Ch. 15

1.1K 12 0
                                    

Sam's POV

"Ahm, Anthony. Pwedeng ikaw muna bahala dito? May pupuntahan lang akong importante? Please?" Sabi ko

"Bakit? San ka pupunta? Eh dadating yung investors ng company mamaya." Sabi nya. Ay oo nga pala. ASH NAMAN OH!

"Please? Saglit lang talaga ko promise!" I said.

"Okay, just text me-- oh wala pala kong number mo. So?" Sabi nya at binigay phone nya. Kinuha ko naman at tinype yung number ko.

"So, here" sabi ko at ngiti.

"Text kita para isave mo yung number ko. And text mo ko if pabalik ka na dito." Sabi nya. Tumango ako at nagthank you sakanya. Mabait din naman sya, hilig nya lang ako pagtripan. Kagaya dati, sya kasi yung kalaro ko dati nung nagstates kame. Lagi nya kong inaaway pero kahit ganun crush ko pa din sya NOON. Hahahaha Okay, gwapo sya at lalong gumwapo ngayon.

Nakarating na ko sa Tree house namen. Nakabukas yung ilaw, pagpasok ko nakita ko yung bote ng alak. W-wait?

"Ash! Ano na naman to?" Sabi ko ng makitang nakatulala. May problema to, di to magkakaganto kung wala.

"Manloloko.. Traydor.." Sabi nya ng nakatulala pa din, lumapit ako sakanya.

"Anong nangyari? Nagaway na naman ba kayo?" Tanong ko.

"Sam, bat ganun? Di naman ako nagkulang ah?" Sabi nya at tingin sakin. Kitang kita mo yung lungkot sa mata nya.

"Di ka nagkulang, sya ay may problema" Sabi ko at niyakap sya. Naiiyak ako kasi nagkakaganto sya sa isang maling babae.

"EH TAN*IN* NILA NILOKO NILA KO! MGA MANLOLOKO! BINIGAY KO LAHAT HALOS MAWALAN NA KO NG TIME PARA SAKANYA! TAPOS ANO? IIWAN AKO! TANGA TANGA TANGA!" sigaw nya habang sinusuntok yung pader ng tree house namen. Pinipigilan ko sya pero di ko kaya.

"TAMA NA! TAMA NA ASH! ANO BA! TA--ma naaa..." nasasaktan ako sa ginagawa nya.

"AAAAAAHHHHHHHHHHHHH----"

"ASH TAMA NA! ANO BA! SA TINGI MO PAG NASIRA TONG TREE HOUSE NATEN BABALIKAN KA NYA?! ASH KAHIT TUMALON KA SA BUILDING WALA KA NANG MAGAGAWA! WALA----" sigaw ko na napapaos na.

"TUMIGIL KAAA! SHUT UPPPP! BAKIT BA HA? IKAW BA INIWAN? BAKIT BA NAKIKIALAM KA? TAN*G*NA WALA KANG ALAM SA NARARAMDAMAN KO!" sigaw nya sakin, napaurong nalang ako sa dingding. Umiiyak na ko, hindi sya to. Hindi.

"LAHAT NALANG NG TAO INIIWAN AKO KAYA IKAW SIGE KUNG GUSTO MO NA UMALIS! UMALIS KA NA SA BUHAY KO! HINDI KITA KAILANGAN UMALIS KA NA SA BUHAY KOOOO!" sigaw nya sakin, napaupo nalang sya sa sahig habang naiyak. A-ano bang nagyayari sakanya! Pinapaalis nya ko sa buhay nya?

"BAKIT BA GANYAN KA ASH? GUSTO MONG IWAN KITA? GUSTO MONG UMALIS AKO SA BUHAY MO? EH GA*GO KA PALA! EDI SANA MATAGAL KO NANG GINAWA? MATAGAL KO NANG GINAWA! PERO WALA EH HINDI KO KAYA ALAM MO KUNG BAKIT? KASI ETONG TANGA MONG BESTFRIEND MAHAL KA NA! KAHIT SABIHIN KO SA SARILI KONG SOBRA NA! SOBRA NA! KAHIT ISANG TEXT MO, KAHIT MAY INVESTORS AKONG KAILANGAN KAUSAPIN SIGE BASTA PAG SI ASH GO AKO! PERO TA*G*INA ASH ANG MANHID MO! PERO WALA EH, LAHAT NANG NAGMAMAHAL NAGPAPAKATANGA DIBA? KAYA OO TANGA NA! PERO MAHAL KITA!KUNG SINO PA YUNG LAGING ANDITO PARA SAYO YUN PA SINASAKTAN MO!" sigaw ko, nagulat ako sa sinabi ko. Oo nagpadalos dalos na ko. Ang sakit na eh! Ang sakit. Tumayo si Ash nang narinig nya yun, unti unti syang lumapit sakin.

"Sam.. Sorry, im s-sorry" sabi nya. Umalis ako, nilagpasan ko sya. Di ko kayang harapin sya dahil sa sinabi ko.

*ringggg...ringg...*

Anthony Calling...

bago ko sagutin, lumabas na ko. Pinunasan ko muna yung luha ko, at kinalma ang sarili ko.

"h-hello Anthony" sabi ko na inaayos yung boses ko para di nya mahalata.

"Sam okay ka lang? bat parang umiiyak ka?"

"O-okay lang ako. Oh bat ka tumawag?"

"Andito na kasi yung mga investors, ikaw ang hinahanap nila." hindi ako pwedeng humarap sakanila ng ganto.

"ah, anthony? Pwedeng ikaw na muna yung humarap sakanila? Pagod kasi ako." sabi ko.

"O-okay sure. Ako na bahala, take a rest. okay bye" sabay baba ng phone.

Dumiretso ako sa kotse, nagpahatid ako kay manong sa condo ko. Nang nakarating ako, agad akong humiga sa kama.

Tama ba na nag tapat na ko? Pano kung layuan nya ko? Anong gagawin ko? Makakaya ko ba?

ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon