CHAPTER 70

698 40 3
                                    

CHAPTER 70
She's back.

5 Months Later..

AELYSHA P.O.V

Masaya ang lahat ngayon dahil Engagement Party ngayon at Tatlong buwan nalang ay ikakasal na kaming Anim. Oo, anim dahil napag desisyonan na pala nila na sabay sabay kaming mag papakasal maliban kay Harold.

Si Harold naman ay okay na ngayon, may magandang negosyo at katayuan sa buhay, at higit sa lahat may magandang relasyon.

Oo, tama ang nabasa niyo. Halos Dalawang buwan niya ng nililigawan si Patricia.

Kasalukuyan akong nakikipag usap sa mga bisita ng may yumakap sa likod ko.

"Yesha.." malambing na saad ni Prince sakin. "Ang bango bango mo."

"Manahimik ka nga, may bisita o." siniko ko ang dibdib niya lumuwag ang pag kakayakap niya sakin. Humarap ako sa kanya. "Asan ang Mommy mo?"

"Andun." turo niya sa malaking mesa, kitang kita na masayang masaya sila. Rinig na rinig ko pa ang tawa ni Mommy na parang wala ng bukas.

Humakbang ako papunta sa mesa nila Mommy, umupo ako don at sumunod naman si Prince na nakanguso.

"E alam mo ba kumare? Yang si Prince nung bata pa siya sinapak niya yang si Zyza!" kwento bg Mommy ni Prince at malakas na tumawa.

"Sinapak mo si Zyza?" di makapaniwalang tanong ko kay Prince.

Ngumisi si Prince. "Past is past." natatawa niyang sabi.

"Tapos nung first girlfriend niya, yung si Shaira? Alam mo ba nabalitaan kong buntis yun. Kawawang bata."

"Eh eto namang si Yesha, alam mo ba yan nung Elementary pa lang yan? Lagi yang nakatambay sa Principals office dahil tinutusok niya ng lapis sa mata yung mga kaklase niya!" tumawa si Mommy ng pagka lakas lakas napangiwi nalang ako sa mga kwento niya. Hayst.

"Bagay talaga sila! Parehas demonyo!" tumawa ng malakas ang dalawang nanay namin. Habang si Daddy at Tito  naman ay nag iinuman sa gilid.

"Alam mo yang anak ko, naaka bait ng batang yan." lasing na kwento ni Daddy.

"Me too! Sobrang swerte ko diyan sa panganay ko, walang arte yan sa buhay." kwento din ni Tito.

Iba iba ang kwento nila, sa paningin ni Mommy at Tita, demonyo kami kaya bagay kami. Sa paningin naman nila Daddy at Tito anghel kami.

Ngumiwi si Prince. "Asan ba sila Dhylan?" naiirita niyang sabi. "Ayaw kona dito masyadong maingay sila Mommy." reklamo niya.

"Hindi ako mag nanakaw!"

Sabat kaming napalingon 'ke Aso. Nakadamit pang bahay lang siya hawak hawak ang isang cupcake.

"Pst!" saway ko sa guards. "Pakawalan niyo, kilala namin yan."

Si Aso talaga, lagi na lang siyang napag kakamalang kriminal HAHA.

lumapit kami sa table nila Harold at Patrcia, kasama doon sila Dhylan, Zyza, Migs at Alli na masayang nag uusap.

"Hindi ko alam na dati pa pala kayo mag kakasama." nakangusong sambit ni Patricia. "Dapat sana ay dati pa tayo mag kasama!"

Sa aming tatlo ni Alli, ako at Zyza. Si Zyza ang pinaka malapit niya samin. Madalas sila mag shopping or anything.

Mabait talaga si Patricia, model pala siya sa isang sikat na perfume at magazine sa United States.

"Hey guys!!" kumakaway na sigaw ni Venus sa di kalayuan, siya na din ang bago naming friend. Maarte pero naha-handle naman, bukod don. Hindi pala siya kasing edad namin! She's 18 years old!

Umupo siya sa tabi ni Lian na kasalukuyang kumakain. "Hello sweetie! I have a gift for you sweetie!" binigay niya kay ang gold na kahon na tanging dala niya bukod sa maliit na slim bag.

"Yung anak ko may regalo tapos kaming ikakasal wala?" reklamo ni Migs

Ngumuso si Venus. "Gaga! Ang sabi niya kasi last time she wants some apple! Kaya ayan..." bumaling siya kay Lian. "Baby girl if kulang pa yan don't worry i have a bunch of apples pa!"

Nakakunot noong binuksan ni Lian ang kahon.

Apple? Mansanas? Nasa kahon?

"Apol ba yan?" kwestyon ni Aso na sumisilip din habang binubuksan ni Lian ang kahon.

"iPhone?"

Bumaling ako sa kay Lian na may hawak na napakagandang IPhone na kulay Gold! May diyamante din ito.

"Yeah! Apple! Do you like it? That's the most expensive one sweetie! 24 carats of Gold and 137 Diamonds IPhone 11." naka ngiting sabi ni Venus

"Magkano kaya isangla yan?" saad ni Migs

"But.." sabi ni Lian. "I want a true Apple."

"Yeah! Hindi yan peke noh! Anong akala mo sakin? Wag kana mag thank you ha? Binigay ko yan sayo ng buong puso with love."

Tumaas ang gilid ng labi ni Lian at nilapag ang iPhone sa lamesa, nag patuloy nalang siyang kumain.

"And meron pala akong kasama, she's my Lovely Nephew."

"Woah!" sabi ni Patricia at pumalakpak. "Where is she?"

"Parating na siya, and she's cool e, akalain mo kilala niya kayong lahat?"

Kumunot ang noo ko.

"Ako? Kilala niya ako?" na eexcite na sabi ni Patricia.

"Hindi syempre." natatawang sabi ni Venus at luminga linga sa paligid. "Oh? she's here." naka ngiti niyang sabi.

Sabay bumilog ang mga mata ko at bibig.

Oh my gosh! Pamilyar siya! Kilala ko siya!

Siya yung madre hindi ba?

"Hello!" kumakaway habang matamis na nakangiti si Patricia, ang isang kamay niya ay nakakapit pa din kay Harold na kasalukuyang tahimik na kumakain.

"Oh fuck." rinig kongahinang usal ni Migs.

Mabilis na lumingon si Harold kay Migs ng marinig iyon, mabilis din siyang lumingon sa babaeng bagong dating!

"Hey!" tawag pansin ni Patricia. "Have a seat na! I have a very very special announcement, since madami na tayo pwede ko na yun sabihin!" na eexcite pa din na sabi ni Patricia

Bumaling ulit ako kay Harold, teka? Kung maka tingin siya sa babae ay parang di niya ito kilala?

"Have a seat, Mary." anyaya ni Venus. "Dali! Excited na ako sa special announcement netong gagang to!" sabay turo niya kay Patricia

Palipat lipat ang tingin ko, sa Trixie, kay Harold, kay Venus at Patricia.

"Mommy i'm sleepy na." basag ni Lian sa katahimikan.

Yung Trixie naman ay seryosong naka tingin lang kay Harold at unti unting umupo sa tabi ni Venus na tapat pa nila Harold!

"Okay everyone and everything is ready na!" maarteng sambit ni Patricia. "So Harold!!" bumaling siya kay Harold, sa sigaw niya ay natahimik ang buong venue at naka baling sa kanila.

"Sinasagot na kita." naka ngiti niyang sambit, kaagad namang ngumiti si Harold abot tenga!

"Wala pa siyang sagot mga inutil!" sigaw ni Aso at bumaling kay Patricia. "Yes or No?"

"Why not? Of course, Yes!"

Ngumuso si Aso, "Akala ko pa naman ikaw na ang tunay kong destiny."

Pumalakpak ang mga tao, at nag hiyawan.

"Kiss! Kiss!" sigawan ng mga tao.

"Halaaa!" maarteng sabi ni Patricia at hinampas ang balikat ni Harold. "Sabi sayo e! Kahapon ninakawan mo ako ng first kiss para dapat yung ngayon! Hmp!"

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa mga nangyayari!

Muli akong napabaling kay Prince na kasalukuyang nakatingin din kay Trixie na nakangiting naka masid kay Patricia at Harold! Alam kong peke iyon.

Arrange Marriage with Maniac School King [Season 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon