"okay already set na, so anong papanuorin natin?" Tanong ni Zamina saamin.
Nakaupo na kami ngayon sa couch na pinag-tabi nila. Nasa magkabilang dulo si Kuya Zari at Kuya Lexus habang katabi naman ni Kuya si Shamir pagkatapos ay ako. Si Verome naman ang katabi ni Kuya Zari at si Zamina dun sa natitirang vacant sa gitna namin ni verome.
May dalawang table na rin sa harap namin kung saan nakalagay ang mga pinamili namin kanina na chips at mga popcorns.
"Ano bang choices?" Tanong ni Kuya Zari
"Okay, so Jumanji the next level, Kissing booth or Avengers End game?"
"Jumanji"
"Kissing booth" sabi ko naman
"Avengers nalang"
"Okay? So alin nga?" Tanong ulit ni Zamina.
"Panuorin nalang natin lahat, 6pm palang naman mahaba pa ang oras para wala ng problema" sabi ko naman.
"Okay? So alin uunahin natin?"
"Jumanji na lang" sigaw ni shamir at kuya zari.
"Okay so jumanji first and then?"
"Kissing booth na hehe" singit ko pa. Wala namang silang naging violent reaction.
"And then kissing booth and last Avengers. So it settled then." At agad ng plinay ni Zamina ang Jumanji. Naupo na rin siya sa tabi ko para makanuod na kami.
Nagsimula na rin silang magkainan kaya naman tahimik na lahat.
••••••"Ba't nandito ka?" tanong ko ng makalapit ako kay verome, lumabas kasi siya kanina. Hinihintay kong bumalik siya sa loob pero lampas 10 minutes na wala pa siya kaya napagpasiyahan kong sundan na siya. Nandito kami ngayon sa veranda ng 2nd floor nila.
Tingin lang ang nagawa niyang isagot sakin bago uminom don sa softdrinks in can na hawak niya.
Hindi na lang ulit ako nagtanong at tumingin na lang sa tinatanaw niya.
"Ex-boyfriend mo yung kanina diba."
As usual wala sa tono niya ang pagtatanong. Tanda ko na nabanggit ko sa kaniya ang tungkol kay Jeir pero hindi ko naman pinakita sa kaniya kung anong istura ni Jeir. Kaya nagtataka ako paano niya nahulaan na yun si Jeir kahit hindi ko naman pinapakilala dito.
"Pano mo nalaman?" Tanong ko pagkatingin ko sa kaniya.
"Wala hula ko lang. Tama ako diba" sagot naman niya bago lumingon sakin
"Mmmm" at ibinalik ang tingin ko sa harapan.
"At yung kasama niya kanina yun yung ipinalit niya sakin" dagdag ko pa.
"Tigas ng muka" bulong niya na sapat lang para marinig ko.
"Bakit?" Tanong ko sa kaniya ng makita kong iiling iling siya.
"Hindi gawain ng matinong lalaki ang ipagpalit ang girlfriend niya sa iba at humarap dito ng parang walang nangyari" mahaba niyang litanya.
Tama naman siya, miski ako nagulat sa paglapit at pagkausap niya sakin kahit kasama niya si Fera. Wala namang kaso sakin yun kasi tapos na ko sa kaniya at tanggap ko na. Pero sana nirespeto naman niya yung girlfriend niya na kasama niya tapos kakausapin niya yung ex niya.
"Ewan ko nga ba, sakin naman wala na e. Pero kay Fera alam kong masakit sa kaniya yun alam ko. Kahit naman hindi maganda ang pinapakita niya sakin nirerespeto ko pa rin ang relasyon nila."
"Alam mo ang bait mo no? Ikaw na nga yung niloko pero ikaw pa yung naaapektuhan para sa kanila hindi para sa sarili mo" seryoso niyang sagot sakin.
BINABASA MO ANG
Stay Single until you're Appreciated
Short StoryMasama bang humiling na kahit minsan kahit isang beses, na ibigin ka naman ng tunay at totoo? Mali bang hilingin na maging masaya ka naman sa buhay mo? Mali bang humiling na kahit isang beses sa buhay mo tuparin naman ni bathala ang pinakamimithi mo...