AELYSHA P.O.V
Ng tuluyan kaming nakababa sobrang dami ng taong nag hihiyawan sa takot, may mga pulis at fireman.
Tuyo na ang kotse ko, usok nalang ang natitira ngunit hindi pa nacheck ang loob ng kotse ko.
"M-Manong!" sigaw ko sa isang Pulis.
Agad siyang lumapit saakin dala ang maliit na notebook at ballpen. "Kayo ang may ari ng kotse?"
"M-May tao sa loob!" sigaw ko sa kanya.
"P-Please paki check naman k-kung nandiyan yung pinsan ko." pakiusap ni Dhylan.
"May mabahong amoy sa usok, malansa." nakangiwing sabi ng Pulis, "Wala ng natira sa loob ng kotse. Nasisigurado namin iyon, marahil kung may tao. Napulbos na din."
Lalong dumami ang mga patak ng luha ko, kasalanan ko to.
"P-Paki check naman o.." papiyok na sabi ni Dhylan.
May kinuha siya sa bulsa ng pantalon at tinawagan, "Tita?" paos na tawag ni Dhylan. "S-Si Aso po tita." marahang napikit si Dhylan at doon na lumabas ang nga patak ng luha niya.
Hindi niya tinuloy ang sasabihin at kaagad na binaba ang tawag, napa upo nalang siya na para bang wala ng magawa.
"S-sorry.." mariin kong sabi, "A-Ang s-sabi niya kasi nag hahanap siya ng matatambayan tapo—"
"It's not your fault, Yesha." pigil sakin ni Ali. "Hindi mo alam ang nangya—"
"Bakit sumabog?" tumaas ang tingin sakin ni Dhylan habang nakaupo. "Anong nilagay mo o naiwan sa sasakyan mo, bakit sumabog?"
"S-Sorry." nakayuko kong sabi,
Hindi ko talaga alam, kung nay naiwan man ako. Uyon ang makeup ko at mga damit.
"Para mo naman yatang sinisisi si Yesha bro?" sabat ni Prince. "Wala siyang alam."
"Tinatanong ko lang siya hindi ko siya sinisisi." umiling sakin si Dhylan. "Ni tanong ko di masagot." mahinang dagdag niya.
"Para ka kasing may pinaparating bro." saway ni Migs.
"Tama na yan," sabat ni Zyza. "Hindi natin kailangan mag away. Hindi pa nga sigurado kung nandun ba si Aso sa loob e."
Tumayo si Dhylan at mariing tinuyo ang luha.
"Nandito siya para mag hanap ng Pera, hindi para magka pasa, sugat o kung ano 'man."
"Alam namin bro." sabi ni Prince.
"S-Sorry talaga Dhylan, h-hindi ko talaga alam kung bakit sumabog."
"Red Bomb." sabat ng pulis. "Mayroong maliit na bomba sa loob ng kotse, maliit lang ito kumpara sa ibang Red Bomb, at may halo itong lason sa pag sabog. Ang kemikal na iyon ay kayang tumunaw ng tao."
"Kailangan ko munng makita si Aso, bago ako makapan—"
"Noba! Dili dyud ko marunong mag sabog sabog!" isang pamilyar na sigaw ang narinig ko.
Agad akong lumingon sa pinangalingan.
"A-Aso!" agad akong napa ngiti ng abot tenga. Parang nabunutan ng tinik sa puso ng makita ko siya.
May hawak siyang Banana Chips at 'Cobra' na inumin pero nag pupumiglas siya sa pulis.
Agad akong pumunta sa kanila nauna pa ako kayla Dhylan. "A-Ang akala ko nasunog kana." maligaya kong sabi.
"S-Siya daw po yung huling pumasok sa sasakyan niyo." Imporma sakin ng Pulis.
"Naiwala ang susi ko!" baluktot abg tagalog niya. "Hindi ako nga napasok kaya nabili ako!" tinaas niya pa ang banana chips na hawak niya.
BINABASA MO ANG
Arrange Marriage with Maniac School King [Season 1]
RomanceCOMPLETED/EDITING Prince - a perfect definition of the word 'Perfect', Mayaman, Matalino, o mabait? Weh? Ngunit sa kabila ng kasikatan ng lalaki, mayroon siyang makikilalang babae na bibihag sa puso niyang ligaw. Yesha -A very perfect woman with a...