Kakalipat lang namin ng bahay dito sa bagong village. Bagong Village siya kasi pa-lima pa lang kami sa nagpatayo ng bahay dito. Mas pinili naming hindi masyado lumayo mula sa gate ng village. So isang bahay palang ang nasa tabi namin and sa hindi kalayuan nasa kabilang side naman yung isa pang bahay. Yung dalawa pa nandoon daw sa may mapagitna pa ng village.
Naghahakot ako ngayon ng mga gamit ko kasi sabi nina mama meron na naman daw mga furniture silang nabili pero hindi pa kumpleto. Pero dahil kilala nila ako mas inuna nilang kumpletuhin ang mga gamit sa room ko kaya pwede ko na daw dalhin ang lahat ng gamit ko and yun na nga dala ko na lahat as in lahat kaya punong puno itong kotse ni Kuya Lexus ng gamit ko lang. Kasi yung kaniya babalikan niya pa hindi na daw kasi kasya kasi andami ko daw gamit.
Anong madami e tatlong big box lang naman yun para sa mga shoes and bag ko tas isang average box for my make ups and may isa pa palang big box na ang laman ay books and other stuff in my room and tatlong maleta for clothes. Konti pa nga yan kasi nag declutter pa ako ng mga make ups and other stuff, nagbawas pa din naman ako ng mga clothes kasi idi-nonate namin ni Calleyla and Jacella doon sa orphanage na nagvisit sa school namin last last week kaya i'm sure konti lang yan kasi isang box din yung na donate ko no.
"Leeyah, ibaba ko na tong mga gamit mo dito sa may gate para naman makuha ko na yung mga gamit ko" sigaw ni kuya Lexus sakin.
"Okay kuya, pero pasok mo dito sa may loob ng gate ha baka makuha pag diyan sa labas." Sagot ko naman bago pumasok ng pinto buhat ko ngayon tong box na naglalaman ng mga make up ko. Eto talaga ang inuna ko kasi make up is life okay? Tsaka eto lang din talaga kaya ko, masyadong mabibigat na yung iba kong gamit e hehe.
Pagpasok ko ng loob ng bahay nakita ko yung youngest brother, (he's 16 and I'm turning 18 this year while Kuya Lexus is 19 na) na naglalaro lang sa phone niya. Tapos na siguro siyang maghakot ng gamit niya.
"Shamir, can you help me with my things? Kuya Lexus left it in the gate ata, can you help me bring them in my room?" Sabi ko naman nung makatapat ako sa kaniya.
"Okay ate, just give me 5 minutes." Sagot niya sakin without looking at me and still playing his phone.
"Okay" sagot ko naman and naglakad na papunta sa kwarto buti naman hindi to medyo maraming stairs kasi baka magreklamo yung mga magdadala ng gamit ko.
Pagkapasok ko sa room ko, inikot ko agad ang buong kwarto. It's nice, mas malaki kesa sa dati kong room and mas malaki din yung bed. But maliit lang yung vanity table alaki din ang closet for my clothes and meron din akong cabinet for my books ang other stuff. So ngayon ang pag-iisipan ko na lang is kung saan ko ilalagay ang mga shoes ko and bags medyo madami pa naman yun. Siguro magpapabili na lang ako ng another closet for that. Habang nag-iikot ikot ako sa buong room kasi im thinking if i should re-organized this room, pumasok si Shamir dala yung dalawa kong maleta.
"Ano ba naman yan ate? Ang bibigat naman ng gamit mo. Dala mo ba yung luman nating mga furniture dito?"
Saad niya pagkapasok sa mga maleta ko."Excuse me shamir, mga clothes ko pa lang yan. Try mong buhatin yung mga boxes mas bibigat yun kesa diyan" sagot ko sakaniya ng pabiro pero tingin ko totoong mabibigat talaga yun.
"Oo na" sagot niya at lumabas na ulit. Mamaya na ko siguro magsisimulang mag ayos ng mga gamit pag nandito na lahat.
Naglibot na lang ako dito sa second floor and i-tour ko na lang siguro kayo.
Hindi pa ko nakakasimulang mag-ikot nang may magsalita sa likod ko.
"Lee Briyah Vedualot, baka naman balak mong tumulong sa paghahakot ng gamit mong hindi naman kagaanan diba?" And yes that's my mama. My ever loving mama na sobrang strict and ayaw ng makalat sa bahay.
"Yes mama, baba na nga po sana ako e" sagot ko naman at agad nang bumaba baka mahila na naman ni mama ang buhok ko, masakit kaya no.
"Oh shamir, ako na dito sa maleta doon ka na lang sa mga boxes" sabi ko pagkalapit ko sakaniya.
"Okay" at agad namang binitawan ang maleta at nagpunta na dun sa mga boxes.
"Eto sure na ko, may mga appliances kang dala dito no?" Saad niya pagkabuhat ng isang box.
"Ha-ha funny, mga shoes ko ata yan" sagot ko at nagsimula na kaming maghakot.
After naming madala lahat sa kwarto ko ang mga gamit, inayos ko na silang lahat. Pero naiwan yung mga shoes ko sa box dahil wala nang mapaglagyan buti nga nagkaspace pa for my bags sa closet e.
Nakababa na din naman ako before mag dinner and nag-aayos naman din sila Mama and Tita Dadan(Kapatid ni mama) nang mga gamit ang appliances sa kitchen and naghahanda na din for Dinner while si Papa and Tito Rex(husband ni tito Dadan) nag aayos ng mga gamit like furnitures and appliances dito sa living room habang yung dalawa ko namang kapatid katulong din nila. It's still 6:00pm pa and maaga pa naman siya because 7:00pm naman kami lagi nagdinner. So I've decided na lumabas muna ng bahay at magtingin tingin sa labas maliwanag parin naman. Nandito ako sa mismong tapat ng bahay namin nakatanaw lang sa mga batang naglalaro, siguro ito yung mga batang nakatira dito sa may malapit na bahay. Naglakad lakad pako nang konti ng bigla akong may makita na coin pinulot ko siya and habang naglalakad sa coin lang ako nakatingin hanggang sa may mabangga ako hindi naman ganon kalakas ang impact pero tama lang para mapatigil ako sa paglalakad at mapatingin sa nabangga ko .
"Oh I'm sorry" agad ko namang paghingi nang pasensya.
"Next time Miss, wag kang kung saan saan tumi-tingin habang naglalakad ka sa kalsada" agad naman niyang sagot sakin.
"Yeah i know, I'm sorry ulit" nasagot ko na lang sa kaniya sa sobrang kahihiyan ko.
"Mag-ingat kana next time Miss baka kasi hindi na tao ang mabangga mo sa susunod baka sasakyan na."sagot niya ulit pero bakit parang naramdaman ko yung pang-aasar sa tono niya. Inaasar niya ba ko?
"Excuse me?" Nasagot ko na lang.
"Ah wala, Basta next time sa daan ang tingin hindi sa barya" sagot naman niya at agad akong nilampasan. Wow ah.
Gwapo siya in fairness, matangkad, maputi, matangos ang ilong, medyo makapal ang kilay and mapupulang labi. Judging his appearance and height masasabi kong we're the same age or a year older than me. Pero hindi ko gusto ang attitude niya, mukhang mabait na mayabang na hindi ko ma-explain. Siguro papalampasin ko na lang kasi alam ko namang ako talaga ang nakabangga pero, wait ibig sabihin nakita niya ko kasi alam niyang sa coin ako nakatingin. Eh bakit hindi siya umiwas kung alam niya palang mababangga ko siya?
Napahabol na lang ako ng tingin sa kaniya kasi papunta sa bahay namin ang gawi niya, iniisip ko tuloy kung friend ba siya ni Kuya or ni Shamir. Pero mali pala ako kasi nilampasan niya yung bahay namin and I think dun sa isang bahay na malapit samin ang punta niya. Hindi pa naman ako nakakalayo mula sa gate namin kaya agad na din akong bumalik. Napatingin na lang ako sa coin na hawak ko at napangiti I don't know why pero itinago ko siya sa pocket ko.
Pagkadating ko sa pintuan ng bahay namin doon ko lang naalala na hindi ko pala nalaman kung anong name niya. Pero bakit ko naman dapat malaman? Inalis ko na lang yun sa isip ko at nagtuloy tuloy sa pagpasok. Pagdating ko naghahayin na si mama sa table, sakto pala naman ang balik ko kasi gutom na rin ako e.
Umupo na din ako agad doon and sumunod na din sila at nagsimula na kaming kumain.
BINABASA MO ANG
Stay Single until you're Appreciated
Short StoryMasama bang humiling na kahit minsan kahit isang beses, na ibigin ka naman ng tunay at totoo? Mali bang hilingin na maging masaya ka naman sa buhay mo? Mali bang humiling na kahit isang beses sa buhay mo tuparin naman ni bathala ang pinakamimithi mo...