Ch. 9

1.1K 8 0
                                    

Sam's POV

RISE AND SHIINNNEEEEE! ANG SAYA NG GISING KO, EWAN KO KUNG BAKIT! HAHAHAHAHA. bumaba na ko, nakita ko si yaya na nakain.

"GOOD MOOOORNINGGGG YAYAAAAA!" sabi ko sabay yakap kay yaya.

"Oh, ganda ng gising ah. Halika na, kumain ka na dito." Sabi ni yaya at aakmang ihahanda yung pagkain ko.

"OOOOPPPPSSS! YA! AKO NA, KUMAIN KA NA DYAN." Sabi ko ag kuha ng pagkain.

"Nako, etong batang to talaga."

"Ya, asan nga pala si Anya?"

"Ayun, umalis. Nagpaalam na daw sya sa mommy nyo." Sabi ni yaya. Ano. Bat ba lagi nalang naalis yun.

"San daw punta?" Tanong sabay kain.

"Kasama yung boypren nya, pati yung mga barkada nya." Sabi ni yaya.

"Nawiwili yun ah. Alis ng alis."

"Hayaan mo na, pinayayagan naman ng mama mo eh." Sabi ni yaya at punta sa kusina.

"Kahit na." Di na sumagot si yaya. Pumunta nlang ako sa Sala. Binuksan yung tv.

Habang nakain, may tumawag sakin.

Sean Calling....

"Oh sean?"

"Baby, i miss you. May pupuntahan ka ba? Tagal na nating di nagkikita."

"Wala naman, andito ko sa bahay. Gusto mo punta ka?"

"Oosge. Antayin mo ko! I miss you. Bye love you" sabi nya ng masigla at baba ng phone.

Hay nako, habang patagal ng patagal naguguilty na ko. Lord, sorry po. Hahanap lang ako ng tamang time para sabihin sakanya.

Dinala ko na sa kusina yung pinagkainan ko, at umakyat na para makapagayos. Alangan namang pumunta si Sean dito ng ang gulo ng ayos ko. After 30 mins.

"Nak, andito na si Sean."

"Opo ya. Bababa na po"

Pagkababa ko, nagulat ako sa nakita ko. Bat parang namayat si Sean?

"Sean.. Bat namayat ka?" Tanong ko

"I miss you baby!" Sabi nya at yakap sakin. Umupo kame sa couch.

"Kamusta na, bat pumayat ka. Ilang araw lang tayo di nagkita eh" tanong ko.

"A-ano. Naglilinis na kasi ako ng bahay namen. Hahaha" sabi nya.

"Ah. Ya? Pwede po bang pagaw kame ng bread ni Sean? Thanks po" sabi ko kay yaya.

"So, bat nga pala nagpunta dito si Tita Alex?" Tanong ko sakanya.

"Sabi ni mommy, kakamustahin ka lang daw." Sabi nya at di maktingin sakin.

Dumating na si yaya, at binigay samen yung bread.

"So, baby. How's your vacation this week? Masaya ka ba?"

"Oo naman." Sabay ngiti sakanya.

"W-wala na pala yung picture natin dun?" Sabay turo sa wall sa hagdan. Dati kasi may picture kame dun. Kaso tinanggal ni mama dahil nga sinabi ni Ash.

"A-ah oo. Tinanggal na ni mama eh. Pero nakatabi pa naman sakin." Sabi ko.

Bat parang ang awkward ngayon.

Biglang may kumatok. At binuksan ni yaya

"SAAAMMMMM BANTOOOT!" sigaw ni Ash. Napatayo ako bigla sa pagkakaupo. Biglang napangiti ako. Alam nyo yun, automatic na hahahaha.

"Oh Sa-- HOY BAT KA ANDITO HA!" Sabay turo kay Sean ng makita ito.

"Di naman masama diba? Dinadalaw ko lang si Sam." Sabi ni Sean na medyo may pagkairita.

"BAKIT ANO YAN? PATAY NA PATA DALAWIN MO?" sabi naman ni Ash na medyo mataas na ang boses.

