"Nandito na ba lahat?" tanong ko kay Verome.
Siya kasi ang makakasama ko sa sasakyan kasi madami akong dala na gamit and napag-usapan na pala ni kuya lexus at kuya zari na magsasama na lang sila sa isang sasakyan kasi tinatamad daw mag drive itong si kuya zari.
Dahil ako rin naman daw ang may pinaka-maraming dadalhin, kay verome nila ako pinasakay at sakanila yung dalawang bata.
Sus, para laang hindi sila magbuhat nitong mga gamit. Kilala ko na yang si Kuya, para-paraan din yan minsan e.
Hindi ko naman alam dito kay verome kung bakit pumayag siya tuloy itong nahihirapan sa pagbubuhat
"Oo kasi last na tong plastic na to." Sagot niya sakin.
"Ganun ba? Sorry ah ikaw pa tuloy itong nagbubuhat ng mga gamit"
"Okay lang no, tara na?" Tanong niya.
Nauna narin sina kuya doon kasi nandon na daw sina lleyla for i know gusto lang ni kuya makasama ng mas matagal si lleyla. Hindi pa makaintay e buong araw namang makakasama. Iba talaga pag-inlove, hay nako. Napapailing na lang talaga ako pag naiisip kong inlove si kuya sa bestfriend ko.
Tumango lang ako sakaniya bilang sagot. Sumakay na din kami sa kotse niya at umalis na.
"Oo nga pala kamusta yung binili nating regalo para sa mommy mo?" Pagsisimula ko ng usapan hindi kasi ako sanay na tahimik ang sasakyan e.
"Bukas ko pa mapapakita sakaniya kasi bukas pa ang birthday niya pero pinakita ko naman kay Tita and nagustuhan niya yung napili nating design at color" sagot niya sakin
"Ganun ba? Sana magustuhan ng mommy mo no"
"Sabi ni tita, mommy will surely like it daw kasi ganon na ganon ang mga type ni mommy"
"Sana nga, i can't wait tuloy na mapakita mo na sa mommy mo" masigla ko naman tugon.
Hindi na siya sumagot kaya naman tumahimik na ulit ang sasakyan kaya naman itinuon ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana.
"Gusto mo bang magplay ng song?" Tanong niya sakin ng ma-stuck kami sa traffic.
Tumango lang ako bilang sagot.
"Your phone or mine?"
"Sayo na lang, kokonti lang naman laman ng playlist ko e"
"Okay" sagot niya at agad naman kinuha sa bulsa niya ang phone niya.
Tumingin nalang ulit ako sa bintana.
"Here" pagsasalita niya na agad naman nakapagpalingon sakin sakaniya, nakaabot ang kamay niya sakin.
"Ako ang magpplay?" Tanong ko.
Tumingin lang siya saglit sakin at tumango. Agad ko na rin namang kinuha ang phone sa kaniya.
"Passcode daw" pagbuhay ko nanghihingi ng passcode ang phone niya. Kaya naman agad kong binalik sakaniya ang phone niya.
"0329" sambit niya.
Nagulat naman ako sa sinabi niya.
"What?"
"My passcode. 0329" ulit niya.
Is he serious? He will let me go through his phone? First time kung makahawak ng ibang phone bukod sa phone nina kuya at lleyla. Kahit yung phone ni Jeir dati hindi ko nagawang hawakan man lang kasi he never let me. Pero itong si Verome binigay niya pa sakin ang passcode niya.
Okay leeyah, calm down magpplay ka lang ng music kaya ka niya hinahayaan. Walang malisya yun sa kaniya kaya sayo din dapat.
After kung mabuksan nagpunta na lang ako sa playlist niya at nagplay ng music. Agad naman akong may napili kaya plinay ko ito agad.
BINABASA MO ANG
Stay Single until you're Appreciated
Short StoryMasama bang humiling na kahit minsan kahit isang beses, na ibigin ka naman ng tunay at totoo? Mali bang hilingin na maging masaya ka naman sa buhay mo? Mali bang humiling na kahit isang beses sa buhay mo tuparin naman ni bathala ang pinakamimithi mo...