So ngayon lang ako nag karoon ng Continuations sa Chapters, siguro ay hanggang part 3 yang continuation
—————————Continuation of CHAPTER 70
She's back.HAROLD P.O.V
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa nangyari kanina.
Napaka-awkward naman yata kapag hinalikan ko si Patricia sa harap ni Trixie? Eh ano bang pake ko kay Trixie? Hindi ba't ikinasal na siya?
Mabuti nalang ay pinaupo kami ni Prince bago ko pa ma-halikan si Patricia.
"Tumaba ka yata?" tanong ni Yesha habang nakatuon kay Trixie.
"Owemgee!" sabi ni Venus. "Mag kakilala kayo?"
"A-Ah, she's my friend."
"Kaya pala!" pumalakpak si Venus. "Sino ba namang di tataba e oras oras 'ko yan pinapakain sa bahay?" tumawa siya. "Atsaka, hello? Buntis kaya yan! Malamang e lalaki ang tyan niyan?"
Napakunot noo kaming lahat.
"W-What did you say?" kunot noong sabi ni Yesha.
"Omg! Congratulations for you!" pumalakpak si Patricia.
"Ahuh?" sabat ni Prince. "Buntis ka?"
"Mm.." tumango si Trixie. "I-I'm Pregnant."
Siguro ay kaagad 'na din siyang nabuntis ng napakasalan niya.
"Ilang months?" tanong ni Migs.
"Cheers!" sabi ni Venus at tinaas ang wine glass niya dahilan para hindi masagot ni Trixie ang tanong ni Migs.
Biglaang tumunog ang cellphone ni Patricia. Agad niya itong binuksan para i-check.
Bumuntong hininga si Patricia. "It's mom." bumaling siya sakin. "I need to go na."
Tumango ako at bumaling kayla Prince. "Aalis na kami."
"Ay?" reklamo ni Venus. "Kakadating palang namin e."
"I-it's okay." sabi ni Patricia. "May kotse naman ako, okay lang."
"G-Gabi na."
"It's okay nga." ulit niya. "Enjoy muna kayo ng friends mo." matamis siyang ngumiti.
"Oo nga!" sigaw ng lasing na si Dhylan.
"H-Hindi yan, hayaan mo sila." sabi ko at hihilain sana si Patricia.
Gusto ko 'na din kasing umuwi, ang awkward at hindi ko na kakayaning tumagal pa dito.
"Baket?!" sigaw ni Dhylan. "May iniiwasan ka ba?!" natatawa niyang sabi na kaagad namang sinaway ni Zyza.
"Iniiwasan?" pa kwestyon na sabi ni Patricia at bumaling sakin. "Mauna na talaga ako, bukas may work pa ako." hinalikan niya ang pisngi ko. "Bye."
Tumalikod siya at dali daling lumabas ng venue, kita ko ang mga lalaki na napapatingin sa kanya pag dumadaan siya.
"Upo na Harold!" sabi ni Dhylan.
Naiilang naman akong umupo.
"Sinong ama ng anak mo?" lasing na tanong ni Dhylan kay Trixie.
"What's the meaning of this?" kunot noong sabi ni Venus. "Mag kakilala kayong lahat?"
"Ex siya ni Harold!" sabi ni Dhylan at tumawa ng malakas.
Peste.
TRIXIE P.O.V
Napapikit ako bg mariin sa sinabi ng isa sa kaibigan ni Harold.
Ngayong araw, balak ko sanang i-surprise si Harold. Gusto kong sabihin na may laman ang tyan ko at anak namin iyon.
Napaka-dali naman siguro sa kanya na kalimutan nalang ako at mag hanap ng bago?
"Ex?!" taas boses na sabi ni Tita Venus at bumaling sakin.
Tita ko siya, kapatid siya ni Mama. Pero mas bata siya saakin.
"Ibig sabihin.." natakpan niya ang bibig niya at habang pinapalo ang braso ko.
Tiningnan ko siya na para bang sinasabing "Wag, wag mong sabihin."
Ayokong maka-sira ng relasyon. Lalo na't nakita kong masaya sila sa isa't isa. Mabait ang babae, alam ko yun simula ng nakita ko siya kanina.
Friendly, mabait at iba pa.
"W-We need to go, now." sumeryoso ang kaninang excited at masiyahing si Tita. Tumayo siya at hinila ako palabas ng venue.
Sa labas ay nakita ko si Patricia, naka-park ang kotse niya at may kausap sa telepono.
Saktong sakto na magkatabi kami ng kotse kaya narinig kong muli ang boses niya, maganda ang boses niya.
"I know, ma.." nakanguso niyang sabi sa kabilang linya. "Opo, kasama ko naman si Harold e... Pauwi na din po."
Magalang din siya.
Hinila ako ni Tita Venus papasok ng kotse. Agad kong isinara ang pinto.
Nakita din ako ng Patricia bago ko isara ang pinto kinawayan niya ako at doon na naman tayo sa matamis niyang ngiti. Ngumiti lang ako ng kaunti at sinara ang pinto.
"Anong balak mo?! Are you bobo? Single mother ang peg?" panenermon sakin ni Tita. "Inalay ni Tristan ang buhay niya sayo! Alam mo bang may mahal siya?"
"Mahal?"
"That Prince Dirham!" banggit niya sa kaibigan ni Harold. "Ang kapatid niya ay napupusuan ng kapatid mo! And inalay ng kapatid mo yung buhay niya sayo! And then ayan? Ayan ang kababagsakan mo?!"
Yumuko ako. "Pwede naman akong bumal—"
"Hindi pwede! Hindi nila alam na buntis ka!"
"Malalaman din naman ni—"
"At simula nung nag desisyon ang kapatid mo! Wala ka na sa listahan ng Cressida!"
Ngumuso ako. "Kaya ko naman."
"Eh pano pag nalaman niya?"
Nangilid ang luha ko. "Meron na siyang iba e."
Napabuntong hininga nalang si Tita Venus at pinaandar na ang kotse.
HAROLD P.O.V
Hindi ako makagalaw, sa mga nakaraang araw ay ganto! Palagi nalang ganto!
Hindi ko maigalaw ang paa at kamay ko, madilim ang paligid at may naririnig akong iyak ng sanggol.
Naramdaman ko nalang na may bumuhos na tubig sa mukha ko kaya napabalikwas ako ng bangon..
"What are you doing here?!" sigaw ko kay Aso na gumising sa pag kakabangungot ko.
"Kakain lang sana ako! Kaso walang sinaing kaya tatanongin sana kita kung saan nakalagay ang bigas?"
"Gago!" sigaw ko sa kanya. "Dito ka na naman kakaen?!"
"Eh kasi—"
"Nabadtrip na naman si Dhylan?!"
Nakanguso siyang tumango. "Tapos pag akyat ko dito sa kwarto mo, mukha kang ulul na matitigok na."
Lalong nag salubong ang kilay ko ng makita ko siyang nag pipigil ng tawa.
"Umalis ka na—"
"Asan muna?"
"Nasa taas ng ref!"
"Animal ka talaga, ikaw na nga lulutuan sinisigawan pa ko, batuhin kita ng sandok diyan e." mahinang bulong niya at lumabas ng kwarto ko.
Umiling nalang ako at pinalibot ang paningin ko sa kabuohan ng kwarto ko. Nabasa tuloy ako at ang kama ko dahil binuhusan ba naman ako ng tubig.
—Don't forget to Vote and Comment!
BINABASA MO ANG
Arrange Marriage with Maniac School King [Season 1]
RomanceCOMPLETED/EDITING Prince - a perfect definition of the word 'Perfect', Mayaman, Matalino, o mabait? Weh? Ngunit sa kabila ng kasikatan ng lalaki, mayroon siyang makikilalang babae na bibihag sa puso niyang ligaw. Yesha -A very perfect woman with a...