Hmmmm. NANGANGAMOY AWAAAYYY! YAYA PENGE PONG POPCORN---- AY WAIT AWAY NA NGA YAN SAM ANG TANGA MO!

"Oooooppsssyyyy! Pinapunta ko sya dito Ash kase matagal na kaming di nagkikita." Sabi ko at ngumiti. Tinitigan naman ako ni Ash.
Sa tuwing ika'y nakikita ako'y natutunaw. Sa kakaisip sayooo tigyawat dumaramiii

CHAROT LANG YUN. Hahahahaha

"Sus! Ang dami mong alam Sam." Sabi ni Ash at upo sa couch na parang bahay nya. TARAY HA! PASALAMAT KA MAHAL KITA *wink* syempre joke lang yung kindat sa isip ko lang yun.

"Bakit? Masama bang dalawin ang GIRLFRIEND ko ha Ash?" Sabi naman nitong si Sean. Girlfriend... Umaasa na sya Sam! Dapat makipaghiwalay ka na, sinasaktan mo lang sya.

"Girlfriend di ka naman mahal tss." Pabulong na sabi ni Ash, siniko ko sya.

"May sinasabi ka?" Tanong ni Sean.

"Wala sabi ko TA*NGINA ANG TANGA NUNG SA BASKETBALL" sabi ni Ash. May pag ka-sarcastic yan. Hahahaha

"Sam. Lika dito" sabi ni Sean. Lumapit na ko. Pagkalapit ko, pinulupot nya yung kamay nya sa bewang ko na ikinabigla ko. Naiilang ako mehn!

"WHOOOOO! SHT NAKASHOOT SYA SAM!" sabi ni Ash na nagtatalon at hinila ko. WAIT HA!

"DAHAN DAHAN, BAKA MAPUTOL KAMAY KO BAHO!" Sabi ko at ngiti sabay irap.

"Pre. Nasasaktan na si Sam." Sabi ni Sean at hinila ko paupo. Wala ng nagawa si Ash kase pinandilatan ko ng mata ng lalapitan si Sean. Sira ulo din to, kung di lang kita mahal na ulol ka nako.

Lumipas ang ilang oras na kada lapit at pag nagiging clingy si Sean, eh umiepal si Ash. NAGSESELOS BA SYA GUYS! TELL ME! OMGGGGG! ASSUMING KA SAM.

Umuwi na si Sean dahil may gagawin pa daw sya. Hinatid ko sya sa labas.

"Bye baby. Masaya ko nakasama kita kahit may asungot." Sabi nya at hawak sa kamay ko.

"Pagpasensyahan mo na yun, ganun naman yun diba." Sabi ko.

"Osge na, ingat ka baby." Lumapit sya at niyakap ako ng mahigpit at hinalikan sa noo.

"I love you, tandaan mo yan." Sabi nya at umalis na.

Bumalik na ko sa loob.

"May pakiss kiss pa sa noo, may pa hug hug pa." Sabi ni Ash nang pumasok ako. Ay selos! SIGE PAASAHIN MO SARILI MO SAM!

"IKAW ANG SAMA MO DIN NO! BUTI MABAIT SI SEAN." Sabi ko at hablot ng kinakain nya. Ganto kami ka sweet este kaclose. FELLINGERA!

"Bat kasi di ka pa makipaghiwalay?" Tanong nya at ngiti sakin.

"Paulit ulit ka! Humahanap ako ng tamang time!" Sabi ko at irap. Wag ka kasing ngumit hanep ka.

"Pinapaasa mo lang sya, kung awa lang yan. Lalo mo syang sinasaktan Sam. Kailangan mo ng itigil! Trust me nag-planax yata ak--- ARAY HA! NAMIMIHASA KA NA! IKAW NA TONG TINUTULUNGAN" sabi nya at hawak sa ulo. Binatukan ko, ang daming alam eh

"Oo na nga sir! Time lang naman eh, ako na bahala! Mag just dance nalang tayo." Sabi ko. At hila saknya.

Humahanap lang naman ako ng tyempo para sabihin yun, at tyempo para sabihin din sayo ang tungkol kay Jasmine.

ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon