Ch. 8

1.3K 14 0
                                    

Sam's POV

Nagising ako ng bigla nalang may kumatok sa kwarto.

"Ate! Ate! Si Kuya Ash andito!" Sabi ni Anya habang nakatok.

Napabigla ako ng tayo. Dumiretso na ko sa banyo kahit sobrang antok ko. Pag labas ko ay nakita ko si Ash na nakaupo sa kama at may tinitignan sa drawer ko.

"Hoy pakialamerong unggoy! Anong hinahanap mo dyn ha!" Sabi ko sabay nato ng tsinelas ko. Di namanasakit kasi pambahay lang sya.

"Makabato. Yak may muta ka pang bata ka! Ewww!" Sabi nya ng parang bata.

"Huh? Weh? Kakahilamos ko lang eh" sabi ko at diretso sa salamin.

"Joke lang, hanggang ngayon uto uto ka pa din no!" Sabi nya ng tumatawa.

"Tawa tawa ka dyan. Bat ka ba andito? Tong unggoy na to." Sabi ko at lumapit sakanya.

"Magagagala tayo namiss na kitang baliw ka eh. Busy ka kasi kay SEAN NA GA*O" sabi nya at ginulo buhok ko.

"Makagag* ka mehn! Sino kaya tong busy kay Jas." Sabi ko at bigla nalang naalala yung nakita ko.

"Kaya nga andito ko ngayon kase aalis sila ng family nya! Kaya magbihis ka na para makaalis na tayo" Sabi nya.

"San ba punta naten?" Tanong ko.

"Sa burol naten tas dun tayo sa tree house. Nakakamiss na yun, linggo linggo pinapalinis ko yun!"

"Walang nagtatanong Ash. Layas ka na nga, maliligo pa ko! Shooo!" Sabay tulak ko sakanya palabas.

"Sama mong baliw ka ha!" Sabi nya at lumabas na.

Umupo ako sa salamin at napangiti. Wala pa ding pinagbago si Ash. Tinext ko si Sean na aalis kame. Sabi nya na magingat daw kame. At itext ko sya, kilala nama nya si Ash eh, dati pa.

Naligo at nagbihis na ko after nun bumaba na ko at nakitang nakikiagtawanan si Ash kay Anya sa pinapanood nila.

"Anya, si mama?" Tanong ko sa kapatid ko.

"Umalis sila ni Papa kaninang madaling araw sabi ni yaya. May bussiness trip daw sa France. 2 to 3 weeks sila dun."

"Ah. Oy unggoy tara na. Alis na kame, anya wag kang basta alis ng alis. Magpaalam ka at magtext ka sakin" paalala ko sa kapatid ko. Tumango nalang sya, at lumabas na kame ni Ash.

"Mahigpit ka sa kapatid no bantot?" Sabi nya at inakbayan ako. May kung anong kumikiliti sa tyan ko. HOY MAGSITIGIL KAYO.

"Alam mo baho, natural yun. Ayokong may mangyari sa kapatid ko." Sabi ko, pinagbuksan nya ko ng kotse.

Pagkapasok ko nakita ko yung picture namen at nila ni Jas na nakasabit. May kung anong tumusok sa puso ko or ewan at may kung anong kiliti ng makita ko picture namen.

"Ang ganda ko baho. Ako nagdala nito sa picture naten" sabi ko nang natatawa.

"Bantot, di ka gaganda kung wala ako dyan." Sabi nya at inistart ang kotse.

"So, baho. Kamusta naman kayo ni Jas?" Tanong ko sakanya.

"Okay naman kame, minsan nga lang di na kame nagkakasama. Lagi silang naalis ng family nya eh" sabi nya habang diretsong nakatingin sa daanan.

"Alam moba kung san napunta?" Tanong ko. Sasabihin ko ba talaga nakita ko?

"Hindi, basta sabi nya sa resto daw." Sabi nang nagkibit balikat.

