Chapter 19

2 0 0
                                    

Mabilis lang nagdaan ang mga araw, ngayon ay sabado na at monday may pasok na ulit kami.

Kaya naman napagpasiyahan namin nina Lleyla na magpicnic sa park kung saan may malaking pond na maraming ducks.

Bale isa yun sa puntahan talaga ng mga tao na taga rito sa amin pati na rin ng mga tourist.

Isa yun sa tourist spot na pinagmamalaki ng lugar namin.

Kasi bukod sa isa siyang field na pwedeng pagpicnic-an ng mga tao meron nga siyang pond na maraming ducks and hindi lang yun marami ring magagandang bulaklak na nakatanim dun kaya pwedeng pwedeng puntahan ng mga instagram-ers and yung mga taong gustong magphotoshoot.

Sa aming tatlo, ako ang photographer kasi (bukod sa ako ang pinaka-maganda sa aming tatlo) ako daw ang pinaka magandang kumuha ng anggulo.

Diba ginawa pa kong photographer ng mga kaibigan ko.

Kaya nga minsan gusto ko ng pagkakitaan to e!

Lalo na kay Jacella nako. Walang kapaguran sa pagpipicture at pagpopost yun sa social media ng mga pictures niya at pictures namin syempre.

Nag-aayos palang ako ng mga pagkain namin kasi ako ang sa mga sandwiches ngayon, while si lleyla sa mga fruits and si Cella naman sa snacks and drinks.

"Wow sandwich, penge" sulpot ni kuya sa harap ko at kukuha na sana sa mga sandwich na ginawa ko ng tinampal ko ang kamay niya.

"Kuya, dadalhin ko yan mamaya" saway ko sakaniya.

"Damot isa lang naman e"

Hays. "Fine! Isa lang ah"

"Thank you sis! Saan ka nga pala pupunta?" Tanong sakin ni kuya habang kinakain na yung ginagawa ko.

"Magpipicnic kami nina lleyla at cella." Sagot ko naman.

"Talaga?"

"Yes."

"Sige ako nalang maghahatid sayo, saan ba yan?"

Napatingin ako sakaniya ng sabihin niya yun.

Basta talaga lleyla, bumabait to e.

"Yown diyan ka magaling kuya e, kung sinasabi mo na ba naman kay lleyla edi sana hindi lang sa paghahatid mo sakin nakakasama yun."paalala ko sa kaniya. "Nag-iintay lang naman kayong dalawa e" bulong kopa sa sarili ko.

"Ano yun?" Tanong ni kuya sakin.

"Wala, sabi ko torpe mo kuya."

"Wow ah porket nililigawan ka lang ni Verome e" ganti naman niya.

"Pero hindi nga ihahatid kita mamaya ah. Anong oras ba?" Ulit niya pa ulit.

"Ngayon na, inaayos ko lang tong mga pagkain tapos maliligo na ako."

"Okay sige, maliligo na din ako ihahanda ko na rin yung kotse."

Tumayo na siya at umalis na siguro para maligo o ihanda na ang kotse.

Iba talaga ang tama nito kay lleyla. Tsk! Tsk!

Pagkatapos kung mag-ayos ng mga pagkain, inalagay ko na siya sa isang lagayan.

Umakyat na ko sa kwarto at saktong pagpasok ko ay may tumatawag sa phone ko kaya agad akong kinuha ko kasi baka si lleyla o si cella ang natawag. Pero mali ako, si Verome pala.

"Hello?"

"Hello leeyah?"

"Verome, bakit ka napatawag?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stay Single until you're AppreciatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon