CHAPTER 69
The truth.HAROLD P.O.V
Nandito kami ngayon sa Ospital, si Migs, Prince, Yesha, Aso, Allianah at Patricia, si Zyza naman at si Dhylan ay umuwi na. Makakasama daw sa baby yung stress angal ni Dhylan.
"Kailangan niyong mag ingat, kailangan niyo talaga." saad ni Patricia kay Prince.
"Umuwi na muna kayo Yesha at Allianah." saad ko at bumaling kay Aso.
Kanina ko pa napapansin ang pag nginginig ni Aso.
"Ihahatid ko na sila." prisinta ni Prince.
"Pero wala ka ng gas di ba?" tanong ni Yesha sa kanya.
"Oo nga pala, nakakapagtaka na naubos agad yung gas ko kaka-gas ko lang kanina bago mag start ang event e."
"Ako nalang ang mag hahatid sa kanila." prisinta ni Migs
Agadang umalis si Migs kasama si Yesha at Allianah.
"Natatakot ako." mahinang usal ni Patricia, "Natatakot na akong umuwi, Harold."
"Edi wag kana umuwi, dito ka sa ospital tumira." malamig na tugon ni Prince dahilan para ngumuso si Patricia.
"Don't worry, ihahatid kita." ngumiti ako kay Patricia.
"Nakit-an ko."
Sabay kaming napalingon kay Aso.
"What?" tanong ni Patricia.
"Sinadya nila yan." dagdag pa ni Aso, nakakapag taka na straight na siya mag tagalog ngayon?
"A-Anong? Ibig mong sabihin?" pag lilinaw ni Prince.
"May kasama siya," turo niya sa pinto kung saan naka confine si Meilin. "Hindi totoo."
"Huh?" naguguluhan kong sambit.
"Tawagan niyo si Yesha." dagdag pa ni Aso. "Mamatay sila."
"Ano bang sinasabi mo?!" nag taas ng boses si Prince.
"S-Sinong mamatay? Why? Bakit?" tanong ni Patricia
"May bomba." mahinang usal ni Aso dahilan para magulat kaming lahat
Agad kinuha ni Prince ang cellphone niya sa bulsa at may tinawagan. "Y-Yesha.. Umalis ka diyan... Bumaba kayo sa sasakyan... Bumalik kayo dito. Maski wag kayong uuwi... Please.."
"A-Ano pa? Ano pang nalalaman mo?" tanong ko kay Aso.
"Tumawag kayo ng pulis!" sigaw sakin ni Patricia.
AELYSHA P.O.V
"Anong sabi?" tanong ni Alli.
"Itigil mo ang sasakyan, Migs." utos ko kay Migs at kaagad namang itinigil ang sasakyan sa gilid. "Kailangan nating lumayo, ewan ko pero kailangan daw nating lumayo at bunalik sa ospital ng hindi kasama ang sasakyan."
"O-Okay." sabi ni Migs at bumaba.
"Mag lalakad tayo? Ano ba kasing problema?"
Hindi ko din alam. Ang alam ko lang ay bumalik daw kami sa ospital.
"Sasakay tayo ng Taxi." sabi ko at hinigit ang wallet ko. "Sa tono ng pag sasalita ni Prince ay mukhang mapapahamak tayo kaya kailangan natin siyang sundin."
Walang nagawa si Migs at Alli kaya sumunod nalang sila sakin at sumakay ng Taxi.
Ilang kilometro palang ang layo namin sa iniwan naming sasakyan.

BINABASA MO ANG
Arrange Marriage with Maniac School King [Season 1]
RomanceCOMPLETED/EDITING Prince - a perfect definition of the word 'Perfect', Mayaman, Matalino, o mabait? Weh? Ngunit sa kabila ng kasikatan ng lalaki, mayroon siyang makikilalang babae na bibihag sa puso niyang ligaw. Yesha -A very perfect woman with a...