Warning: Matured Scenes and languages, please read your own risk.
EPILOGUE:
•Wedding, Flashbacks, and the final chapter that Full of Love•
PRINCE P.O.V
—F L A S H B A C K—
Prince's 16th Birthday."WHAT?! It's your 16th birthday party and wala ka? Anong gagawin namin dito?" sigaw ni Shaira sa kabilang linya
"Susunod ako. Meron akong mahalagang gagawin."
"Ano na naman?!" sigaw niya. "Yang kabit mo? Bibisitahin mo na naman!?"
"No of course. Don't say that. Wala akong kab—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ng bigla niya akong binabaan ng tawag.
Napabuntong hininga nalang ako, itutuloy ko pa din ang plano ko ngayong araw na makita ulit siya. Hindi hindi.
Ang pasikretong makita siya.
Inistart ko ang Kotse ko at pinaandar papunta sa labas ng school nila.
Ilang minutong nakalalipas ay madaming ng estudyanteng lumalabas sa gate, isa na din doon ang babaeng pinaka ini-intay ko.
Ngumiti ako at pinag masdan siya, hindi siya matangkad at hindi din maliit, kumbaga ay parang katamtaman lang sa edad na '12 years old'
Kita kong may nakasunod sa kanyang tatlong lalake na nag tutulakan pa, siguro ay tulad din sila ng iba na gustong pormahan ang babaeng to.
Muli akong bumaling kay Yesha, oo. Yesha daw ang pangalan niya, kung may pagkakataon na makilala niya sana ako ay hindi na ako mag papaligoy ligoy pa.
Pinaandar ko ng kotse ko ng mabagal para makasunod ako sa pag lalakad niya.
Habang nag lalakad siya ay wala siyang kamalay malay na mayroong tatlong unggoy na nag tutulakan sa kanya.
I was fourteen year old boy noong may makilala akong isang babae.
Grade 9 ako noon at siya naman ay Grade 7..
Lagi ko siyang nakikitang binu-bully, sa kadahilanang nahihiya ako. Hindi ko talaga magawang lumapit sa kanya at tumulong.
•
Naalala ko pa noong una ko siya makita, nasa loob ako ng school nila dahil may negosasyong inaasikaso si Daddy sa school nila at sinama niya ako.
Nasa tapat ako ng canteen noon at may nakita akong babae.
Maliit siya, mga 10 or 9 years old. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya katulad na din ng ibang batang lalake sa loob ng canteen.
Nakayuko siya, maganda ang awra ng mukha niya, mahinhin at mapapatigil ka talaga pag nagkasalubong ang mga mata niyo.
Straight ang buhok at sa dulong bahagi naman ng buhok niya ay napaka perpekto ng pagka kulot.
Hawak hawak niya ang tatlong malalaking libro, sobrang cute kung titingnan dahil napaka liit niya.
Mahaba ang pilik mata, matangos na ilong at maninipis na pulang labi.

BINABASA MO ANG
Arrange Marriage with Maniac School King [Season 1]
RomanceCOMPLETED/EDITING Prince - a perfect definition of the word 'Perfect', Mayaman, Matalino, o mabait? Weh? Ngunit sa kabila ng kasikatan ng lalaki, mayroon siyang makikilalang babae na bibihag sa puso niyang ligaw. Yesha -A very perfect woman with a...