CHAPTER 51

1.1K 56 5
                                    

Sorry po talaga sa Late Upload.
Ngayon lang nag ka load hehe..

ZYZA P.O.V

Nag drive ako papunta sa di kalayuang coffee shop. Tinawagan ko si Perlong.

"Pinsan.." malungkot na sabi ko sa kanya.

"Sino to?"

"Si Cecil to." malungkot na banggit ko sa second name ko. Hindi ko alam kung bakit ko siya tinawagan, siguro dahil malapit lang siya dito?

"Ano na naman bang kailangan mo? Broken ka uli?" natatawa niyang sabi

Humaba ang nguso ko. "Ano pa ba? Asan ka? Andito ako sa coffee shop niyo."

"Okay. Wait me."  sabi niya at binaba ang tawag

Maya maya ay nakita ko na siya. Agad ko siyang sinalubong ng yakap.

"Huk!" sigaw niya sa biglaang pagyakap ko ng mahigpit.

Lumayo ako at tinulak ang isa niyang braso. "Di ka nag bago! Ang panget mo pa 'din!" natatawa kong sabi kaagad naman siyang ngumuso. "Di ka man' lang nag gluta! Brown ka pa din!" sabi ko at humalagpak ng tawa.

"Wag mo ko lokohin! Ang pait ng tawa mo! Halatang peke!"

Ngumuso ako at hinawakan ang kamay niya. Pag kahawak sa kamay niya ay may humawak din sa braso ko.

Napa tingin ako sa kamay na iyon.

"B-Bakit?" tanong ko kay Dhylan.

Namumula siya maski ang mga mata niya namumula at nangingilid ng luha.

Tss. OA, porket niloko niya ako iisipin niyang lo-lokohin ko 'din siya? Tss.

"Anong bakit?!" Sigaw niya at malakas na hinila ako palayo sa coffee shop.

Mabilis niya akong nahatak at patulak na pinasok ako sa kotse.

"S-sino yun ha?!" sigaw niya at pinaandar ang kotse. Di naman ako sumagot. "Ang lakas mong sabihan ako ng manloloko! Tapos ikaw pala yun!? Hay hay hay.." parang namamangha niyang sabi.

Hindi ko siya sinagot at nanatiling nasa bintana ng kotse ang tingin.

AELYSHA P.O.V

Tumingin siya sakin at ngi-ngiti ngiti pa. "Ano?!" iritable kong sabi.

Lumapit siyang naka ngiti at hinalikan ako sa pisngi na kaagad ko namang pinunasan. "Ano?!" pag uulit ko.

Malapit pa din ang mukha niya, para siyang si Joker na kita ang gilagid sa pag ngiti. "Meryenda is ready." malambing niyang sabi.

Inirapan ko naman siya at tinulak. "Kumain ka."

"Ha?" nag tataka niyang sabi. "E ginawa ko 'yun para sayo e." naka nguso la niyang sabi.

"Di ako gutom, at wala akong gana."

"Sayang.." naka nguso niyang sabi. "Nag patulong pa naman ako kay Ali na mag luto ng Maruya. Tapos ayaw mo?" lalong humaba ang nguso niya. "Nilagyan ko pa yun ng peanut butter e. 'Di ba gusto mo 'yun?"

"Hindi. Wala akong gusto. Lalo na dito sa harap ko." pinanlisikan ko siya ng mata, at kaagad namang bumilog ang mga mata niya.

"A-Ano?! Yesha ah! Sobra ka 'na! Di ka nalang kumain! Puro satsat! Di ka nalang kiligin! Di mo 'man lang na appreciated tong effort ko!" nangingilid ang luha niya habang sumisigaw.

Tss. Batang ulol.

Padabog akong nag lakad papunta sa lamesa at kumuha ng isang maruyang niluto niya. Nilagay ko iyon sa maliit na plato at sinimulang kainin.

Arrange Marriage with Maniac School King [Season 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon