Ch. 6

1.5K 8 0
                                    

Sam's POV.

Pagkatapos nung pangyayari na yun kagabi, hinatid na nya ko. Madami kaming napagusapan. Tungkol sa bagay bagay, hindi ko nga naisip na makikipaghiwalay ako. Andito ako ngayon sa kwarto, balak kong tawagan si Ash para sabihin yun peri baka kasama nya si Jasmine. Ayoko naman sabihin kila Hannah at Jaina kase baka mamaya sermonan ako at batukan ng mga yun. Brutal talaga sila.

Napagisipan ko nalang bumaba para kumain, naiistress ako. Buti nalang linggo ngayon at walang pasok. Mamayang gabi magsisimba ko para naman mabawasan kasalanan ko. Hahahaha

"Hi yaya! Ano pagkain naten? Nagugutom ako eh" sabi ko kay yaya na ngayon ay umiinom ng kape.

"Eto neng meron ditong cake dala kagabi ni Anya." Sabay bigay ng Red ribbon na chocolate cake.

"Bat ya? San galing si Anya?" Tanong ko sabay kuha ng cake.

"May sumundo na lalaki eh, sa pagkakarinig ko nanliligaw sakanya." Sabi ni yaya.

Woah? Luma-love life na kapatid ko? At pinayagan ni mama ha!

"Pinayagan sya ni mama? Sino daw yung lalaki?" Tanong at kumagat ng cake.

"Oo, ano nga ba yun. Avan? Van? Ay ayun Ivan!" Saad ni yaya.

"NAKS, gumaganon kapatid ko ha!" Sabi ko biglang nagring phone ko.

Ash Callingg...

"Hello ash?"

"Sam! Ano nangyari? Sabi ko sayo magtext ka saken eh. Ano binastos ka b--"

"CHILL BRO! CHILL! ano kase nga, di ako nakipaghiwalay. Babawi daw sya saken eh."

"So naniwala ka? Ganun? Pagtapos ka nyang iwanan ganun ganun lang?"

"Eh kasi nga hinaharamg DAW ng mama nya yung mga sulay nya sakin at yung sa phone naman di sya pinapayagam kase nga para focus DAW sa school! Parang dati lang okay ako sa mama nya eh." Sabi ko sabay kuha nung cake at punta sa garden. Umup ako dun.

"Ganun lang? Hay nako ewan ko sayo Sam! Kung di ka pang babae nasuntok na kita sa katangahan mo" sabi nya at napabuntong hininga.

"Grabe to! Naawa ako sa kanya. Ewan ko kung awa ba o may feelings pa ko dun."

"Awa nalang yan, wala ka ng feelings dun! Osge aalis kame nila Mama. Gusto mo sama ka? Kasama si Jasmine eh." Sabi nya.

AH SO GANUN? ANO KO? SABIT LANG! DI NA LANG ASH!

"nako di na. Sge babye!" Sabi ko sabay baba ng phone.

Hay nako Ash Garcia.

"WAAAAAAAAHHHH! ANG TANGA MOOOOO! WOHOOOOO!" sgaw ko sa sarili ko.

"OH NGAYON NAMAN SINABI KO NA TANGA KO WALANG MANLANG KUMONTRA?! ANO!" sigaw.

"HOY ATE ALAM KONG TANGA KA PERO WAG MO NG IPAGSIGAWAN KASE MASASAKTAN KA LANG SA KATOTOHANAN!" Sigaw ng napakagaling kong kapatid na ngayon eh nasa pool.

Lumipas ang ilang linggo...

Araw araw akong hinahatid at sundo ni Sean. Like omg bumabawi talaga. At dahik dun lalo akong naguguilty sa ginagawa ko. Kasi pav sinasbi ko sakanya puputulin nya paguusap namen at iibahin usapan. Kya walang kong mahanap na tyempo. Pero minsan, sumasakit ulo nya at nagmamadaling umalis. Ang sabi nya malabo na daw mata nya kaya nasakit ulo. Oo nga, nakasalamin na kasi sya eh. Ngayon, bakasyon na. Ang bilis no? 3rd year na ko next year. Si Ash naman, minsan nagkikita kame. Ayun, masaya naman sila ni Jasmine Sus. Bahala kayo! WALA NAMANG FOREVER EH! Ang bitter naman ng dating ko dun.

Nasa kwarto ako at nkahiga. Nakakatamad dito. So tinawagan ko sila Hannah para maggala kame sa Mall. Syempre pumayag sila basta daw libre ko sila ng pagkain. Oh diba? Agad na kong nagbihis kase susunduin ko sila sa labas ng Village nila. Magkaparehas sila ng village

Wala si Mama ngayon, nasa office sguro kasama si Papa. Si Anya kasama si Ivan, well sila na nga ata. Ayoko namang makialam as long as di sya sinasaktan.

Nagpaalam na ko kay Yaya na aalis ako.

Di pa nga pala alam ni Hannah na yung tungkol dun samin ni Sean. Di kasi kame masyadong nagkikita sa School. Iba kase kinukuha nilang course.

ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon