HAROLD P.O.V
Nanghihina ako, lalo na't wala akong matinong kain sa mga nakalipas na buwan. Ayokong mamatay, pero kung di lang din ako magiging masaya ay pwede na din.
Pabagsak akong humiga sa higaan ko, nahihilo ako. Ganun pa man ay nagawa kong kunin ang dyaryo sa gilid kahit naduduling ako.
‘BREAKING NEWS Philippines
Migs, Dhylan and Prince isa sa mga pinag mamalaking business man at pinaka batang negosyante sa Pilipinas ay ikakasal na?’
Kasama sa picture ang masayang picture ng tatlo kong kaibigan kasama ang mga nobya.
Kung nandito ka lang sana.
Gusto kong maging masata para kela Prince pero parang nanaig yung sakit na malamang napaka unfairnl ng mundi sakin.
Minsan na nga lang mahulog, sa maling tao pa.
Nangilid ang luha ko, dumoble ang sakit. Agad ko namang tinuyo ang luha ko.
‘WORLD WIDE BREAKING NEWS!
Mary Trixie Zars, the Switzerland Princess is MISSING with her Ankle!!!
Her father is now in Comma after the live war here in Switzerland!’
Kumunot ang noo ko ng makita ang balitang iyon. Asan si Trixie?
Baka palabas lang ito ng palasyo. Para tuluyang makalayo ako.
Mapait akong ngumisi.
Kinuha ko ang cellphone ko.
Hindi ko na kaya to.
Wala na ding saysay ang buhay ko.
AELYSHA P.O.V
Dalawang araw na ang nakalipas matapos mag proposed si Prince and nasabi na din nila Zyza at Alli sa mismong araw na yon na buntis sila.
Nakakainggit.
Kung hindi lang sana naging cold si Prince sakin nung araw na yon, nasabi ko na din sana.
"Yesha paki tulungan naman ako o."
Napalingon ako kay Prince, napailing nalang ako. Hanggang ngayon, hindi pa din siya marunong mag ayos ng neck tie niya.
Humarap ako sa kanya at Inayos iyon, nagulat nalang ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit dahilan para mag kadikit ang dibdib ko at kanya.
Agad ko naman siyang tinulak at hinampas sa braso. "Malalate kana puro kalandian pa don ang nasa isip mo!"
Ngumuso siya. "Alam mo bang naiinis ako sayo? Nag tatampo ako Yesha! Nag tatampo ako." tadyak tadyak niyang sabi na parang batang di nabilhan ng lollipop.
"Yesha?"
Napalingon ako kay Meilin. Doon ko na realized na nakangiti niya kaming pinapanood.
"Papasok ka na?" tanong ko at bumaling kay Prince. "Isabay mo na si Meilin.
Tumaas ang gilid ng labi ni Prince at... Inirapan ako?
Hinampas ko siya sa balikat. "Bakla ka ba?! Bat ka nang iirap?! Isabay mo ang pinsan ko!"
"It's okay," sabat ni Meilin. "I have my own car."
Tumango nalang ako kay Meilin at inayos ang polo ni Prince.
"Susunduin mo ko mamaya Yesha?" na eexcite na tonong sabi niya. "Si Dhylan laging may Cupcakes tuwing meryenda kasi dinadalhan siya ni Zyza e." pag paparinig niya. "Gusto ko din ng ganon Yesha."

BINABASA MO ANG
Arrange Marriage with Maniac School King [Season 1]
RomanceCOMPLETED/EDITING Prince - a perfect definition of the word 'Perfect', Mayaman, Matalino, o mabait? Weh? Ngunit sa kabila ng kasikatan ng lalaki, mayroon siyang makikilalang babae na bibihag sa puso niyang ligaw. Yesha -A very perfect woman with a...