Continuation of CHAPTER 70
She's backHAROLD P.O.V
Kinuha ko ang isang pares ng kwintas at pinakita kay Patricia. "How about this one?"
"Ayoko nga, wag kana mag abala. I'm here to buy this one." tukoy niya sa pares ng earrings. "Ang ganda noh? Alam mo kasi yung huling stock niyan nung isang araw nakuha nung babae sa engagement party e."
Tumaas ang isa kong kilay, "Trixie?"
"Oum." tumamgo siya. "Nakakahiya kaya kasi i think mas bagay sa kanya yun. Pero bagay naman sakin di ba?" sabi niya sabay lingon sa tindera.
Lumabas kami ng store at nag lakad lakad sa loob ng mall. "Alam mo ba? Nakakainis kasi lagi nalang ako nauunahan."
Sumimangot siya. "Let's buy a couple shirts!"
Ngumiti nalang ako at tumango. Pumunta kami sa isang sikat na pamilihan, sakto at konti palang ang tao doon.
"Hey look! She's here!"
Agadan akong lumingon sa tinuro niya at kitang kita ko si Trixie sa di kalayuan at bumibili ng gamit pang baby.
Agad akong hinila ni Patricia papunta sa gawi niya, kita kong gulat na gulat si Trixie at parang gusto na tumakbo papalayo samin.
"Andito ka pala?" nakangiting sabi ni Patricia at dumungaw sa basket ni Trixie na nag lalaman ng color pink at blue na baby shirts. "Babae ba gender niya? O lalake?"
"K-Kambal.." lumingon din sakin si Trixie.
Sobrang kakaiba pa din ng pakiramdam ko pag kaharap ko siya.
"Kambal?! Talaga?" pumalakpak pa si Patricia. "Sino kasama mo? Asan ang daddy?" lumingon pa ako salikod niy ngunit wala siyang kasama.
"A-Ako lang, kaya ko naman."
Sumimangot si Patricia. "Sige bibili din kami e, una muna kami."
Hinila ako ni Patricia, "Alam mo, kawawa siya. Walang kwenta yung lalaki, sana naman sinamahan niya yung girlfriend o asawa niya noh?"
Wala akong nagawa kung hindi tumango lang. Wala naman akong alam sa babaeng yun simula noong nag kahiwalay kami at nag pakasal siya.
"Tapos kakaiba yung tingin niya sayo." sabi ni Patricia habang nag lalakad kami. "Kaya hinila na kita, ang creepy kasi. Tapos ikaw din tong lumalaban sa tingin niya nakipag titigan ka din." tumawa si Patricia.
Tumigil kami sa isang maliit na mesa sa food court. "M-Mag ccr muna ako."
Tumango lang siya at inilapag ang bag niya sa lamesa sunod ay umupo.
Hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun, hindi naman ako naiihi o kung ano pa.
Pumunta nalang ako sa comfort room ar nag hugas ng kamay, pagtapos ko mag tuyo ng kamay ay agad akong bumalik sa lamesa kung saan si Patricia.
Laki gulat ko nalang ng makita siyang sinisigawan ang isa sa mga food service, basa ang white plain t-shirt na niregalo ko sa kaniga abot sa pantalon niyang color black.
"Inutil ka!" duro niya sa medyo matandang babae. "Bakit hindi mo nalang kasi banawi agad?! At bakit mo talagang isinubsob yang sarili mo sakin?! Ano sa tingin mo? Mabango? Amoy squatter ka!"
Hinawakan ko siya sa balikat at bumulong. "What's going on?"
Ngayon ko lamang siyang nakitang galit na galit.
Doon na siya natauhan ng makita niya ako sa tabi niya. "Yung gift mo, namantsahan na."
"S-Sorry po talaga ma'am.. Nawalan lang ako ng balanse."
BINABASA MO ANG
Arrange Marriage with Maniac School King [Season 1]
RomanceCOMPLETED/EDITING Prince - a perfect definition of the word 'Perfect', Mayaman, Matalino, o mabait? Weh? Ngunit sa kabila ng kasikatan ng lalaki, mayroon siyang makikilalang babae na bibihag sa puso niyang ligaw. Yesha -A very perfect woman with a...