PRINCE P.O.V
"UYON!" turo ko sa kalat na kaagad naman niyang dinampot. "Uyon pa."
Hingal na hingal na siya, "Ano ba sir? 'di ba secretary ako?"
"Oo." tumingala naman siya sakin, umiwas ako ng tingin. "Slash Janitor." mahinang usal ko
"'Me kasamang janitor?"
"Oo. O doon naman." turo ko sa Comfort room ng mga babae. "
"Hah?!" singhal niya sakin. Kaagad ko naman siyang pinanlisikan ng mga mata.
"Ganyan ang pag papatakbo ko sa kumpanya. Ang pinaka mataas na ranggo ay nagiging mababa at patas, kung ayaw mo. Edi mag hanap ka ng ibang trabaho."
"Hmp!" sabi niya at tumalikod. "Pa hard to get."
Na ngunot ang noo ko, medyo kinabahan ako ng kaunti. Hard to get?! E di ba niya nahahalatang jowa ko na yung pinsan niya? O baka hindi naman ganun ang ibig niyang sabihin?
Lalong nag salubong ang dalawa kong kilay habang pinapanood siyang lumayo.
Maya maya ay naka pasok na naman siya sa office ko, "Coffee po sir."
"Coffee?" taas kilay kong sabi. "Sa tanghali? Coffee?"
Tumingin siya sa relo niya. "A-ay sorry po." pag hablot niya ay natapunan ang desk ko hanggang sa polo ko.
Shit! Ang init. Lalong nag salubong ang kilay ko at sinenyasan siyang umalis ngunit sa halip na umalis lumapit pa sakin at pinunas punasan ang polo ko. Lalong dumikit ang polo ko sa balat ko, ang init!
Tinulak ko siya.
"S-sorry po sir."
"Get out!" muling sigaw ko.
Bumangon siya at kinuha ang baso at dali daling nag lakad palabas ng Glass door.
"Kung iniisip mong maagaw mo'ko." natigil siya sa pag lalakad sa sinabi ko, "Kwes hindi."
Ilang segundo siyang naka talikod at parang nanigas, maya maya ay bumalik na siya sa katinuan at tuluyang umalis.
HAROLD P.O.V
BUMANGON AKO, asan na si Kenzo? Bakit ako nandito? Saang lugar to? Kamusta si Trixie? Alam niya bang naka gising na'ko?
Kunot noo akong bumangon at binuksan ang pintuan, kaagad naman akong hinarang ng mga malalaking tao at tinulak ulit papasok ng silid.
"S-Sino kayo?" mukhang pilipino. Literal na pilipino.
Nasa pilipinas na ba ako?
Alam ba ni Trixie to?
Bumukas ang pinto at iniluwa noon si Kenzo, may dala dala siyang plastik ng pagkain.
"Asan ako?"
"Nasa pilipinas kana, na-kwento sakin ni Daddy ang nang yari sainyo ni Trixie. Sorry but, hindi talaga kayo pe-pwede."
Mapait akong ngumiti.
"Hindi mo na kailangang ngumiti, mas lalo kong nakikita ang lungkot sa mg mata mo." sabi niya at ibinigay saakin ang styro at may lamang pagkain. "Next week na ang kasal niya."
Agad akong napa lingon sa kanya, ikakasal siya?
"Kapalit ng pag pakawala sayo. Ikakasal siya."
"Edi sana pinatay nalang ni—"
"Wag mong sabihin yan, kung nag pakamatay ka o pinabayaan mong patayin ka nila, wala akong misyon, at kung wala akong misyon di ako makaka-punta sa pilipinas. Di ako makaka laya."
Natawa ako ng bahagya sa sinabi niya, so kailan ako uuwi?
MARY TRIXIE P.O.V
"ILABAS NIYO ANG ANAK KO!" sigaw ng tatay ni Harold kay Far.
"Nasa pilipinas na siya. At wag kang mag alala, buhay pa ang anak mo."
Natigilan ang lalaki at may tinawagan. Pagkatapos ay humarap siya kay Far, "Kaya hindi bumabalik sayo ang asawa mo! Ang sama mo!"
"Hindi talaga siya babalik dahil patay na siya."
"Ha?!" namamamghang sabi ng tatay ni Harold at malakas na tumawa at dinuro pa niya si Far. "Patay?! Talaga?!" tumatawa pa niyang sabi.
"Tila sayang saya ka pa?" tugon ni Far.
"Sinong di matutuwa? Ang tanong, Patay ba talaga?" natatawang sabi niya.
Nandilat ako, at kaagad kaming nag titigan ni Far.
"Patay ba talaga?"
"Patay ba talaga?"
"Patay ba talaga?"
"Anong ibig mong sabihin?" sabay naming sabi.
Ngunit tumawa lang ito ng tumawa. "Ano nga ba?"
"Binabalaan kita." panankot ni Far, "Nasa teritoryo kita."
"Teritoryo mo na dating teretoryo mo?" nakaka baliw niyang sabi. "C'Mon! Hindi ako pwedeng mahuli ng mga alagad mo ngayon! Dahil pinasahan lang kita!" biglang sumeryoso ang mukha nito.
Lalong namula si Far sa galit, maski ang mga tenga niya atly pulang pula na.
"Nakalimot kana ata Ruelio?" banggit niya sa ngalan ng tatay ko. "Nakalimutan mo na yata kung sino ang mas kataas taasan satin?"
"Iba na ngay—"
"Walang nag iba!" putol niya sa sinabi ni Far. "Maski ngayon! Walang nag iba! Kaya pa din kitang gitilin!"
Nanlaki ang mga mata ni Far.
"Ginagamit mo ang lakas mo? Na mismong binigay ko? Ginagamit mo ang lakas mo ng di nalalaman kung saan galing yan? Inutil."
Sinenyasan ni Far na sumugod ang mga tauhan sa lalaki. Napatayo ako at sadyang gulat na gulat ng makitang wala pang isang minuto ay napa tumba niya na at wala ng malay ang labing dalawang tauhan.
Nakakabaliw na ngumiti ang tatay ni Harold. "Pag nakita kong may galos ang kaisa isa kong anak, di ako mag dadalawang isip na bawian ng buhay ang kaisa isa mong tagapag mana." madilim ang mukha niya noong tumalikod samin.
Namumula sa galit si Far, hindi ko malaman kung dapat ba akong matakot o mag saya dahil may katapat na siya? Na posible na ba akong makatakas? O marahil ay pwede na akong mag saya?
Dahil malaki ang pag asa na buhay pa ang nanay ko.
AELYSHA P.O.V
HINDI ko makalimutan ang ginawa ni Meilin kaninang umaga, dapat ba akong mag bantay? Marahil ganun na din ang nararamdaman ni Prince.
May tiwala ako kay Prince, pero wala akong tiwala.. Sa pinsan ko.
Bago pa lang kaming mag kakilala, hindi normal ang pag tingin niya saakin. Hindi normal..
Nahuhuli ko siyang nakatingin saakin ng masama, at pag lumingon ako ay iiwas. Parang may masama siyang balak.
Kinuha ko ang secret kit ko, tatlo kaming meron noon ni Ali. Laman noon ay gatas at kung ano ano pang gamit sa buntis. Nag timpla ako ng gatas at ininom iyon.
Binuksan ko ang cellphone ko. Sadyang nagulat ako ng makita ang message ni Meilin. Tasa ng kape?
Meilin
Lovely Coffee for your boyfie!
12:51 pmUmiling ako at pabagsak na binitawan ang cp ko.
Hindi, hindi dapat ako mag hinala. Alam niyang boyfriend ko na si Pr—,
Natigilan ako sa pag iisip. Teka? Hindi ko pa sinasagot si Prince ah? Nanliligaw pa lang?

BINABASA MO ANG
Arrange Marriage with Maniac School King [Season 1]
RomanceCOMPLETED/EDITING Prince - a perfect definition of the word 'Perfect', Mayaman, Matalino, o mabait? Weh? Ngunit sa kabila ng kasikatan ng lalaki, mayroon siyang makikilalang babae na bibihag sa puso niyang ligaw. Yesha -A very perfect woman with a...