It's Monday today and mamaya na yung birthday party ni Jeir. 5pm pa naman ang start and it's already 2:30pm, iniisip ko kung tutuloy pa ba ako kasi hindi ako masasamahan ni Cella at lleyla. Si Cella kasi maiiwan sa bahay nila kasi paalis ang mommy and daddy niya papuntang Cebu. Si lleyla naman ay magbabantay ng bake shop nila kasi madaming orders daw kay tita.
So basically wala akong makakasama dun kaya naman nagdadalawang isip pa ko kung pupunta pa ba ako.
Kung hindi lang dahil kay Tita Beth hindi na talaga ako pupunta dun.
Pero napagdesisyunan ko pa ring pumunta. Kaya naman nag-ayos na rin ako. Malayo-layo din kasi dito ang venue ng party niya.
I am on my simple peach dress and flats, hindi rin naman ako magtatagal doon.
Palabas na ako ng bahay nang bigla kung maalala na wala pala akong regalo para kay Jeir. Nakakahiya naman sigurong pumunta na wala naman akong dala diba?
Kaya napagdesisyunan ko munang dumaan sa w-mart kasi maaga pa naman.
Sa gate ng village na lang siguro ako maghihintay ng taxi, may pasok kasi si Kuya kaya hindi niya ko mahahatid.
Si Mama naman busy manuod sa youtube ng mga cooking tutorial videos.
Hindi pa ako nakakalabas sa gate ng village namin nang makita ko ang isang pamilyar na kotse na papasok.
Kotse ba to ni Verome?
Agad naman akong tumigil sa paglalakad ng makita kong palapit saakin ang kotse. Bumaba mula sa driver's seat si Verome.
"Leeyah?"
"Oy Verome"
"Pasaan ka?" Tanong niya sakin.
"Sa W-mart lang may bibilhin"
"Tapos?"
"A-anong tapos?" Tanong ko sa kaniya.
"May bibilhin ka lang pero nakaayos ka?"
"A-ahh kasi, Birthday ni Jeir ngayon and balak kong pumunta" sagot ko naman
"Ikaw lang mag-isa?"
"O-oo" sagot ko kaya naman napayuko na lang ako.
"Sakay"
Napa-angat naman agad ang tingin ko sakaniya.
"H-ha?" Naguguluhan kong tanong.
"Sumakay ka, sasamahan kita" yun lang sinabi niya at pumasok na ulit sa kotse niya.
Wala na kong ibang nagawa kundi ang sumakay din.
"S-sure ka bang sasamahan moko?" Muling tanong ko sakaniya pagkalagay ko ng seatbelt ko.
"Wala na rin naman akong gagawin" yun na lang ang sinagot niya at nagdrive na ulit palabas ng village namin.
Tahimik lang kami habang bumabyahe. Hindi na ako nag-umpisa nang usapan hanggang ngayon kasi nahihiya pa rin ako sa nangyari doon sa outing namin, kahit hindi ako sigurado kung narinig niya ba talaga ang pinag-uusapan namin ni lleyla.
Hindi ko alam kung malapit lang ba ang w-mart o sadyang mabilis lang magpatakbo itong si verome.
Aba! Wala pang 10 minuto nandito na agad kami sa parking e.
Agad naman na akong bumaba at pumasok na sa loob. Alam ko namang nakasunod lang si Verome sakin.
Perfume lang ang naisip kong bilhing regalo kay Jeir dahil wala na kong ibang maisip, alangan naman bigyan ko ng sapatos diba? Kaya dun na tayo sa safe na regalo. Natawa naman ako dahil sa naisip ko.
BINABASA MO ANG
Stay Single until you're Appreciated
Short StoryMasama bang humiling na kahit minsan kahit isang beses, na ibigin ka naman ng tunay at totoo? Mali bang hilingin na maging masaya ka naman sa buhay mo? Mali bang humiling na kahit isang beses sa buhay mo tuparin naman ni bathala ang pinakamimithi mo...