Ch. 20

1.1K 7 0
                                    


"Tita.."
Yun nalang ang nasabi ko matapos mabasa ang sulat ni Sean para sakin. After all this time akala ko niloko nya ko, yun pala he was suffering from Brain Cancer?

"Ija, yan ang naging dahilan kung bakit kami umalis dahil nga malubha na at di na kaya ng ibang doctor dito. Nang nakarating kami don naayos naman na naoperahan si Sean. Ngunit after a year bumabalik ang sakit ng ulo nya. And then, nalaman namin na bumalik to pero ayaw na ni Sean magpagamot dahil siguto iniisip nya na magastos na to at wala na ring magagawa." Paliwanag nya sakin ng humihikbi.

"P-pero bakit di nya po sinabi sakin?"

"Di nya pinaalam sayo kasi ayaw nyang magaalala ka, at yung mga sulat? Na sinabi nyang di nya natatanggap? Natatanggap nya yon pero ayaw nyang sagutin ang sulat mo, maging sa social networking sites nya. Binalak kong sabihin yon sayo pero ayaw nya at nung nalaman nya na pumunta ko sainyo, ay nagalit sya lalo sakin."

"Tita, kaya sya bumalik dito--"

"Oo yun ang hiling nya, makita ka at iparamdam sayo na mahal ka nya. Im sorry ija, ayaw nya talagang ipaalam sayo lalo na't masaya ka na kay Ash." Mangiyakngiyak na sabi ni Tita.

Wala akong naisagot, tumungo nalamang ako. Napagalaman ko na kakauwi lang ni tita from states 4 days ago and namatay si Sean ay magiisang linggo na. Bumalik ako sa bahay ng dala ang mga regalo na inipon ni Sean para sakin. Kung alam ko lang...

Nakailang tawag sakin si Ash ngunit di ko magawang sagutin. Tinext ko nalang sya na nakatulog ako at may family dinner kami.

Bakit Sean? Bakit di mo sinabi sakin? Bakit di mo pinaliwanag? Kung kailan huli na ang lahat? Handa naman akong alagaan ka noon... Huli na eh, huli na..

ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon