Naisipan kong tawagan si Ash. At nakita kong kinuha nya ang phone nya, nagaalinlangan pa syang sagutin yon, tinignan yon ni Jasmine at umirap. Sinagot naman ni Ash yon."Ash, a-asan ka?" Tanong ko.
"Nasa work nga ako diba. Bakit?" Sagot nya at may sinenyad pa sya kay Jasmine na nagsasabing wait. Umirap ulit si Jasmine.
"A-ah.. Okay" sabi ko at binaba na agad. Tumulo bigla ag luha ko agad akong dinaluhan ng mga kaibigan ko.
"All this time yan ang ginagawa nya..." Sabi ko at napayuko nalang. Buti at tapos na sa paglalagay ng nail polish si Ateng naglilinis.
Di ako makapaniwala, bakit bakit di ko nakita yon? Ganto na ba ko katanga?
"Sshh.. Lets go Sam, ihahatid ka na namin." Tumango nalang ako at nakayukong naglakad. Di na muli magsalita sila Jaina at Hannah, nakikita konh tinitignan lang nila ko sa salamin dahil sa likod ako at silang dalawa ay nasa unahan. Napapabuntong hininga na lamang sila. Nang makarating sa bahay ay nagthank you ako sakanila. Alalang alalala sila sakin dahil baka ao daw gawin ko.
"Oh please wala kong gagawin na ano." Sabi ko at pumasok na, tumango nalang sila
Pagdating ko ay dumiretso na ko sa bahay. Nakita ako ng kapatid ko pero di na sya nagtanong. Pagpasok ko sa kwarto ay napaupo nalang ako sa sofa at tinignan ang picture namin ni Ash sa study table ko.Anong nagawa ko? Anong pagkukulang ko Ash? Tanga mo Sam, alam mong una palang posibleng Rebound ka lang.. Pero hinayaan mo. Kasalanan mo din to..
![](https://img.wattpad.com/cover/29601158-288-k22434.jpg)
BINABASA MO ANG
Rebound
Teen FictionAng tanga ko! Ang tanga ko para maniwala na may pagasa tayo! Ang tanga ko kasi umasa ako na akala ko mahal mo ako... pero bakit... bakit ginamit mo ko? Andyan naman ako para sayo diba? Ako yung kasama mo sa lahat...