AELYSHA P.O.V
"Ang higpit ng hawak mo sakin, bitawan mo nga ako!" pag taboy ko sa kamay ni Prince na ngayon ay magkasalubong ang kilay.
"Kumalma 'ho kayo, misis."
"We're not married." tinapik ni Prince ang braso ko. "Bakit? Totoo naman e."
Umiling na lang siya at muling bumaling sa doktor ko, oo. Ngayon ay may sarili na akong doktor.
"Wala naman pong nangyari sa bata, dapat ng 'ho ay masaya kayo dahil healty na healty ang fetus."
"Anong?!" biglaang tumaas ang boses ni Prince. "Wag mo ngang tawaging Fetus ang anak ko!"
Mahinang tumawa ang doktor. "Sge ho."
"Anong gender ng baby ko?" masungit na tanong niya.
"Masyado pa po—"
"Ibig sabihin di ko malalaman gender ng baby ko?!"
Hayst.
"Wala ba kayong advance materials?! Gusto niyo bang ipasara ko tong Ospital niyo?!"
"Sorry po sir.."
"Damn it.." mahinang usal ni Prince,
Hinawakan ko nalang ang kamay niya. "Sige dok, alis na po kami." saka ko hinila ang batang isip na si Prince.
♡
"Ano bang ginawa mo? Tinakot mo yung doktor!" pag sesermon ko sa kanya nang makarating kami sa bahay.
Pinaupo niya ako sa couch at inilapag ang isang baso ng gatas sa maliit na lamesa sa harap.
"Wag kang sumigaw."
"Eh hin—"
"Anaakkk! Yesha anak!"
Napa tigil ako sa narinig ko. "Shit." mahinang bulong ko.
"Ang aga naman ata nila?"
*Dingdong dingdong*
Grabe talaga tong si Mommg mag doorbell, hindi niya titigilan hanggat hindi siya pinag bubuksan
Tumayo ako at dali daling binuksan ang pinto.
"Anak!" sinalubong ako ng yakap ni Mommy, nasa likod naman niya si Daddy.
Kaagad ding lumuwag ang yakap ni Mommy.
Umakto naman si Daddy na yayakapin din ako katulad ng ginawa ni Daddy. Nangiti ako at umakto ding yayakapin siya.. Pero..
Nilagpasan ako ni Daddy?!
Napa nguso ako ng kay Prince siya yumakap.
"Abnormal ka talaga, Berto! Eto yung anak mo o!" duro sakin ni Mommy
"Eto na ba ang batang yon? Eto ba ang anak ni Khyzzer?!" may pag hanga sa boses ni Daddy, may konting tono ng hindi sanay sa tagalog, malamang ilang taon na siya sa US e.
"Opo, mano ho." nag bless si Prince kay Daddy, patakbo namang humabol si Mommy na para bang sabik na sabik kay Prince.
Mommy! Ako to o! Anak niyo! Hindi yang isip bata na yan!
"Ang galang naman netong batang to oo! Halika na Prince anak, may pasalubong si Mommy sayo."
Lalo akong napa nguso at tumaas ang kilay.
"O, andito ka pa pala Yesha anak?" gulat na tanong ni Daddy. "Kumain ka na din."
"Ang pogi pogi talaga ng mga Dirham ano?" pag kausap ni Mommy kay Daddy na agad namang naningkit ang mata kay Mommy. "Naalala ko noong dalaga pa ako, isa din ako sa mga sunod sunuran ng Daddy mo!" natatawang sabi ni Mommy kay Prince

BINABASA MO ANG
Arrange Marriage with Maniac School King [Season 1]
RomanceCOMPLETED/EDITING Prince - a perfect definition of the word 'Perfect', Mayaman, Matalino, o mabait? Weh? Ngunit sa kabila ng kasikatan ng lalaki, mayroon siyang makikilalang babae na bibihag sa puso niyang ligaw. Yesha -A very perfect woman with a...