Sam's POV
Dalawang araw na ang nakalipas simula ng magumpisa ko dito sa work ko sa Company. Wala ngang kinalaman to sa kinuha kong nursing, pero tinuro na ni mommy to saken. Para daw kahit nurse na ko, pwede pa daw ako makatulong dito. Sa dalawang araw na yun, wala pa ding Anthony ang nagpapakita. Ayos lang, bahala sya dyan. Tutal di pa naman masyadong madami ang ginagawa dito. Nalaman ko din na umalis na kahapon si Sean. Di man lang ako nagpaalam ng persinal Tinext nya lang ako na aalis na sya. Naandito ako ngayon sa office ni mommy. Ayaw ako papasukin sa office ni daddy eh kaya dito nalang daw ako.
Biglang may kumatok at pumasok yung secretary ni mama.
"Ma'am Sam, andyan na po si Sir Anthony at Mr. Sanchez. Hinahanap po kayo" sabi niya.
"Oh sige po." At tumayo na ko para lumabas. Nakita ko Anthony na dati ay mapayat ngayon ay malaki na ang katawan. Nagmatured na."Mr. Sanchez Good morning po" sabi ko at beso.
"Sam iha! Ang laki mo na! At ang ganda, nako bagay kayo ng anak ko hahahaha" biro ni Mr. Sanchez. No thanks, may mahal ako. Hahahaha
"Anthony! Kamusta?" Sabi ko.
"Okay naman, ang laki mo na ah! Dati parang kang daga sa liit eh." Sabi nya ay tawa. Tumawa nalang din ako, yabang nito!
"Oh iha, si Anthony muna makakatulong mo dito at sabi din yon ng papa mo. Marunong na naman yan si Anthony. Ay kailangan ki na palang umalis, may meeting pa kame sa Makati. So, kayo na bahala dito. Anak, ang ganda ni Sam oh!" Sabi ni Mr. Sanchez bago umalis.
Napailing at tumawa nalang si Anthony.
Pumasok na ko sa office ni mommy. Di ko namalayang sumunod pala to sakin.
"Laki ng pinagbago mo, lalo kang gumanda." Sabi nya ng seryoso.
Tumingin ako saknya.
"Maliit na bagay" sabi ko.
"Hanggang ngayon, nauuto ka pa din" sabi nya at tumawa.
"Sinabi na ba sayo kung san office mo. Punta ka na dun, nangaasar ka lang eh." Sabi ko, di ako naasar sanay na ko dyan.
"Oo sinabi na ni dad. Sorry na, mapapatawad mo pa ba ko?" Sabi nya at nilapit ang mukha nya sakin napaurong ako bigla na out of balance dahil sa heels ko.
"ARAY!!!" LAGAPAK AKO SA LAPAG EH! LECHE NAMAN TALAGA, HILIG AKONG PAGTRIPAN NETONG MOKONG NA TO. Pagkatingin ko, pinipigil nya yung tawa nya at nilahad yung kamay!
"NAHIYA KA PANG TUMAWAAA!" Sigaw ko at pinalo sya.
*bzzt bzzt*
Biglang vibrate ng phone ko, kinuha ko phone ko habang hawak pwet ko dahil sa sakit.
"HAHAHAHAHAHAHA T-TEKA SORRY HAHAHAHAAAHAHHAHAAHAHAHAHAHA" tawa ni anthony. Inirapan ko nalang at tinignan kung sino nagtext.
From: Ash
Sam.. Magkita tayo, kailangan kita.
DYAN! DYAN TAYO MAGALING EH! SA KAILANGAN KITA! HAY NAKO ASH! PERO ANO NA NAMAN KAYA YUN!
BINABASA MO ANG
Rebound
Teen FictionAng tanga ko! Ang tanga ko para maniwala na may pagasa tayo! Ang tanga ko kasi umasa ako na akala ko mahal mo ako... pero bakit... bakit ginamit mo ko? Andyan naman ako para sayo diba? Ako yung kasama mo sa lahat...