"Ah.." Confirmed. Kasi kung family nya kasama eh bat dalawa lang sila?

"Eh ikaw. Kamusta kayo nung Sean na yun. Di ka pa mkikipaghiwalay dun?"

"Naguguilty na nga ko Ash." Sabi ko.

"Bat kase ayaw mo pa makipaghiwalay?"

"Di ko alam. May part sakin na ayaw ko at may part na gusto ko." Sabi ko. Nakarating na kame sa tree house namen. Di naman sya kalayuan sa bahay namen kase sila papa nagpagawa nito noon. Simula 4 years old eh magbestfriend na kami nito.

Dumiretso na kame sa tree house at may mga pagkain na din.

"Oh pinaghandaan ko yan pra sayo." Sabi nya at ngumiti at tinaas baba ang kilay.

Napangiti ako, kinikilig? Siguro.

"Naks, alam mo talaga mga pagkain na gusto ko ha!" Sabi ko at upo sa lamesa na katapat nun ay overlooking na syudad.

"Oo naman. Oh kainin mo ako gumawa nyan." Sabi nya at bigay ng tuna sandwich saken at inakbayan ako.

"Nakakamiss yung ganto no bantot. Yung walang problema, yung naglalaro lng tayo."

Sabi nya.

"Oo nga eh, yung walang sakit na nararamdaman." Sabi ko. Napatingin sya sakin.

"Bakit? May nananakita ba sayo? Sino si Sean?"

"No. Hindi si Sean." Sabi ko. Ikaw yun Ash. Ikaw.

"Eh sino?" Sabi nya habang nakatingin sakin. Di ako makatingin sakanya kaya tumingin na ko sa labas.

"Nasasaktan ako, kasi ako yung nandito para sakanya pero baliwala ako." Sabi ko at kagat ng sandwich.

"Sino ba sya? Kilala ko ba?" Sabi nya. Oo ikaw yun eh.

"Pero wala, di naman lahat ng gusto nating mangyari eh mangyayari." Sabi ko at ngumiti.

"Gusto mo sapukin ko? Aba!" Sabi nya at tumayo na tila naghahamon ng away. Napangiti ako at sinapok yung dibdib nya.

"Ang dami mong alam, maligo lang hindi hahahahaha" sabi ko at takbo palbas ng tree house kasi alam kong hahabulin ako nito.

"AH GANUN? HUMANDA KA. MARARAMDAMAN MO ULIT ANG KILITI NI MR. SIOPAO!" Sigaw nya at hinabol ako.

"AS IF MAHABOL MO SI MS. SIOMAI? HAHAHAHAHAHA" Sigaw ko habang natakbo.

"GOTCHA----"

"AAAAAAHHHHHH HAHAHAHAHA WAIT LANG HAHAHSAHAHAHAHAHA TAMA NA HAHAHAHAHAHAHAH----"

"PANO BA YAN MS. SIOMAI NAHABOL KITA!" sabi nya habang kinikiliti ako.

"HAHAHAHA OMAYGHAAD TAMA NAAAA HAHAHAHAHA OO NAAAAA!" Tinigil na nya at parehas kaming hinihingal. Napahiga kame sa damuhan ng tumatawa.

"Hahahaha nakakamiss no Sam. Hay nako" sabi nya.

"Kung sana ganito nalang, yung walang problema wala tayong iniintindi. Yung ang problema lang natin ay kung asan na yung candy na kinain nila yaya palagi. Hahahahaha" sabi ko at umupo. Habang sya naman nakahiga pa din.

Sana nga, sana di ko nalang hinayaan sarili ko na mahulog sayo. Na mahulog sa taong di ka gusto. Kasi yun ang natutunan ko, mahirap mahulog sa tao na kailanman di ka magugustuhan at alam mo sa sarili mo na wala ng pagasa pero ang tangi mo lang magagawa ay hayaan na mahulog ka sakanya at hayaang mapagod ka. Dahil once na napagod ka, marerealize mo na sobra na pala...

ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon