Ch. 5

1.8K 17 1
                                    

Sam's POV

AAAAAHHHH OKAY ETO NA. Pupunta ka dun Sam para malinwa lahat, at makikipaghiwalay ka na. Diba ikaw ang pinag hintay nya! NAGHINTAY KA SA WALA DIBA! 2 YEARS KANG NAGPAKATANGA! So kaya mo yan!

Eto ako ngayon sa kwarto, nagaayos na. Kinakausap yunv sarili ko. Sorry na, baliw ba? Aminin nyo ganyan din kayo!

Bumaba na ko after magayos, magsi-six na. So kailangan kong pumunta na.

Pagkababa ko nakita ko si Mama at Anya na nanonood.

"Ma, aalis na ko. Sayang naman di ako makakasali sa movie marathon nyo." Sabi ko ng nakayakap sa leeg ni mama habang nasa sofa sya at ako naman nasa likod.

"Next time anak, importante naman pupuntahan mo eh" sabi ni mama.

"Hay, sge sabi yan ah! Sge na bye! Bye anya!" At hinalikan si mama sa cheeks at si Anya naman kiniss ko sa noo. Sweet ko bang kapatid?

"Yak ate, kadiri!" Sigaw ni Anya

Napatawa nalang ako.

"Manong pahatid naman ako." Sabi ko kay manong na may kausap sa phone.

"Osge babe, hahatid ko lang tong alaga ko, i love you. Mwa-- Osige po ma'am tara." Sabi ni manong na kinikilig pa. Napangiti nalang ako, marami talagang bagay na nagpapasaya sayo.

Sumakay na ko, at tinext si Sean na on the way na.

From: Sean

Osge baby, andito na ko kanina pa naeexcite ako na makita ka. I love you

Di ko alam ang irereply ko kaya di na ko sumagot. Naguguilty tuloy ako, naisip ko naman yung sinabi ni Ash. Naguguluhan ako, di ko alam kung ano na. Ilang minuto lang nakarating na ko.

"Sge manong, salamat. Wag nyo na din akong hintayin ako na po bahala." Sabi ko at bumaba na.

Naaaninag ko na sya, ganun pa din. Nakita ko na may hawak syang bulaklak habang nakain ng paborito naming kwekkwek. Napangiti ako kasi yun pa din. Nakita ko ang pagbabago ng katawan nya, di na kagaya dati. Nagmatured na din ang pananamit nya. Mas matanda sya sakin, ako 18 sya 21. Tapos na siguro sya sa pagaaral nya.

"S-sean.." Sabi ko na nauutal, kinakabahan ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

"BABY! I MISS YOU SO DAMN MUCH. Halos araw araw akong nagtiis para sayo. Kung alam mo lang kung gano kahirap mabuhay ng wala ka, ng di ka makausap." Sabi nya habang yakap yakap ako ng mahigpit. Oh god. Di ko alam pero namiss ko to. Oo aaminin ko, sguro may konting feelings pa ko.Pero masisisi nyo ba ko? Mahal ko pa sya, nung niyakap nya ko nawala lahat ng galit, ng pangungulila. Pero pano? Makikipag break pa ba ko?

"Sean.. I miss you too." Kumalas ako sa yakap kase naguguilty ako. Kahit na alam ko sa sarili ko na may feelings pa ko. Pero mas nagingibabaw si Ash. Magulo.. Magulo ang utak ko pero ang alam ko si Ash ang mahal ko.

"So, Sean.. San tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya, hinawakan nya ang magkabila kong kamay.

"Babawi ako sayo, sa mga pagkukulang ko. Pero ngayon, hayaan mo muna kong iparamdam sayo na mahal na mahal kita." Sabi nya at naglakad na kame papunta sa kotse nya. Nagbago na, yung kotse nya. Pinagbukas nya ko ng pinto at ngumiti.

Inistart na nya yung kotse.

Buong byahe, tahimik kame. Hinawakan nya lang ng mahigpit ang kamay ko. Di sya nagsasalita. Nakangiti sya pero makikita mo na may lungkot sa mata nya. Di ko alam kung alam nya ba na makikipaghiwalay ako o ano. Nakarating kami dun ng tahimik pa din. Pinagbuksan nya ko ng pinto.

"Sam. Mahal na mahal kita, lagi mong tatandaan yan." Hinawakan nya yung kamay ko, napapikit nalang ako. Nagguilty ako pero gusto ko.

Pagpasok namen, nakita ko yung effort nya para dito. May candle light sa lamesa. Nang lumapit kame, nakita ko yung mga pictures namen noon na nakasabit. Tumingin ako sa kamay namen na magkahawak at sa mukha nya na nakangiti.

"S-sean.. Pano--"

"Sssshhh. Sabi ko sayo,ienjoy natin lahat ng to diba?" Sabi nya.

Dinala nya ko sa upuan, pinaupo nya ko. At binigay nya yung flowers. Biglang tumugtog ang familiar na song.

"Natatandaan mo pa ba yang kanta na yan? Yan yung kinanta ko sayo nung aniv. naten diba." Sinabi nya at umupo.

Dumating yung waiter, ibinigay ko yung inorder ko. Ganun din si Sean.

"Kamusta ka na baby? Anong ng kinukuha mo?

"Ahm.. Nursing, okay naman ako. Ikaw? Kamusta ka na?" Ayokong sirain tong araw nya. Siguro may iba pang time para dun.

"Okay naman baby, alam mo ba na ako na naghhandle ng company namen sa states." Sabi nya ng masaya, pangarap nya to. Oo dati kinkwento nya na gusto nya ganto. Gusto nya ganyan. Kaya masaya ko para saknya.

"Masaya ko para sayo, na natupad mo na yung pangarap mo." Sabi ko nang nakatingin sakanya.

"Pero di pa ko kuntento. Gusto kong bumawi sayo. Sa pagkukulang ko." Sabi nya.

"Marami akong gustong itanong sayo peri halata na masaya ka naman" sabi ko sakanya at yumuko para mapigilan ang pagtulo mg luha ko.

"Sayaw tayo?" Sabi nya at hinawakan ang kamay ko. Tumayo na ko. Nilagay ko yung kamay ko sa leeg na at sya naman sa bewang ko.

"Alam kong madami akong di nasasabi sayo. Mahal na mahal kita kahit anong mangyari. Alam mo sa araw araw na wala tayong usap di ko kinakaya. Iniisip ko na para sakin to sa ikakabuti ko at sayo." Sabi nya ng seryoso. Sya pa din yung minahal kong Sean Mendez.

"B-bakit wala kang message man lang sakin?" Sabi ko.

"Hindi ako pinayagan ni Mommy, para makapag focus ako sa pagaaral ko." Sabi nya. Ewan ko pero parang di ako kuntento eh.

"D-di ka man lang ba gumawa ng paraan?"

"Gumawa ako, sumusulat ako pero hinaharangan ni mama yun." Ayaw sakin ni tita? Pero bat noon? Sibrang tuwa nya sakin?

"Bakit bigla nalang syang naging ganun?" Tanong ko.

"Basta ang mahalaga, magkasama tayo. Masaya ako na nakasama kita. Sulitin natin ang araw na magkasama tayo. At ngayong andito ako susulitin natin lahat ng to. Gusto ko ngayon andito ako, ako lang. Walang iba. Selfish na kung selfish. Mahal na mahal kita Sam. Gagawin ko lahat para sayo, kahit na ikam-matay ko pa. Tandaan mo yan mamahalin kita kahit mamatay na ko" sabi nya, tumulo ang luha nya at unti unting lumapit sakin para halikan ako. Lumakas ang kabog mg dibdib ko, nagdikit ang labi namen. Hinalikan nya ko ng dahan dahan ramdam ko ang pagkasabik nya. Di ko na alam ang mangyayari, kung tama pa ba to. Mahal ko si Ash pero may feelings pa ko kay Sean. Malandi ba kung tignan? Kung kayo nasa sitwasyon ko di nyo din alam gagawin nyo.

Tinigil na nya ang paghalik at ngumiti. Tumulo ang luha ko at pinunasan nya ito.

"I will always love you, alam kong baduy pero ganto kalakas tama mo sakin. I was so inlove with you Sam Dela Fuerte..."

ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon