na sya." Sabi ng Dad nya.
"Oo nga, Sam anak sumama ka muna sakanya. Magpapabili nalang din ako sa hapunan namin dito." Sangayon na sabi ni Dad.

Umalis na lamang kami. Pagkadating namin ay nagulat ao at nakareserve na agad. Nalaman kong pinareserve ito ni Dad. Hay nako alam ko na to...

ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon