AELYSHA P.O.V
Nagising ako sa bukas ng pinto. Mabango ang nasagap kong amoy kaya alam kong si Prince iyon.
Saan siya galing?
Hindi ko na siya pinansin at pinilit kong matulog nalang ulit. Naka talikod ako sa kanya matulog ngayon hindi katulad ng mga nakaraang araw na naka harap, ah basta. Nag tatampo ako.
Ramdam ko ang pag higa niya at yakap sakin mula sa likuran.
Hindi ako nag mulat at nag desisyon nalang akong makiramdam sa gagawin niya.
Hinawi niya ang buhok ko at isinubsob ang mukha niya sa leeg ko. Nakakiliti ngunit hindi ako nag pahalata.
Inamoy amoy niya iyon, manyak talaga!
Hinawakn niya ang bewang ko at mariing isinubsob ang likod ko sa kanya.
"Sorry." rinig kong aniya.
Nag mulat ko at humarap sa kanya, laking gulat ko bg makitang nangingilid ang mga luha niya.
"Anong nangyari?"
"S-Sorry Yesha." ulit niya at hinawakan ang dalawang pisngi ko. "I-promise mo sa 'akin. M-Mag promised ka." paos na sabi niya.
"Ano? Anong nagawa mo? Bakit ka nag so-sorry? 'me babae ka!?"
"Basta mag promise ka." pilit niyang sabi.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano? Anong ipa-promise ko? Wag kang umiyak para kang bata!" saway ko at pinunasan ang luha niya.
Cute.
"Ipa-promise mo papakasalan mo ako."
"Oh? Papakasalan naman talaga ki—"
"Kahit anong mangyari." Natigilan ako sa sinabi niya. "Kahit anong magawa kong kasalanan, Yesha i-promise mo na ako pa din ang mahal mo." humikbi siya, parang bata. "Ipapromise mo na di moko iiwan kase—" humikbi ulit siya. "—Mahal na mahal kita."
Naawa ako sa mga mata niya, parang nag mamakaawa siya na i-promise ko iyon. Namumula ang mga mata niya, maski Ilong at Tenga.
"Ano munang nagawa mo?"
Yumuko siya at mahigpit akong niyakap. "I love you, Yesha. I love you. I love you. Mahal na mahal kita. Wag mo'kong iiwana—" humikbi siya. "Mahal na mahal kita."
"Malala ang nagawa mo noh?" di ko mapigilan mag tanong, base sa iyak niya ay napaka lala noon.
Bahagya siyang lumayo. "I love you." mariin niya akong niyakap.
Maya maya ay naramdaman kong tulog na siya. Hindi ko na alam ang susunod kong gagawin kung hindi mag isip.
Hanggang sa makatulog ako.
DHYLAN P.O.V
"BAT NIYA HINALIKAN?" tanong ko sa sarili ko habang naka dungaw sa pintuan nila Prince.
Nakahubad si Meilin! Naka hubad!
"Dhyla—"
Isang pamilyar na boses, agad akong lumingon at tinakpan abg bunganga ni Aso. "Unsa na?" mahina niyang usal.
Nginuso ko si Meilin. Laking laki ang mata ni Aso.
"Pukpok." mahinang bulong ni Aso.
Itinulak ni Prince si Meilin at dali daling humakbang pataas ng hagdan.
Nagulat ako ng biglaang pumasok si Aso sa pinto at pumunta sa kusina.
Dali dali niyang kinuha ang Kaldero at binato kay Meilin!

BINABASA MO ANG
Arrange Marriage with Maniac School King [Season 1]
RomanceCOMPLETED/EDITING Prince - a perfect definition of the word 'Perfect', Mayaman, Matalino, o mabait? Weh? Ngunit sa kabila ng kasikatan ng lalaki, mayroon siyang makikilalang babae na bibihag sa puso niyang ligaw. Yesha -A very perfect woman with a...