CHAPTER 66

675 38 5
                                    


AELYSHA P.O.V

Humakbang ako patungo kay Meilin, kitang kita sa mukha niya ang gulat at pagka taranta. Kaagad din niyang binaba ang tawag sa cellphone niya.

Tipid lang akong ngumiti sa kanya. "Sinong kausap mo?"

"N-Narinig mo?" utal utal niyang sabi.

"Hindi." humarap ako sa salamin ng Comfort Room at inilapag ang bag ko. "Kaka dating ko palang e."

"Ah." ngumiti siya. "Ang ganda mo, Yesha. Bagay na bagay kayo ng nobyo mo."

"Mm." sang ayon ko, alangan namang tumanggi pa ko? "Nakita mo si Prince? Kanina ko pa kasi siya iniintay, mukhang may mahalagang meeting."

"Oo, mahalaga talaga yun." lumiwanag ang mukha ni Meilin. "Maari ako—este, maaring yumaman pa kayo lalo."

Bumaling ako sa kanya. "Bakit?"

Mayaman talaga ang Aura ng babae kanina na nakasabayan ko sa Elevator. Marahil kasama din siya sa meeting.

"Yesha, alam mo ba?" naka tingin niyang sabi sakin. "Hindi lang sayo umiikot ang mundo."

Kinabahan ako sa sinabi niya, anong ibig sabihin niya?

"Alam ko naman yun." sabi ko. "Pero meron akong sariling mundo na ako lang ang makakapag desenyo."

"Hindi lang sayo umiikot ang mundo, pati na din ang nobyo mo." dagdag niya. "May ibang babae din sa buhay niya."

Ano bang sinasabi niya?

"Una na ko." paalam niya at iniwan akong nakatanga at nakatitig sa salamin.

PRINCE P.O.V

Natapos na ang nag babagang meeting naguguluhan pa din ako sa mga nangyari ngayong araw. Kalahati ng Pilipinas? Mapapasakin?

Hindi kapani-paniwala.

Inikot ko ang buong office ko ngunit hindi ko nakita si Yesha, lumabas ako agad ar tinanong sa mga empleyado ko na nakita ba nila si Yesha.

"Sino po iyon sir?" sabi ng Assistant Secretary ko, bago pa lang kasi.

"Maputi siya, black na black ang mga mata." pag describe ko kay Yesha. "Kulot ang dulo ng buhok, ta—"

Naputol ang sasabihin ko ng may humila sa dulo ng polo ko.

Nag liwanag agad ang pakiramdam ko ng makita si Yesha. "Pinag intay mo ako!"

"Halika." hinila ko siya papunta sa office. "Upo." utos ko

Umupo siya at inilapag ang dala niya. "Cupcakes yan. Ako nag luto."

Kumain kami ng sabay at konting nag kwentuhan.

"Alam mo ba?" puno ang bibig niya ngunit nakakapag salita pa din. "Si Meilin kanina. Ang weird niya." pag susumbong niya.

"Yeah, weird."

"Tsaka si Mommy nga pala. Sabi ni Allison kaninang umaga pupunta daw si Mommy sa bahay."

Nabilaukan ako at agad na uminom ng juice. "What?!"

"Kailangan mo daw humingi ng permiso."

"Permission?! For what?!"

"I don't know. Weird din ng Mommy ko noh? Actually kasama si Daddy, ini-arrange marriage nila ako sayo dati tapos ngayon parang ayaw nila sayo."

Tumaas ang kilay ko. Ayaw nila sakin?

"Bakit daw?"

"Nalaman kasi nila dati yung ginawa mong kalokohan sakin." ngumuso si Yesha at tumigil sa pagkain. "Nakaka walang gana na tuloy."

Arrange Marriage with Maniac School King [Season 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon