ZYZA P.O.V
AGAD KONG tinuyo ang luha ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko, kanina pa. Madaming bumubuong tanong sa isip ko pero ni isa hindi masagot sagot.
Kaya ba niya hindi tinatanggal ang sekretarya niya dahil babae niya yun?
Mahal niya ba ako?
Hindi ko na alam ang gagawin ko, tatahan ako at maya maya ay iiyak.___F L A S H B A C K__
DAPAT ba akong bumalik? Para malinawan ako sa mga nakita ko?
Hindi ko alam ang gagawin ko, nag dra-drive ako at di ko alam kung saan ako pupunta.
Itinigil ko ang sasakyan ko sa harap ng Mall. Nakita ko ang babaeng dahilan ng pag ka ulira ko.
Ang sekretarya ni Dhylan.
Lumapit ako kung nasaan siya. Iintayin ko siyang lumapit sakin, nag akto akong may ginagawa at kinakalikot ang phone ko.
Maya maya ay lumapit siya, hinampas niya ang lamesang harap ko.
"Ikaw yun 'di ba?" naka ngisi niyang sabi at umupo sa harap ko. "So you're Dhylan's girlfriend?"
Nag matapang ako, "Ikaw yun 'di ba?!" namamangha akong tumawa. "Grabe! Ang lakas ng loob mo!"
"I just want to give you this." ibinigay niya ang isang kahon sakin. Agad ko namang binuksan iyon
Bracelet.
"Para saan?" tanong ko.
"Para sayo. Ibibigay ko 'yan para sayo. Binigay sakin ni Dhylan yan e."
"Anong gagawin ko dito?"
"Suotin? Kung ayaw mo itapon mo." sarskasmo niyang sabi
Agad ko namang tinapon sa gilid ko yung bracelet, kita ko ang paglaki ng mata niya.
—E N D O F F L A S H B A C K—
Pumunta ako sa salas kung nasaan si Dhylan.
Agad naman nila kaming iniwan. Umupo ako sa couch.
Laking gulat ko nalang ng ngumiti si Dhylan at may inilabas.
Uyun yung box kanina ah?!
Bibigyan niya kami?! Pareho!?
"M-May ibibi—"
"Hindi tayo okay kaya wag mo'kong bigyan ng basura." inis na sabi ko. Halata sa mukha niya ang pag kahiya.
Ilang segundo kaming nilamon ng katahimikan.
"Wala ka ng ibang sasabihin?" tumayo ako. "Bye."
Lumabas ako ng bahay, at siya naman ay naka tanga dun sa loob. Inironda ko ang kotse ko. Hindi ko alan kung saan ako pupunta.
Bakit niya binigay sakin yun!? Dalawa kami?! Dalawa!!
DHYLAN P.O.V
Nanliwanag ang mata ko ng makita si Zyza. Agad kaming iniwan nila Aelysha para makapag usap.
Kita ko ang mga mata niya na namumula.
Dhylan ano bang ginawa mo!?
Ngumiti ako sa kanya, inilabas ko ang box na pinabili ko mismo kay Shaina kani-kanina lang sa mall.
Kita kong namilog ang mga mata niya ng nakita ang box.
"M-may ibibi—"
"Hindi tayo okay kaya wag mo'kong bigyan bg basura."

BINABASA MO ANG
Arrange Marriage with Maniac School King [Season 1]
RomanceCOMPLETED/EDITING Prince - a perfect definition of the word 'Perfect', Mayaman, Matalino, o mabait? Weh? Ngunit sa kabila ng kasikatan ng lalaki, mayroon siyang makikilalang babae na bibihag sa puso niyang ligaw. Yesha -A very perfect woman with a...